Bago pumasok sa kanyang trabaho, bumalik muna si Riley sa kanilang bahay upang kausapin ang kanyang ina tungkol sa nangyari kanina.
“Ma!... MA!!” malakas na pagkatok niya sa pintuan sa kwarto ng ina.
“Ano ba ang problema mo ha?! Bakit ang ingay mo…natutulog na ako” sambit ni Lorena na nagmamadaling lumabas ng silid “Nakakahiya sa mga kapitbahay na sumusigaw ka nang ganitong oras.”
“Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila!” sigaw ni Riley “Ang gusto ko lang malaman na kung ano ang problema mo kay Jeff kanina??!”
“Oh! Yun lang ba? Siya lang ba ang dahilan kung bakit mo ako sinisigawan at pinapagalitan ngayon?” sabi ng ina “binabastos mo ang Mama mo nang dahil lang sa kanya? Tama lang nga na hindi ko siya tanggapin dahil masama ang impluwensiya niya sa’yo!”
“Anong masamang impluwensiya ang pinagsasabi mo, Ma? Mahal niya ako…”
“Mahal?? Oo pero hindi mo nakita kanina ang ginawa niya...Paano kasi, nasa kuwarto ka!” sigaw ni Lorena sa anak at umupo siya sa plastic na upuan.
“Nagbibihis nga ako kanina” pangangatwiran ni Riley
“Pwes! Hindi mo tuloy nakita ang pambabastos niya sa akin”
“E ang saya naman daw ng usapan ninyo kanina ah…”
“Yun ba ang sinabi niya sa’yo??” sambit ni Lorena na nanlilisik ang mga mata sa anak “Pwes. Nagsisinungaling siya. Binastos niya ako at sinasagot-sagot”
“Hindi ako naniniwala sa’yo. Ma” sagot ni Riley na nanginginig ang kamay sa galit at nakatitig siya sa sahig “Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mo sa kanya. Sabihin mo nga sa akin kung ano ang dahilan mo”
“Sinabi ko na sa’yo ang dahilan, Riley. Binastos niya ako. Binastos niya ang Mama mo”
“Ang totoong dahilan, Ma.”
“Bakit hindi ka naniniwala sa akin?? Ano ba ang pinakain niya sa’yo na siya lang parati ang kinakampihan mo” buntong-hininga ni Lorena “Nasasaktan ako ngayon, Riley. Masakit dahil mas pinagtatanggol mo pa ang taong yan kesa sa Mama mo. Hindi mo na ako mahal”
“Mahal kita, Ma. Pero mahal ko din si Jeff” sabay pagtulo ng luha niya “Pero huwag mo nang tanungin kung sino ang pipiliin ko sa inyong dalawa. Masasaktan ka lang” tumalikod na lamang si Riley at kaagad nang umalis ng bahay.
***
Nadatnan ni Jeff na nakaupo ang kaibigan na si Jacqui na parang mabigat ang mukha at may problema. Kaagad naman siya umupo sa tabi ng kaibigan.
“Uy Bes. Kamusta ka?” bati ni Jeff sa kanya.
“Okay lang” tanging sagot ni Jacqui.
“E si Alvin? Nasaan?”
“May klase pa”
“Sorry nga pala kung ngayong hapon lang ako nakapasok ha? May problema lang kasi ako eh”
“Okay lang...”
“Bes..?? Okay ka lang? Parang wala ka ata sa mood ngayon”
“Sorry bes. May problema din kasi ako”
“Ano yun? Baka makatutulong ako”
“Huwag na. Meron ka ding iniisip eh. Baka makaistorbo pa ako sa’yo”
“Sige na. Ikuwento mo na, bes. Okay lang sa akin”
“Talaga?”
“Yup. Ano nga yun?”
“Iiiiiihh. Nakakahiya eh”
“Ang arte naman. Sabihin mo na nga”
“Basta hindi ka tatawa?”
“Sige. Susubukan ko”
“Promise?”
“Promise.”
Huminga muna ng malalim si Jacqui at pumikit ng matagal bago niya kwinento ang kanyang problema. “Bes?? Naalala mo ba si Althea? Yung Criminology student na classmate ni Alvin??”
“Ahh. Yung pinakilala sa atin ni Alvin?? Yung parang lalakeng manamit at gumalaw?”
“Oo. Yun”
“E ano naman ang pakialam niya sa problema mo?”
“Kasi nagtetext siya sa akin recently eh. Nanliligaw siya” walang imik si Jeff sa kwinento ni Jacqui sa kanya kundi ang paglaki lang ng kanyang mga mata. “Uy bes. Ano na? Okay lang ba?”
“Hmmmm. Okay lang naman sa akin pero kasi… parang nagulat lang ako eh”
“Bakit ka naman nagulat?”
“Kasi sa kinarami-rami ng mga babaeng liligawan niya, ikaw pa. Alam mo naman na hindi ko gusto yun. Sobrang angas kasi eh”
“Intindihin mo na lang siya, bes. Ganyan lang talaga siya”
“Kinakampihan?”
“Hindi naman sa ganon. Ang bait niya kaya. Bigyan mo lang siya ng chance” napahinto muli si Jeff at tinignan ang kaibigan ng matagal “Ano? May problema ba sa mukha ko?”
“Magsabi ka nga ng totoo babae ka” sambit ni Jeff na tila alam na ang tinutukoy ng kaibigan.
“Ano yun, bes?”
“Sinagot mo na ba siya?” walang pagdadalawang-isip ay tumango agad si Jacqui “Kita mo na…”
“Pero okay lang sa’yo diba? Bigyan mo lang siya ng chance, bes. Please?”
“Haay naku. Oo na. wala naman ako magagawa. Basta happy ako para sa’yo dahil natagpuan mo na ang taong para sa’yo na magmamahal at mamahalin mo”
“Salamat bes. Pero wala naman pala pagkakaiba ang pagmamahal ng straight na lalake at tomboy” dugtong naman ni Jacqui kay Jeff “Siya ang una kong karelasyon na babae eh”
“Naku. Wala talaga noh. Love is equal”
“Kung sa bagay. Tama ka”
***
Dakong alas-diyes na ng umaga na naka-uwi si Riley mula sa kanyang trabaho bilang call-center agent. Nadatnan niya ang kanyang ina na naka-upo sa sofa na kawayan at parang hinihintay siya sa kanyang pagdating, pero hindi niya ito pinansin at dumerecho sa kanyang silid.
“Riley…kailangan nating mag-usap” utos ng kanyang ina
“Wala na tayong dapat pag-usapan, Ma” sambit ni Riley habang lumalakad patungo sa kanyang silid “Nakapag-desisyon na ako”
“Ano ang desisyon mo?...na ituloy mo pa rin ang pakipagrelasyon mo sa kanya? Katangahan lang yan, Riley”
“Oo. Tama ka, dahil mahal ko siya…Tanga na kung tanga” at pumasok siya sa kanyang silid at isinara ng malakas ang pinto.
“Riley! Bumalik ka dito!” sigaw ng ina “Kinakausap pa kita at huwag mo akong talikuran at pagsarhan ng pinto. Ito ba ang tinuturo sa iyo ni Jeff? Na bastosin mo ang Mama mo?! Lumabas ka diyan!”
Walang nagawa si Lorena sa kanyang anak at naghintay na lang na bumukas ang pintuan ng silid ni Riley. Pagkalipas ng anim na oras ay lumabas na din ito pero nakabihis at parang may pupuntahan na naman.
“Saan ka pupunta?” tanong sa kanyang anak
“Saan pa nga ba? e di kay Jeff…”
“Wag mo itong gawin sa akin, anak. Hindi mo na ba ako mahal? Mas pipiliin mo pa ang TAONG iyon kesa sa Mama mo?” iyak ni Lorena
“Ang TAO na sinasabi mo ay ang Tao din na tumanggap at nagmahal sa akin ng buong-buo at walang pagdududa… kung pipigilan mo lang ako na mahalin siya, mas mabuti pa na patayin mo na lang ako” tumalikod si Riley sa kanyang kinakausap at nagtangkang lumakad pero pinipigilan siya ng yakap ng nanay sa kanyang likuran.
