Puerto Princesa, Palawan
Out of all things that could happen, this is the worst possible thing! I lost my Chopard's Sunglasses! Uggh! And, what's worst, isang oras na akong nandito sa airport.
Huhu! I'm famished! Bloody hell!
Ay, oo nga pala! Pinapraktis ko palang hindi mag-english with British accent. Iyon ang bilin sa'ken ng mga kaibigan ko. Kung yun' pagsasalita ko daw ng British accent ang kinaiinisan ni Percival sa'ken, I might as well refrain from talking that way. Mabuti pa ang mga kaibigan ko, tanggap ako for who I am. Kahit sabihin nila ako ng maarte ako, they tell me naman my good points. Hindi yun' 'maarte lang ako'. Yun lang. Wala ng ibang nakita sa'ken na magandang qualities si Percival.
Hmp! Hay! Bakit ko nga ba siya iniisip? He's not even thinking of me. Granny told me she told Percival that I would arrive today para may mag-sundo sa'ken. Pero hanggan ngayon, wala pang sumusundo sa'ken. Huhuhu! Naiinip na ako kaya umupo na ako sa isa sa mga maleta ko. Ngawit na ngawit na kaya ang paa ko while I'm wearing stiletto. So, while waiting, I checked myself first.
Hair lovely. Check! Clothes stylish. Check! Skin, beautifully clean and made up. Check! Finally, to always smell nice, a touch of perfume. Check!
Kung maluluka rin naman ako dito sa kakahintay, gusto ko pa rin naman na maluka na maganda ako, diba?
Napatingin ako duon sa Hummer na sasakyan sa harap ko. Mabuti pa yun' nasa loob nung sasakyan, kanina pa naka-air con habang naghihintay. Samantalang ako naman dito sa labas naiinitan. Nalulusaw na ang make- up ko. Next time, ang gagamitin ko ng make up yun' waterproof! Buti na lang nadala ko yung make up kit ko.
Speaking of my make up kit, alam kong OA magdala ng isang small size na maleta for that, pero mabuti na rin ang ready diba kesa hindi? Paano kung merun palang kailangan magpa-make up sa'ken at ang skin tone niya ay hindi katulad ng skin tone ko? Diba ang pangit lang nun? Maputi ang face niya pero kayumangi ang leeg? Syempre ayoko ng basta basta when I do something. I'd like to make sure beautiful ang mga ginagawa ko, hindi hideous.
Habang naghihintay pa rin ako sa sundo ko (kung sino man ang magsusundo sa'ken), nagpaypay muna ako gamit ang super laki kong pamaypay. I got this fuchsia pink huge fan from Beabi. Suddenly,my Iphone rang. It was my Granny. She told me that Percival called, and he could not personally pick me up from the airport.
Really? Balak pala niya akong sunduin? Hihihi! Kinilig naman ako!
But he told Granny daw that he suddenly had a meeting, so he was supposed to send one of his staff to the airport to pick me up. Kaya lang lahat daw ay naka-enggage ngayon sa mga trabaho. In other words, mag-taxi na lang daw ako.
Uggh! Ano pa ba ang maeexpect ko dun kay Percival? How ungentlemanlike, diba?! Hmp!
Tumayo na'ko sa maleta at pumara ng taxi. Sinabi ko sa driver na ang punta namin ay sa Hotel Centro. Pumayag naman ito. Nagpatulong ako sa taxi driver na buhatin ang mga maleta ko. Pero pagkakita niya sa maleta ko ay napakamot siya sa ulo.
"Why manong? May problema ba?" tanong ko sa kanya habang nakaupo na ako sa backseat.
Tinuro niya ang anim kong malalaking maleta at isang maliit na maleta. "Ma'am, marami po kasi. Ang kasya lang po sa likod ay dalawang maleta. Yung apat po, diyan ko sana ilalagay sa backseat. Puwede po ba kayo sa harapan maupo?"
Lumabas ako ng backseat. Kahit naman maarte ako magsalita, koboy din naman apo. Walang problema sa'ken kung sa harap ako umupo. Pero inurong kasi ng taxi driver yung upuan ko para magkasya ang mga maleta ko. I tried na maupo sa passenger's seat. Malapit na ako sa dashboard. As in! Tapos, si manong ibinigay pa sa'ken ang small kong maleta. Hindi na daw kasya.
I decided to hire two taxi cabs. Sumakay ako sa sasakyan nung unang manong. Sa isang taxi naman nakalagay lahat ng maleta ko, except for my make up kit. As we were on our way to Hotel Centro, I noticed that the other taxi loaded with all my bags suddenly took a left turn.
"Ay, manong, hindi yata nakita nung taxi na dito ang way natin. Nag-left turn siya..." sabi ko.
