"Gising na" malakas na sigaw ni Cyren sa magkakaibigan. "Mom! 5 minutes more" saad naman nina Titania, Luna at Vindexia na ikinatawa ni Ezekiel at Tyler "Hey! Wake up guys your not in your home Hahahahaha" natatawang saad ni Ezekiel kaya naman napabangon ang tatlong babae mula sa kama sabay na naginat "I thought I was in may home" malungkot na sabi ni Titania "Me too" sabi ni Luna "Bilisan n'yo riyan at pinapunta na kayo sa virtual room ni maestro" saad ni Cyren kaya naman dali-daling naghilamos ang magkakaibigan at sabay-sabay itong bumaba sabay punta sa kwarto ng itinuro ni Cyren. Kumatok sila rito at binuksan ito ng maestro "maganda umaga" nakangiting bati ng maestro "Welcome sa virtual Realty room dito ay sasanayin ko kayo sa pakikipaglaban. Dito ay matutunan ninyo kung paano gumawa ng strategy sa paggamit ng inyong mga kakayahan" naglakad papasok ang magkakaibigan at namangha ito sa laki ng kwarto na nababalutan ng isang mahika may pinindot ang maestro sa kanyang relo at naiba na ang kanilang paligid napunta sila sa gitna ng kagubatan "igugrupo ko kayo sa tatlo na may dalawang miyembro kakalabanin ninyo ang hindi n'yo kamiyembro habang ang magkakampi naman ay magatutulungan" saad ni maestro "Ezekiel ang kakampi mo ay si Vindexia, Ikaw naman Zepyr makakasama mo si Luna habang si Tyler naman kay Titania" "Ayos!" Sigaw ni Tyler "simulan na ang laban" saad naman ni Ezekiel na may halong kayabangan habang si Zepyr namn ay tahimik lamang sa isang tabi. "O , sige simulan n'yo na ang laban" saad ng maestro.
Unang sumugod si Tyler at Vindexia at pinuntirya nila si Zepyr ngunit hindi nila alam na ginamit ni Luna ang mirage kung saan akala nila iyon ang totoong Zepyr ngunit hindi ginamit din ni Luna ang isa pa niyang attribution ang kaleidoscope attact kung saan bumuo siyang ng maraming kawangis niya ngunit naunahan siya Ezekiel ginamit niya ang lighting travel at pumunta sa likod ni Luna na parang isang kidlat sa bilis, pero hindi ito hinayaan ni Zepyr hinawakan niya ang ulo ni gab at ginamit nito ang thought casting na siya nalmang nagpasakit sa ulo ni Ezekiel ngunit hindi nila alam na may balak sina Tyler at Titania. Pinahina ni Titania ang chi ng kasama niya kaya naman halos hindi nila magamit ang kanilang mga abilidad kaya ginamit ni Vindexia ang kanyang special attribution na Advance Stasis upang hindi siya maapektuhan ng atake ni Titania at upang mapanatili rin nito ang lakas ng kanyang chi. Nilapitan ni Vindexia si Titania at gumamit ng ito ng Body switch kung saan hindi siya tatablan ng kahit ano, bigla namang sumugod si Tyler sa kanya at sinipa niya si Vindexia ngunit hindi ito tinablan napansin na lamang ni Tyler na nasaktan si Titania kaya nawalan ito ng malay at bigla itong naglaho sa field ibig sabihin ay talo na ito. Na pangiti si Vindexia at nais sana niya itong gamitin kay Tyler ngunit hindi ito tumalab dahil sa blocker nga ito, sumugod naman si Tyler at ginamitan niya ng special attribution sina Vindexia at Ezekiel kaya tulad ni Titania naglaho rin ang ito sa field kung saan sila naglalaban. Natira na lamang sa field ay sina Tyler, Zepyr at Luna. Napangiti na lamang si Tyler at sinugod sina Luna at Zepyr ngunit gumamit ng Ability Unison sina Zepyr at Luna dahil napagalaman nila na gumagana lamang ang abilidad ni Tyler sa mga physical passive attack kaya gumamit sina Luna ng mind passive attack para matalo nila si Tyler kaya gumamit si Luna ng mirage habang ginamit naman ni Zepyr ang Nightmare takot na takot si Tyler sa kanyang nakikita na isang ilusyon lamang nakita lamang ito nila Luna na umiiyak dahil sa mga nasaksihan nito at bigla nalamang nagiba ang paligid at bumalik ito sa dati nitong anyo at nakita nila Luna ang nakangiting itsura ng maestro maging ang mga kaibigan nito "Magaling Luna at Zepyr natuklasan ninyo ang iba n'yo pang special attribution maging ang iyong mga kaibigan nagagamit na ninyo ang inyong abilidad at pano kontrolin ito" galak na sabi ng maestro "Maraming maestro dahil hindi namin matutuklasan ang mga abilidad kung hindi sa mo" nakangiting sabi ni luna sa maestro "kinagagalak kong turuan ang mga batang katulad n'yo " balik na sagot nito.