“Parang awa mo na Rai-Rai…huwag mo akong iwan. Huwag ka namang maging katulad sa mga lalake na nang-iwan sa akin noon. Ikaw na lang ang natira sa akin…” patuloy ang kanyang pag-iyak
“Ma…” sambit ni Riley at humarap uli sa kanyang ina “alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? pero…mahal ko din si Jeff, dahil siya lang ang tao na tumanggap sa akin na kung ano pa ang nagawa ko noon” pinunasan ni Riley ang kanyang mga luha sa pisngi “Minahal niya ako, Ma!!...yon-yon eh…pero gusto mo na iwan ko siya nang dahil sa maliit lang na dahilan…hindi talaga pwede, Ma…patawad pero hindi pwede…”
Hindi nakapagsalita si Lorena sa mga sinabi ng anak at tila tumagos ito sa puso niya. Tama naman si Riley. Si Jeff lang ang tumanggap at nagmahal sa kanya ng ganon kalalim na kahit ano pa ang nakaraan sa buhay niya. Isang napaka-pangit na nakaraan na kahit siya mismo ay hindi niya mapapatawad ang kanyang nagawa sa sarili.
Nagsimula noon sa girlfriend niya, na kanyang sineryoso, minahal at pangarap na papakasalan subalit umalis ang babae papuntang Dubai upang doon maghanap ng trabaho. Naghintay si Riley ng ilang taon sa kanyang mahal, umasa na bumalik at umuwi sa kanyang piling. Pero isang araw, nabalitaan niya na lamang na nagpakasal na pala ang babae sa isang pinoy na naka-destino din sa Dubai.
Hindi niya ito natanggap at nakaya. Nagpakalasing siya gabi-gabi at tuluyan nang nasira ang kanyang buhay.
Naging mas madilim ang naging buhay ni Riley noong 23 ang kanyang edad dahil doon na nagsimula ang pagtikim niya ng pinagbabawal na gamot at tuluyan ding na-adik dito sa bago niyang bisyo. Naging adik din siya sa s*x at kahit sino na lang ang kanyang kinakama, mapa-lalake o mapa-babae at kahit ang karelasyon ng kanyang ina, hindi niya inaatrasan.
“At kung wala ka nang masabi, alis na ako” umalis na siya kaagad at pinuntahan niya si Jeff sa paaralan.
‘Kung alam mo lang, Riley. Kung alam mo lang ang totoo kong dahilan. Maiintidihan mo ako’ sabi ni Lorena sa sarili.
***
Umupo agad sa bench nang pagkadating niya sa paaralan na kung saan nag-aaral si Jeff. Tsi-nek niya ang oras sa kanyang cellphone. Mga 4:45 na nang hapon, bente minutos pa ang kanyang hihintayin sa huling klase ni Jeff.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tila hindi na siya makapag-hintay at tinext niya na lang ito.
‘Babe…matagal kpa ba? andi2 na aq xa bench’
‘Malapit na babe, w8 lang’ reply ni Jeff sa kanyang text
‘Ang tgal mo ksi eh. Puntahan n lng kta jan. Ano ba rum mo?’
‘d2 xa NV210 babe”
‘ok.coming’
Pinuntahan nga ni Riley si Jeff sa silid-aralan na kung saan nandoon ang huling klase niya. Sakto din na kakatapos lang ng kanilang klase ni Jeff at nakita niya si Riley na kakarating lang at parang haggard ang itsura.
“Hello babe” bati ni Jeff kay Riley habang nakasunod sina Jacqui at Alvin sa kanyang likuran. Natigilan si Riley ng makita niya si Alvin at nahantong ito sa matagal na titigan sa isa’t-isa. Nahinto lang ito nang kinibo siya ulit ni Jeff “Uyy babe…okay ka lang ba?”
“Oo babe…I’m fine”
“Sure ka ha? Parang nanlilisik ang tingin mo eh”
“I said… I am fine…OKAY?” naiiritang sagot niya
“OKAY…ang soplado mo naman…”
“Ang kulet mo kasi eh…haaisst”
“Okay…” tanging sagot ni Jeff sa kanya at bigla itong lumabas ng silid kasama ang kanyang mga kaibigan.
“Babe!!” tawag ni Riley at hinabol niya sina Jeff
“Oh bakit?”
“Saan ka pupunta?”
“Uuwi na siguro. Bakit?”
“Akala ko lalabas tayo. Ayaw mo ba?”
