CHINITO: Prologue

1478 Words
Purong Intsik ang tatay ni Jeff, maputi, gwapo at isang negosyante na may-ari ng grocery strore. Maganda naman ang takbo ng negosyo ni William dahil marami ang pumapasok at bumibili ng kanyang mga paninda. Dito niya rin nakilala si Joyce, isang magandang babae na nagtratrabaho sa kanyang store. Nahulog kaagad ang loob niya sa babae at nilagawan ito. Nagpakasal silang dalawa pagkatapos ng dalawang taon at nagkaroon ng mga anak. Pagkalipas ng ilang araw ay tumawag ang mga magulang ni William at pinapauwi siya sa China kasi may problema daw at kailangan siya doon. Nagpaalam si William sa kanyang iiwan na pamilya at nangako na uuwi kaagad. Walang magawa si Joyce sa pag-alis ng kanyang asawa dahil pamilya niya ang tumawag sa kanya. Naghintay at naghintay si Joyce ng ilang buwan pero walang William na pumasok sa pintuan ng bahay. Ngunit isang araw, may isang lalake ang nakatayo sa labas ng gate na merong kasama na buntis na babae. “Nay, parang may tao sa labas” sabi ni Jenny na nakasilip sa bintana at nakatingin sa labas “Si tatay ‘ata at meron siyang kasama” “Talaga anak?.. sige pagbuksan mo ang tatay mo at para sabay na lang tayo kakain” habang inihanda ni Joyce ang kanilang tanghalian Nang umakyat na si William at ang babaeng kasama niya, agad na sinalubungan ni Joyce ang kanyang asawa ng yakap at halik. “Mahal, miss na miss talaga kita. Hindi ako nakakatulog nung mga gabi na wala ka sa tabi ko.” at napatingin siya sa babae. Muntik niya nang makalimutan na may kasama pala ang asawa niya sa pagpasok ng bahay. “Sino siya Mahal?..Kapatid mo?..” Biglang natahimik si William, hindi niya alam kung saan magsisimula at parang nanginginig ang buong katawan. “Buntis ka??” nagulat si William dahil malaki ang tiyan ng kanyang asawa. “Oo Mahal. Ito yung bunga ng pagmamahal natin nung araw na umalis ka papuntang China” sabay himas ni Joyce sa kanyang malaking tiyan. Pero walang imik si William sa sinabi ng asawa “Mahal? Galit ka ba sa akin?” “Hindi… bakit naman ako magagalit sa’yo?” at hinawakan niya ang kamay ng asawa “Joyce?..Mahal ko?... meron akong sasabihin sa’yo” sabay hawak ni William sa kamay ng asawa. “Ano yon Mahal?” sagot naman ni Joyce na tila kinakabahan sa sasabihin ng kanyang asawa. Tumingin si William sa kanyang mga anak ng matagal at bumalik muli ang tingin niya sa asawa “Mahal, pwede mo ba silang papasukin sa kanilang mga silid?” pabor niya sa asawa. “Bakit ba Mahal?? Ano ba ang sasabihin mo?” takang tanong ni Joyce “Pinakakaba mo ako Mahal ah” “Please. Sundin mo lang ako Mahal. Para hindi nila marinig ang sasabihin ko” pagmamakaawa ulit ni William na parang humina ang tono ng boses. “Sige. Mga anak, pumasok muna kayo sa kwarto ninyo” at hinintay nila na pumasok ang mga bata. Humarap muli si Joyce sa kanyang asawa na kumakabog ang kanyang dibdib. “Ano ang sasabihin mo sa akin, Mahal?” Tinawag niya ang kanyang kasamang babae na lumapit. “Siya si Ming, ang bago kong asawa galing China” bigla siyang sinampal ni Joyce ng malakas. “Ano ‘to, William?? Ang kapal din ng mukha mo na ipakilala mo sa akin ang kabet mo!!” “Mahal… gusto ko sanang ipaalam sa’yo ito pero pinipigilan ako ng mga magulang ko. Hindi sila kasi boto sa pinay na asawa kasi gusto nila ng Intsik din ang magiging asawa ko. Sana mapatawad mo ako Mahal” “Ilang buwan ka naming hinintay ng mga anak mo dito sa Pilipinas at ilang buwan din ako nagtiis na wala ka sa tabi ko lalo na kung gabi pero may kinakatabi ka na pala na ibang babae sa Tsina?! Dumating ka nga pero may kasama ka pang buntis na malanding babae!! Ang kapal ng mukha mo!!” patuloy ang pambubugbog ni Joyce sa asawa hanggang mapagod pero patuloy pa rin ang pag-iyak. Napa-upo siya sa sahig at niyakap siya ng asawa. “Joyce, Mahal…patawarin mo na ako sa nagawa ko. Alam ko na masakit pero intindihin mo naman sana. Hindi ko naman sinasadya” pagmamakaawa ni William “Intindihin..?? Hindi sinasadya?... ako pa ngayon ang mag-iintindi sa ginawa mo? Ako na nga ang nasaktan… William naman!!” at sumulyap siya sa Tsinang babae. Nakita niya na malaki din ang tiyan nito “…at talagang nabuntis mo din siya William ha.?!” “Mahal, sorry na… please.” Pagmamakaawa pa niya sa asawa. “Oo. Kasalanan ko. Kasalanan ko na hindi kita pinaglaban… bawal kasi tumanggi sa Chinese” Tumayo at pumasok si Joyce sa kanyang silid kasi hindi niya pa mapapatawad si William sa ginawa. Doon siya sa loob umiyak ng todo samantala si William naman ay nakaupo pa din sa sahig at nakatingin sa pintuan ng silid ni Joyce. Naka-upo naman sa sofa si Ming, naghihintay sa desisyon ng unang asawa ni William. Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na si Joyce at tinawag si William na nakaupo na din sa sofa na katabi si Ming. “Bakit Mahal? Ok ka na ba?” tanong ni William “Hindi ako agad magiging ok na ganun lang kadali” sabi ni Joyce na nanlilisik ang kanyang mga mata kay William “Pero pinapatawad na kita…” nabuhayan uli si William sa sinabi ng kanyang asawa at niyakap itong muli. “Sandali….. hindi pa ako tapos. Pinapatawad na kita…alang-alang sa mga anak natin pero hanggang lang doon. Tapos na ang namamagitan sa atin.” “Sige Mahal…kung ganyan ang gusto mo, okay na sa akin ‘to. Ang importante magkasama na ulit tayo na bilang pamilya. Pero sana mapatawad mo ako sa ginawa ko at mabigyan mo ng isa pang pagkakataon ang relasyon natin” Tinanggap lang siya ni Joyce sa kabila ng ginawa nilang dalawa. At alang-alang lang sa mga anak, gusto niya na maging kompleto ang pamilya at para meron silang tatay na matatawag at gumabay sa kanilang paglaki. Nakitira din si Ming sa kanila kasi wala siyang matirhan at walang kakilala sa Pilipinas. Pagkalipas ng ilang buwan ay bumalik na si William sa China para umutang sa mga magulang niya upang maidagdag sa negosyo nilang pamilya. Sakto din sa kanyang pag-alis ay nanganak ng sabay sina Joyce at Ming. Inggit na inggit si Ming kay Joyce dahil lalake ang kanyang anak, hindi lang basta isa, kundi dalawa at kambal na lalake, samantala sa kanya naman ay isang babae. Sa kulturang Tsina, mas pinapaboran nila ang mga lalake dahil sila ang may kakayahan na mapatakbo ng negosyo at magbuhay sa kanilang pamilya samantala ang mga babae naman ay sa bahay lang at naghihintay sa kanilang asawa galing trabaho. Nang dahil sa inggit ni Ming ay may naisip siyang plano. Nanakawin niya ang isang sanggol na lalake ni Joyce sabay sa pagtakas niya sa ospital. Hinintay niya na makatulog si Joyce at kaagad niyang kinuha ang isa sa mga kambal na sanggol palabas ng ospital. Nahihirapan si Ming sa pagkarga ng dalawang sanggol, isa dun ang kanyang anak na babae at ang kinuha niya mula kay Joyce. Nagmamadali siyang lumayo sa ospital at naghintay na masasakyan na jeep. Bumaba siya sa hindi pamilyar na lugar, gusto niya sanang umalis sa lugar na iyon pero hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at saan pupunta dahil ngayon lang siya nakaapak sa ganong lugar at hindi niya alam ang wika ng mga tao. Ilang hakbang ang kanyang nagawa ay may bigla siyang nakita na isang tiyangge. Kaagad siyang nagtungo doon at nakita ang hindi masyadong katandaan na babae. Pilit niyang kinakausap ito, pero hindi naiintindihan ng babae ang sinasabi ni Ming sa kanya. Nagulat na lamang ang babae na inabot ni Ming ang isang sanggol sa kanya at kaagad nang tumakbo ng mabilis. Lumabas ang babae at hahabulin niya sana ang umalis na ina pero hindi niya naabutan. “O kay sinong anak ang sanggol na yan” sambit ng asawa ng babae na kakauwi lang ng bahay. “Sa babaeng Intsik. Binigay na lang sa akin at kaagad tumakbo ng mabilis eh” kuwento niya sa asawa “May sinasabi siya, pero hindi ko naman naiintindihan” “Ha? Kailan lang?” “Ngayon lang.” “Talaga?” at lumapit ang lalake na pangalan ay Rudy. Tingnan niya ang sanggol ng matagal “Mukang may lahing Intsik din tong bata na to ah. Parang sweswertihin tayo sa kanya, Cynthia” “Oo nga eh. Ang cute ng batang ‘to” “E ano ang ipapangalan natin sa kanya?” “Hmmm. Joaquin. Siya na ngayon si Joaquin Balcoba”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD