CHAPTER 10 Angel with A Shotgun

2339 Words
(Nikah's POV)   "Nay, pwede bang wag na kayong umiyak" saway ko sa Nanay ko na iyak ng iyak sa tabi ko.   "Oo nga Merced, lalo lang din akong malulungkot niyan" sabi ni tatay, at mababakas mo sa mukha niya ang matinding kalungkutan.   "Alam kong kasalanan ko ito, kaya patawarin mo ako anak." Sabi ni tatay, habang nakatingin sa akin.   Agad kong kinuha ang kamay ni tatay at nanay, hinawakan ko iyon ng mahigpit. "Wag mong sisihin ang sarili mo tay, may mga tao lang talaga na kayang paikutin ang mga bagay bagay, dahil sa pera nila." Agad kong nilunok yung bagay ng nakabara sa lalamunan ko, at pinigilan ang luhang gustong tumulo sa mga mata ko, "mabubuo din ang pamilya natin" sabi ko at nginitian sila pareho.   "Mr.Paulino, pumasok na po kayo"sabi ng isang lalaki, at pinapasok si tatay kasama si nanay sa isang pintuan.   Sa mga oras na to, gusto ko nang umiyak, gusto ko tumakbo palayo sa lugar na to at iwanan ang mundo. Gusto kong sumigaw at sisihin ang mga taong gahaman sa pera! Bakit ba kasi may pinanganak na mayaman at may mahirap, at bakit dun kami kasama sa mahirap?   Pero, mahirap man kaming maituturing, mayaman naman kami sa pagmamahalan, mahal namin ang isat isa sa pamilya, marunong kaming magtulungan kapag may kailangan ang isa. At masasabi kong ito na siguro ang pinakamalaking sakripisyo ko para sa pamilya ko.   "Ready ka na ba?" Tanong sa akin ng lalaking nagpapasok din kay tatay at nanay sa loob.   Tumango ako sa kanya, at binuksan na niya ng tuluyan ang kulay puti na pintuan.   Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang mga taong may ngiti sa labi, masaya at inaantay ang pagpasok ko.   Nang marinig ko na ang isang pamilyar na kanta, kusa nang humakbang ang paa ko, at sa bawat hakbang di ko mapigilan ang mga luha tumutulo sa mata ko, siguro akala ng mga tao, ito ay tears of joy, pero mali sila.   Unti unti, nawawala na ang kalayaan ko, nawawala na ang pangarap ko.   Sa di sinasadyang pagkakataon, napatingin ako sa lalaking matiyagang nag aantay sa unahan, ang lalaking may kasalanan at may kagagawan ng lahat ng to. Ang lakas ng loob niyang ngumiti pa.   Bigla akong napatigil sa paglalakad, bakit nga ba ako nandito sa sitwasyon na to? Ito ba ang gusto ko? Pero mahalaga pa ba ngayon kung ano ang gusto ko? Di ko na magawang ihakbang pa ang mga paa ko.   "Anak...." naramdaman kong lumapit sa akin si tatay, at hinawakan ako sa kamay.. "gusto mo bang ituloy to?" Nag aalalang tanong niya.. gusto ko nga bang ituloy to? Gugustuhin ko ba? Agad akong napatingin sa lalaking nakatayo sa unahan,kung kanina ay nakangiti siya, ngayon mga nakakatakot na mata ang makita ko.   Ngumiti ako kay tatay at sinabing... "tay, samahan mo ako papuntang sa harapan". Nakita kong tumingin si tatay sa itaas, sign na mayron syang pinipigilan tumulo, pero sadyang mabilis tumulo ang luha niya, agad niya iyong pinunasan at tumingin sa akin. "Patawarin mo ako anak" tumango lang ako sa kanya at tinulungan niya akong makalapit sa lalaking nakatayo sa harapan.   Naglakad ako papuntang unahan habang hawak hawak ang kamay ni tatay, ang kamay na nagbibigay ng lakas sa akin, ang kamay na gumabay sa akin nung bata palang ako at nag aaral maglakad. Tumingin ako ulit ako kay tatay, walang tigil ang pagtulo ng luha niya.   