“Gusto. Pero kasi…”
“E tayo na…” paanyaya ni Riley sa kanya. “Namiss kita eh”
Nagpaalam na lamang si Jeff sa kanyang mga kaibigan na lalabas muna silang dalawa ni Riley. Pumayag naman silang dalawa at kaagad nang umalis patungong mall upang manood ng pelikula.
Magkatabing nanonood ng pelikula sina Jeff at Riley, naka-akbay ang kaliwang braso ni Riley sa balikat ni Jeff na parang niyayakap niya ito ng mahigpit.
“Babe?” tawag ni Jeff kay Riley na may kahinaan ang boses.
“Op..Bakit babe?”
“What’s wrong?” tanong niya na parang nag-aalala kay Riley “kanina pa kasi mainit ang ulo mo. Si Alvin naman ba?”
“No…it’s not Alvin”
“Eh sino? Ang Mama mo naman ba at ang nangyari kagabi?”
“Oo”
“Ano nga ba talaga ang problema ng Mama mo at kung bakit nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa akin, babe?” hindi niya muna sinagot ang tanong ni Jeff at tinignan niya lang ito sa mata at hinawakan ang kamay ng mahal.
“Gusto kong maging honest sa’yo. Babe, kahit anong mangyari, mahal na mahal pa din kita at kahit ayaw ni Mama sa’yo, ipaglalaban kita hanggang sa kamatayan”
Natahimik si Jeff na tila hindi niya magalaw ang kanyang bibig. Huminga lang siya ng malalim at binasa niya ng laway ang mga nanunuyong labi. “So, hindi ako tanggap ng Mama mo?” tanong ni Jeff sa kanya at tumango ang kanyang ulo bilang sagot. “Bakit? E ang lalim na ng pinag-uusapan namin kagabi ah. At sinabi niya sa akin na boto siya sa akin na bilang partner mo tapos, bigla na lang nag-iba?. Hindi ko talaga ma-gets ang Mama mo”
“Sabi niya daw. Binastos mo daw siya. Totoo ba yun babe?”
“Binastos?? Hindi kaya. Maganda nga ang kuwentuhan namin kagabi eh” sagot ni Jeff at parang naguguluhan sa ina ni Riley “Teka, nag-usap ba kayo?”
“Oo babe, nag-usap kami… pero don’t worry babe. Kakausapin ko ulit si Mama mamaya. Malay mo. Baka mabago ko pa ang kanyang isip mamaya”
“Salamat babe. Salamat talaga” at hinalikan ni Jeff sa labi ni Riley.
“Anything for you, babe. Mahal na mahal kita”
“I love you too”
Pagkatapos ng pinanood nilang pelikula ay agad silang umuw. Inihatid niya na din si Jeff sa bahay ng tatay niya at tumungo agad sa trabaho.
Kinabukasan
Maagang umuwi si Riley sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang nanay na nagluluto ng kanilang pananghalian at kaagad siya pumunta sa kanyang ina.
“Ma…ano ba talaga ang problema mo kay Jeff?”
“Ganon mo lang ba batiin ang Mama mo na maghapon na nag-alala sa’yo dahil iniwanan mo at ngayon ka lang bumalik?”
“Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Ma. Sagutin mo na ang tanong ko” utos ni Riley
Itinapon ni Lorena ang sandok na ginagamit sa kanyang pagluluto, nahulog at nabagsak sa sahig. Tumingin siya sa kanyang anak. “Gusto mo ba talagang malaman ang katotohanan, Riley?”
“OO..!!” subalit natigilan si Lorena at pinulot ulit ang sandok, hinugasan at bumalik sa pagluluto “Ano na? Kanina pa ako naghihintay…”
“Basta…hindi pwede… ayaw kong masaktan ka”
“Ano nga yon, Ma? Pakiusap naman oh”
“Hindi nga pwede. Magbihis ka na doon at matulog na…” utos ng ina sa anak “gigisingin lang kita mamaya kapag luto na ito”
“PUCHA NAMAN OH!!”
“Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!...nanay mo ako!”
“Hindi mo kasi sinasabi ang totoo eh. Parang binibitin mo ako. Sabihin mo na para hindi tayo magkagulo!”
“Hindi pwede dahil KAPATID mo siya!!” sabay pagbagsak ng luha ni Riley.
Itutuloy…