"Ha? Naku!" gulat na sabi ng taxi driver at napa-break. Napasubsob naman ako sa upuan.
"B-baket manong? Is there a problem?" nagtataka kong tanong habang hawak ang noo ko.
"Ninakaw po nung taxi driver ang mga gamit niyo!" sabi ni manong driver at nagmadali rin nag-left turn para habulin yun' isang taxi na may plate number na LOT 481, pero hindi na namin iyon naabutan.
I could not talk or think. I was just staring in blank space as I was in shock. All my stuff were gone. It's not really my signature clothes, shoes, perfumes or even my brassieres and underwear that I was feeling bad about... It was the jewelries that my parents gave me that matter to me the most. Nandun yung mga jewelries na yun sa isa sa mga bagahe ko. Those were important to me. It was my memory of my parents to me. It hurt so much because I felt I missed them so much more. When I have those jewelries that my parents gave me, I feel like my parents are just with me. Now, those jewelries are gone.
Nakatulala pa rin ako nang kinausap ako ng driver.
"Ma'am, andito na po tayo sa Hotel Centro." Sabi nito na malungkot para sa akin.
May nagbukas ng pintuan ko. Sa kawalan pa rin ako nakatingin pero naramdaman ko na may humihila ng kamay ko at nagbigay ng bayad sa driver.
"Sir, wala po akong panukli sa isang libo." Sabi ng driver.
"Sa inyo na po lahat yan, boss. Salamat po sa paghatid sa kanya." Sabi ng pamilyar na boses. He held my hand and back, and gently pulled me out of the taxi. Another man took my small bag.
Nang makatayo na ako ay saka ako napalingon sa umalalay sa'ken.
Si Percival.
My heart naturally skipped a beat. But, when I saw him, I could not stop but break down. Yumakap ako sa kanya at umiyak na parang bata.
"Daddy... Mommy..." hagulgol ko habang mahigpit na nakahawak sa kanya. Kahit medyo hindi ako komportable dahil may pagka batu-bato ang balikat niya, I still found a little comfort in knowing a familiar face lalo na ngayon.
Parang bumalik yun' araw na nalaman ko na patay na ang magulang ko. Hindi ako makaiyak noon. Pakiramdam ko, nanigas ako at nag-shut down ang utak ko. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang fact that my parents were gone. After two years, ngayon lang ako napaiyak at hindi ito dahil sa mga gamit na nawala sa'ken. Umiiyak ako kasi ang sakit sakit ng pagkawala ng magulang ko. Miss na miss ko na sila. Pero hindi ako makaiyak noon dahil pakiramdam ko kailangan ko mag-isip ng way para maging matatag dahil mahina na ang Granny ko, at bata pa ang kapatid ko. Naghalo halo na ang emosyon ko, at alam kong yun mismong ulirat ko, parang nag-stiffen. Naging catatonic.
Naramdaman ko na lang na parang kinarga ako ni Percival. Hindi ko na masyadong naiintindihan yung nangyayari kasi hagulgol lang ako ng hagulgol, habang nagbibigay ng instruction si Percival.
"Sabihin mo na ang plate number nung taxi ay LOT 481. I expect an update immediately." Sabi ni Percival.
Kahit nagtataka ang isip ko kung bakit alam niya ang plate number nung taxi, hindi na rin ako makapag-reak dahil iyak ako ng iyak na parang ngayon namatay ang magulang ko.
Maaga akong pumunta sa airport. Naknamposa talaga! Excited ako makita si Rori! At naiinis ako sa sarili ko dahil dun! Kasi naman itong babaeng 'to sumunod pa dito sa Palawan.
May immersion lang ako dito sa Palawan para sa isang liblib na baryo na iisponsoran ko sa World Vision kaya narito ako ngayon, pero dapat ay pupunta ako sa US para tapusin ko na ang management course ko na hindi ko natapos kaagad dahil rin kay Rori.
Paalis na nga ako mamayang hapon papunta duon sa baryo, kungdi nga lang ako tinawagan ni Granny para ipaalam sa akin na pupunta nga siya dito ngayon. Tatakasan ko nga sana itong si Rori, pero ewan ko ba. Gusto ko siyang puntahan sa airport. Isang oras din akong naka-park sa tapat ng airport. Nakita ko kaagad si Rori at hila hila ang mga maleta niya. Napatawa ako. Ang dami kasi niyang dala at hirap na hirap siyang hilahin ang mga iyon. Parang dala na ni Rori ang buong cabinet niya.
Hindi pa rin ako bumababa sa Hummer ko kahit na nasa tapat ko na si fairy princess. Kahit naaawa na nga ako sa kanya, dahil naiinitan na siya, hindi ako makababa. Umiral na naman ang pagka-torpe ko. Ayokong magkpakita sa kanya, kaya nagbago ang isip ko. Tinawagan ko si Granny at sinabing hindi ko masusundo si Rori, at wala rin ibang susundo kay Rori dahil busy ang mga staff ko.