Pagdating namin sa harapan, agad nabinabot ni tatay ang kamay ko sa lalaking ito, "wag mo syang sasaktan," sabi ni tatay na parang nagbabanta.   "I will not hurt her Sir. She's my princess" sagot naman nito. Iniwan na kami ni tatay at dalawa na kaming naglakad papunta sa unahan.   "Akala ko tatakbuhan mo na ako" pagkasabi niya nun, ay agad kong naramdaman na humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.   "nasasaktan ako" sabi ko dito, bulungan lang kami habang nag uusap.   "Talagang nasasaktan ka, di mo ba alam na pinakaba mo ako..." naggigigil na bulong nito sa tenga ko.   "Alam mo naman siguro ang magyayari sa pamilya mo, kung hindi matutuloy ang kasal natin diba?"   "Alam ko, alam na alam ko, Kai" sabi ko dito.   Oo, tama kayo, ngayon ang araw ng kasal namin ni Kai, pero paano nga ba ako dumating sa punto na ito na pumayag ako makasal sa kanya....     FLASHBACK....   "For sure, may ibang tao pa ang tutulong sa amin, na hindi hihingi ng labis labis na kapalit." Pagkasabi ko nun ay agad ako lumapit sa pinto, para lumabas. Pero malas kasi ayaw bumukas.   "Ayos lang sayo na makulong ang tatay mo ha?" Tanong ni Kai sa akin, na ngayon ay nasa likuran ko, alam ko malapit lang sya dahil naririnig ko ang hiningan niya.   "Alam mo Kai, may mga bagay na hindi kayang bilin ng pera." Sabi ko dito. Naramdaman ko naman ang kamay niya na hinila ako at marahas na sinandal sa isang pader. Ganito ba lagi si Kai? Mahilig maghila?   "At ano ang hindi kayang bilin ng pera huh?" Tanong nito, habang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.   "Umalis ka dyan," sabi ko habang tinutulak siya paalis sa harapan ko.   "Tell me princess, ano ang hindi kayang bilin ng pera huh?" Tanong nito, at kahit anong gawin kong tulak ay hindi pa rin sya mawala wala sa harapan ko. Mas lalo pa niyang diniin ang katawan niya sa katawan ko at naramdaman kong humihigpit pa ang hawak niya lalo.   "Marami kai..gaya ng kasal. Ng pagmamahal. Papahiramin mo ako ng pera, at ano ang kapalit kasal. Hinding hindi ako papayag. Di ako kanyang bilin ng pera mo." Matapang na sagot ko dito.   Naramdaman kong bumilis ang paghingan ni Kai, at ang mga mata niya nakakatakot, parang nakakahiwa ng kaluluwa ang mga mata niya.   "Talaga?" Sabi nito at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Pwes, itong nagyari sa tatay mo, simula pa lang to." Sabi nito na para bang nakakasigurado siya sa mga sinasabi niya, agad namang nanigkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.   "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito.   Nakita kong may gumuhit na ngiti sa labi niya. "Ako ang nag utos kay Mrs.Francisco na gipitin ang tatay mo. Para maisipan mong lumapit sa akin."   "Hayop ka!!" Sigaw ko dito habang pilit kumakawala sa hawak nito.   "Oh yes my dear, I'm an animal. When it comes on you. And simula pa lang to." Sabi nito sa tenga ko.   Di ko na napigilan ang mga luha na tumulo sa mata ko, dahil sa galit na nararamdaman ko para sa lalaking ito.   "At kapag tinaggihan mo akong pakasalan, asahan mo na may magyayari sa pamilya mo" nakakatakot ang paraan ng pagsasalita niya, nagbabanta siya at hindi ko mapigilan ang sarili kong balahibo na manindig.   "Kaya kong ipatanggal ang kuya mo sa kompanyang pag mamay-ari ng kaibigan ko. At ang ate mo, kayang kaya ko din syang ipataggal sa pinagtatrabahuan niyang tuitorial center. At higit sa lahat, kaya kong putulin ang libreng dialysis ng nanay mo sa hospital ng Tita ko" tuloy tuloy na sabi nito, parang nanuyo ang lalamunan ko, di ko alam kung anong dapat sabihin o kung meron ba ako dapat sabihin.   