I was so relieved when Rori woke up after a few seconds na mahimatay siya habang nakatayo on top of the bed. Mabuti na lang at nasalo ko siya dahil sa sahig ang bagsak niya. Napaungol siya nang magkamalay na siya. "Baby..." nasambit niya. "Don't panic..." "How can I do that when you almost fell off the bed? Ano bang nangyayari sa'yo?" Alala kong tanong at hinila ko ang kumot sa kama. Ibinalot ko sa kanya ang kumot, bago ako tumayo t karga siya pupunta sa kama. "I'll cancel our flight. You rest first." Sabi ko at akmang lalakad na pupunta sa telephone pero pinigilan niya ako. "No, I'll be fine, baby..." sabi niya na hinihilot ang kanyang sintido. Maya maya ay napasandal ang ulo niya sa headboard ng kama at napatakip ng bibig. "Ugh... here... I go... again..." stressed na sabi niya at p