Ngunit sa kabilang banda may isang taong nakatitig sa kanilang kasiyahan at makikita sa mukha nito ang galit, inggit at ganid "Maging masaya kayo ngayon dahil ang kapalit ng bawat ng tinig ng inyong tawa ay isang hinagpis at luha ng inyong dugo" saad ng lalaki sa kanyang isip at napapangiti na lamang ito sa kanyang naisip.
"Cyren tara na" pagtawag ng maestro sa binata "Nandiyan na Maestro" masayang sabi nito sabay lapit sa maestro "Kayo naman magpahinga na kayo sa inyong silid at bumaba mamaya para tayo ay makakain na" sabi nito sa magkakaibigan. Sabay-sabay umakyat ang magkakaibigan at nagpahinga sa kanilang silid maya-maya tinawag na sila ni Cyren sa baba at kumain. Pagbaba nila nakita nila ang maestro na nakaupo sa mahabang lamesa kung nakahanda ang maraming pagkain na inihain para sa kanila, umupo sila sa upuan upang simulan ang pagkain habang kumakain nagtanong si Luna tungkol sa pinanggalingan ng kanilang mga kapangyarihan "Nagumpisa ang ating kwento sa mga diyos na si Emperius ang diyos ng servero o ang uniberso. Si Emperius ay may tatlong anak na sina Ignis ang panganay na diyos ng Hades kung saan napupunta ang kalag o kaluluwa ng isang elite, pangalawa naman ay si Caelum ang diyos ng tadhana at ang bunsong anak niyang si Aquila na mensahero ng mga diyos. Si Aquila ay napakasuwail na anak ni Emperius na nagpapasakit sa ulo nito dahil lagi itong lumalabag sa batas ng kalikasan ng servero kaya tinanggal nito ang elatra o ang pakpak ng anak at itinapon sa lupain ng mga tao upang turuan ito ng leksyon, ang dalawang piraso ng elatra ay makapangyarihan na napulot ng dalawang magkaibigan sina Elixir at Magnus. Si Elixir ay nakakuha ng isang bahagi ng elatra at ginawa niya itong espada na tinawag niyang Fanaa ito ay makapangyarihang espada na pagmamay-ari niya mayroon siyang asawa at tatlong anak. Samantalang si Magnus naman ay nakakuha ng isang malakas na bahagi ng elatra at tulad ni Elixir ginawa niya rin itong espada na tinawag niyang Fanaa meron siyang asawa na may lihim na pagtingin kay Elixir at isang anak. Noong nalaman ni Magnus na may lihim na pagtingin ang kanyang asawa kay Magnus ay inaway niya ito, at bumuo ito ng maraming tauhan upang labanan si Elixir na tinatawag na cursed. Ito ay grupo ni Magnus na ganid na kapangyarihan at nais pumatay ng mga kakalaban sa kanila.Habang si Elixir naman ay nagbahagi rin ng kanyang kapangyarihan sa apat ordinaryong tao, ngunit salungat ito sa paniniwala ng mga cursed dahil ang mga ay gusto lamang ng kaayusan sa mundo tinawag niya itong guardian elite na magpapanatili ng balanse sa mundo at ang kaayusan nito. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng elite at cursed at Magnus naman at Elixir ang naglaban ngunit sabi nga nila hindi raw natatalo ng kasamaan ang kabutihan, kaya sinaksak ni Elixir si Magnus sa likod nito at nagiwan ito ng salita bago siya mamatay na babalik siya sa takdang panahon at kung sino ang pumaslang sa kanya ito rin bubuhay sa kanya at tuluyan na ngang nalagutan ng hininga si Magnus at natapos ang digmaan at nagpakalayo-layo na rin ang mga rin ang mga cursed mula sa kanilang bayan at inihimlay naman ang katawan ni Magnus sa isang templo na binabantayan ng mga elementor elite dahil sa iniwan nitong sumpa bumuo si Elixir ng mga taong bibigyan niya ng kapangyarihan at tatawagin na elite nang sa ganun ay may tumalo kay Magnus kung sakaling mabuhay itong muli" mahabang saad ng maestro "ngunit nasaan na po ang mga guardian elite?" Tanong ni Zepyr "Sa ngayon wala pang nakakakita sa mga ito pinaniniwalaan ng iba na nasa loob ito ng espada ni Elixir ang Mera at inalay ang buhay ng mga ito sa espada" saad muli ng guro " Asan na po ang dalawang makapangyarihang espada nila Magnus at Elixir?" Tanong ni Tyler " Ayon sa aking nalalaman itinago ito ni Elixir sa isang taguan na hindi makikita nino man dahil pinaniniwalaan ng mga ito na ang dalawang espada ang magbubukas sa libingan ni Magnus kapag ito ay mabuhay."saad ni Maestro hindi na umimik ang lahat at pinagpatuloy na lamang ang pagkain.