Nanginig ang buo kong kalamnan dahil sa galit na nararamdaman ko, "bakit mo to ginagawa?" Gigil na tanong ko sa kanya.   "Simple lang, take the bull by its horns. Ibig sabihin hawakan mo ang mga tao sa paraang hindi sila makakatanggi, at yun ang ginawa ko. Unti unti.. papahirapan ko ang pamilya mo, para lumapit ka sa akin..at kung magyari yun, akin ka na" antipatikong saad ng lalaking nasa harapan ko.   Ang mga sumunod na nagyari ay akin ginagulat. Narinig ko ang malakas na 'pak' na dumapo sa mukha niya. awtomatikong nasampal ko si Kai, dahan dahan humarap sa akin ang mukha ni Kai, at nakita kong may konting dugo sa gilid ng labi niya.   "You can slap me many time...... but it doesn't change the fact that you still need me" preskong sabi nito. Halos makapos ako ng hininga ng lumapit ang mukha nito sa akin. "Now, think..... are you going to marry me or I'm going to put your family in disgrace?"   Agad tumulo ang mga luhang gustong lumabas sa katawan ko, ng maalala ang sinabi niya kanina, kakayanin ko bang makita ang pamilya kong naghihirap, ganong alam kong may solution naman na pwede akong gawin.   Magiging makasaril ba ako? O magsasakripisyon ako para sa pamilya ko?   Tinignan ko si Kai na nasa harapan ko, at nagaantay ang sagot ko.   "Kelan ang kasal?" Tanong ko dito. Mas gugustuhin ko pang mahirapan ako, kesa makitang nahihirapan ang pamilya ko.   "Before this month ends. And I promise I gonna give you the wedding your dreaming of" di pa man ako nakakasagot ay inangkin na ni Kai ang labi ko, ang paraan ng paghalik niya ay ibang iba sa paraan ng una niya ako hinalikan. Mabagal at mararamdaman mo ang pagmamahal sa halik niya.   "Antayin mo ako, magbibihis lang ako at pupuntahan natin si Mrs.Francisco" sabi nito at kaagad umalis sa harap ko.   Wala na, wala na ang kalayaan ko. Ang pangarap kong makasal sa isang taong gusto at mahal ko. Lahat ng yun mawawala ng dahil may isang taong kayang kaya paikutin ang mundo dahil sa pera niya. Pero ayos lang, maging masaya lang ang pamilya ko, handa akong igive up ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin.   End of Flashback   *****   (Kai's POV)   A/n: for better reading just play 'Be the One' by Jeff Bernat   Puro nakangiti ang mga taong nandito sa loob ng simbahan, lahat masaya para sa aming dalawa ni Nikah, kahit din naman ako, masaya.   "Sa wakas, nakuha mo na rin ang babaeng inaasam mo" sabi ni j**s na nasa tabi ko.   Ngumiti na lang ako sa kanya, nasa mood ako ngayon kaya hindi ko na siya sinagot pa.   Nakita kong pumasok na ang magulang ni Nikah, kagaya ng sabi ko sa kanya, ibibigay ko ang pinaka the best ng wedding, isang kasal pangarap niya.   Mula sa design, sa motive, sa mga abay, lahat yun, naka-base sa kung anong gusto niya.   My heart almost skip its beat, when I heard the song na gagamitin niya sa pagpasok niya.     From the day that you arrived I had no idea you'd be my life But when I looked into your eyes I knew someday, you'd be my wife.   Unti unti, nakita ko na bumubukas ang pinto kung saan siya papasok at kung saan magsisimula ang lahat.   