Alam kong agad siyang tinawagan ni Granny. Pinanood ko ang gagawin niya. Hindi naman siya nagmaktol. Tumaas lang ang kilay niya sa nalaman at bumuntong hininga. Tapos tumayo siya at tumawag ng taxi. Dahil hindi kasya ang mga gamit niya sa isang taxi, tumawag pa siya ng isa. Nang makaalis na sila ay sinundan ko ang dalawang taxi. Napansin ko na biglang nag-left turn ang taxi pangalawang taxi na may plate number na LOT 481. Sinundan iyon ng taxi ni Rori pero hindi nila naabutan kaya tumawag ako sa katropa kong pulis dito sa Puerto Princesa para ipaalam yung pagnanakaw ng taxi. Sinundan ko ulit ang taxi at hinatid si fairy princess sa hotel namin. Kinakausap siya ng driver pero parang hindi siya sumasagot. Nag-alala na ako. Baka na-shock na naman ito katulad noong namatay ang parents niya. Bumaba na ako sa sasakyan ko at binuksan ang pintuan niya. True enough, nakatulala siya kaya binayaran ko na ang taxi driver at marahan siyang nilabas sa taxi. Hindi niya ako tinitingnan nuong una pero nung makalabas at makatayo na siya sa taxi ay lumingon siya sa akin at biglang umakap.
Nasambit niya ang 'daddy at mommy'. Iyak siya ng iyak na parang namatayan. Na-trigger siguro ang long time overdue niyang pag-iyak para sa magulang. Nagulat naman ang mga tao sa paligid at nagtatanungan kung merun bang namatay dahil kung umiyak nga si Rori ay parang namatayan. Kinarga ko na si Rori at pumasok sa loob ng hotel.
Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit duon sa taxi driver. Inulit ko sa assistant ko na siguraduhing mahanap ang taxi at mabawi ang mga gamit ni Rori, kahit pa magbayad ako ng malaking halaga, para mahanap lang ang taxi na 'yon.
Dinala ko siya sa kuwarto ko at papaupuin sana sa sofa pero parang naninigas ang katawan niya at nakaakap lang sa'ken ng mahigpit habang umiiyak. Ako na ang naupo sa sofa habang nakakandong siya sa'ken at umiiyak pa rin. Basang basa na nga ang gilid ng kuwelyo ko sa pag-iyak niya pero di ko inalintana yun. At mas lalong di ko inalintana yung nararamdaman ko sa puso at puson.
Gusto ko ngang murahin ang sarili ko sa magkahalong nararamdaman ko. Kinikilig ako na kaakap ko ngayon ang babaeng minimithi ko simula pagkabata. Kaakap ko ngayon ang fairy princess ko.
Heaven lang sa pakiramdam Pero di ko pa din maalis na isang parte ng puso ko ay nalulungkot din dahil umiiyak ang prinsesa ko.
Sa tagal niyang umiyak at naakap sa'ken, parang pareho na kaming nakatulog. Ako yung unang nagising dahil kikislot sana ako pero naramdaman ko na nakahilig pa din siya sa akin at tulog kaya kinarga ko na siya at dinala sa kama.
Nag-smudge na ang mascara niya sa kakaiyak at halatang namamaga ang mga mata niya. Kung alam lang siguro ni Rori na nag-smudge ang mascara niya ay hindi siya makakatagal na ganuon ang ayos niya. Pero para sa akin, kahit ano pa ang hitsura ng prinsesa ko, maganda pa rin siya para sa akin.
Kumuha ako ng tissue sa bathroom at bahagya itong binasa saka umupo sa tabi niya sa kama. Pinunasan ko ang smudge ng mascara sa mukha niya ng marahan na marahan para hindi siya magising. Tinanggal ko na din ang stiletto niyang pagkatulis tulis ng takong at dahan dahan inilapag sa sahig. Kinumutan ko siya at pinagmasdan.
Ang ganda ganda talaga ng prinsesa ko. Kung puwede nga lang pikutin ko na'to para hindi na makawala sa akin e. Pero hindi ko gagawin kay Rori yun, kahit na masaktan pa ako.
I switched off the lights and closed the door. Pagkashower ko at pagpalit ng damit ay tumungo ako sa sofa. Duon ako sa sofa matutulog. Kahit maraming kuwarto dito sa hotel namin, pinili ko na lang matulog sa sofa para mabantayan ko si Rori. Kahit sa sofa lang ako matutulog, alam kong masarap ang tulog ko dahil nasa may di kalayuan ang fairy princess ko.
Napangiti ako bago pinikit ang mga mata ko. "See you in my dreams fairy princess."