I know there's times when I am wrong And you know there's times when I am right Just as long as we both give it all we can  And for both to see that we try   Muli kong tinignan si Nikah na naglalakad palapit sa akin, napakaganda talaga niya, lalo syang gumanda sa suot niyang wedding gown, na siya mismo ang namili. Nakadagdag pa yung buhok niya na medyo kinulot, maikli na lang ngayon ang buhok niya, nagpagupit kasi siya.   Tinignan ko ang maamo niyang mukha, at mababakas mo doon ang labis na kalungkutan, patuloy na tumutulo mula sa mga mata niya ang luhang gustong kumawala sa sistema niya.   Alam kong mali ang paraan ko para maikasal kami, sinakal ko siya, pero wala na akong pakialam dun, ayoko nang mag-antay. Alam ko darating din ang panahon na maiintindihan din ako ni Nikah.   You took my heart so unexpectedly Who knew that you would be the one But I always knew that there was something special 'bout you From the day that you walked into my life   Bigla akong napangiti nang magtama ang mata namin ni Nikah. Nagkita kami sa hindi inaasahang pagkakataon, at nahulog ako sa kanya sa hindi rin pinakaaasahang paraan.   Though I sit and wonder why I'm the one to love you day and night And then I come to realize There's a reason you are my life   Pero parang tumigil ang puso ko nagbigla tumigil si Nikah sa paglakad. Nakatayo lang siya sa gitna, lahat ng tayo nakatingin lang sa kanya, walang gustong magsalita. Agad kong naikuyom ang kamay ko at tinignan siya ng masama, baka takbuhan niya ako sa araw ng kasal namin. Hindi. Hindi niya pwedeng gawin to sa akin.   Nakita kong lumapit ang tatay niya ay nagbulungan sila. Bigla akong napayuko, alam ko naman at ramdam kong hindi ako gusto ng tatay niya, nung araw na sinabi namin na ikakasal kami, ay agad siyang tumanggi, pero nang malaman niya ang reason ay wala na siyang nagawa kundi ang umiyak at humingin ng tawad sa anak niya.   Napa-angat ako ng ulo ng maramdaman ko ang kalabit ni j**s. "Look" sabi nito, at napatingin naman ako sa tinuro nito... nakita ko siya na naglalakad palapit sa akin.   Naglalakad sya kasama ang tatay niya.   Kinuha ko ang kamay ni Nikah mula sa tatay niya, "wag mo syang sasaktan," sabi ng tatay niya na parang nagbabanta.   "I will not hurt her Sir. She's my princess" sagot ko dito, hindi ako gagawa ng mga bagay na pwede siyang masaktan, oo nga't dinaan ko sa dahas ang pagkuha sa kanya, pero sa puso ko, sya ang nag iisang prinsesa . Iniwan na kami ng tatay niya at nagpatuloy kami sa paglakad plapit sa Pastor na magkakasal sa amin. Ito kasi yung isang request ni Nikah, na ang magkakasal sa amin ay ang pastor nila sa simbahan.   "Akala ko tatakbuhan mo na ako" sabi ko dito. Agad ko naman siyang hinawakan ng mahigpit sa kamay, dahil baka nga takbuhan niya ako.   "nasasaktan ako" sabi nito ba nakabulong lang, bulungan lang ang usapan namin.   "Talagang nasasaktan ka, di mo ba alam na pinakaba mo ako..." naggigigil na bulong ko sa tenga niya.   "Alam mo naman siguro ang magyayari sa pamilya mo, kung hindi matutuloy ang kasal natin diba?" Dagdag ko. Gusto ko lang naman ipaalala sa kanya ang mga magyayari kapag tinakbuhan niya ako.   "Alam ko, alam na alam ko, Kai" sabi nito.   Nikah Paulino Choi. It really suits her.   Ngayon, ramdam ko na talaga na akin ng sya, Ngiting tagumpay ang mga ngiting nasa labi.   Im such an Angel with a shotgun. A lot of shotguns.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD