:TORIL
Dahan-dahan akong napamulat nang mawala ang mga kakaibang naririnig ko sa kapaligiran. Sunod ko namang narinig ay mga papalapit na kabayo kaya naman napatingin ako kung saan iyon nanga-galing.
"Lawson!" dinig kong tawag ng isang babae na nakasakay sa-- dragon ba iyon? Dahil sa gulat, pag-kabigla at takot ay agad akong nag-tago sa isang puno.
"Huminto ka!" muling sambit ng babae. Hindi ko makita ang mukha nila dahil agad ding natatakpan ng mga puno ang mukha nila ayoko rin namang makita nila ako at ng kasama nilang dragon.
Ngunit nasaan ako?
Anong lugar ito?
Muli akong napahawak sa ulo ko ng maalala ang lugar na ito. I've been here before! Ibig sabigin papunta na ang babaeng si Denim dito?
At hindi nga ako nag-kamali.
"Hera Constance, ika'y narito lamang pala. Kanina ka pa namin hinahanap sa buong gubat." sambit ni Denim.
"Ganoon ba..." sambit ko at napakagat sa ibabang labi ko dahil hindi ko na maunawaan ang nagyayari sa akin.
Una yung lalaki.
Pangalawa nakarating na ako rito at alam kong pupunta kami sa prinsipe ngayon dahil nakatakda kaming ikasal, ngunit bakit?
"Tara na Mahal na Hera Constance," aniya at nag-umpisa na siyang mag-lakad at hindi pa namin nakakalahati ang nilakakad ay pinigilan ko siya.
"Hindi ako makikipag-kita sa prinsipe, Denim." mariin kong sabi sakanya at tinitigan ang mga mata niya para malaman niya kung gaano ako kaseryoso sa sinasabi ko.
"Ano ang iyong binabalak Hera?" ani ni Denim sa akin.
"I'm sorry," sambit ko at malakas siyang hinampas sa kanyang batok upang mawalan ng malay.
Tumakbo ako sa kabilang parte ng gubat. Napalingon-lingon ako sa paligid upang makahanap ng maaring pagtaguan dahil nakita na ng mga guwardya ang pag-takbo ko at hindi nila ako maaring mahuli.
"Mahal na Hera!" sigaw ng mga kawal at nag patuloy ako sa pag-takbo upang makalayo sa kanila.
Natumba ako ng sumabit ang mahaba kong damit sa isang puno, tinignan ko iyon at malakas na hinigit at muling nag patuloy sa pagtakbo.
Hawak-hawak ko ang dib-dib ko dahil hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Nagawa ko rin naman silang ilihis.
Saka ko lamang napagtanto na magtatakip-silim na kaya naman napa-upo na lamang ako sa ilalim ng puno.
Saan na ako pupunta nito ngayon?
Bakit ba kasi ako narito?
Asan na ba yung lalaking kausap ko?
Tumingin ako sa kalangitan habang pinag-mamasdan kung paano mag dilim ang kalangitan.
Kung hinaharap man ang nakita ko noon malamang ay nabago na iyon dahil sa ginawa kong pag-takbo ngayon.
Ngunit anong magagawa ko? Alam kong ikakasal ako sa taong hindi ko naman gusto o kilala kaya naman natural lamang na tumakbo ako o hindi?
Running bride.
Iyan siguro ang tawag sa akin ngayon. I laughed a bit and closed my eyes when the cold wind passed through me.
"Sino ka?" napamulat ako ng may maramdamang malamig sa aking leeg. Bumungad sa akin ang dalawang pares ng kanyang mga mata at sa pagka-kataong ito ay parang nabuhayan ako.
"I-ikaw... Ikaw yung lalaking kasama ko sa plaza diba? Hindi mo ba ako na a-alala?" tanong ko sa kanya.
Nanatili ang tingin niya sa akin. Sa bawat titig niya ramdam ko na hindi niya ako kilala o nakilala man lang. Nanatili ring nakatutok ang espada niya sa akin.
"Teka-- Wala naman akong balak na masama or anything. Wala lang akong mapuntahan kaya ako nandito. Please understand my situation," sambit ko.
Napa-angat ang leeg ko ng mas itutok niya iyon.
"Sumama ka sa'kin." sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
Hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit, sinubukan kong pumiglas ngunit mahigpit ang pag-kakahawak niya sa akin.
"Papatayin mo ba ako?" tanong ko sakanya habang hila-hila niya ako.
Humigpit pa lalo ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Naramdaman ko na ang sakit no'n kaya hindi ko naiwasang mag-reklamo.
"Pwede bang dahan-dahan? Sasama naman ako sa'yo," reklamo ko ngunit hindi niya ako pinakinggan at mas lalong hinila.
Ang lalaking 'to!
Dahil sa inis ko sa kanya ay malakas kong ipinilipit ang kamay niya at malakas na sinipa siya sa mukha.
Nabitawan niya ang aking palapulsuhan. Hinawakan ko ka-agad iyon at nakitang namumula. Leche namang lalaki 'to! Hindi marunong makinig, sinabi ko naman sakanyang sasama ako.
Napasandal ako sa may puno ng itutok niya sa aking leeg ang kanyang sandata. Nakita ko ring namumula ang kanyang pisngi dahil sa pag-sipa ko sa kanyang mukha.
Mariin siyang nakatingin sa akin. Hindi ko masyadong mabasa ang expresion niya ngunit alam kong nag a-alab siya sa galit ngayon.
Napalunok ako sa mga titig niya.
"Sumama ka sa akin, hindi kita sasaktan."
***
"Hindi mo ba talaga ako na a-alala?" muli kong tanong sa kanya habang sumusunod sa kanya sa pag-lalakad.
Hindi siya umumik pero sinagot naman niya ako gamit ang pag-iling.
Napaka-mahal siguro ng laway nito.
Tipid mag-salita e.
"Alalahanin mo na ikaw ang nag-bigay sa akin ng itim na envelope sa locker ko. Binigyan mo ako ng kape at presto sa convinient store na pinag ta-trabahuhan ko. Then, binayaran mo ang pag-kain namin ni Clyde sa stall ni Mang Kardie, at ang panghuli naman ay nag-kita tayo sa park." pag-lilinaw ko sa kanya at umaasang ma-alala niya ang mga iyon.
"Hindi kita nililigawan," sambit niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
"May sinabi ba akong nililigawan mo ako?" balik tanong ko sa kanya.
"Kakasabi mo lang kanina," sagot niya at inisip ko naman ang mga sinabi ko kanina.
Na mis-understand ba niya yung sinabi ko?
"Ang ibig ko kasing sabihin don, alalahanin mo ang mga 'yun!" sambit ko at medyo na inis pa ng hindi man lang siya umimik at parang walang pake-alam sa sinasabi ko.
Kung hindi lang siya gwapo ay muli kong sisipain ang mukha niya. Namumula pa nga mukha niya e.
Dagdagan ko kaya sa kabila? Para may instant blush on siya no?
Napahinto ako sa pag-lalakad ng huminto siya at nakita kong may nakataling kabayo sa may puno.
Lumapit siya doon at inalis ang pag ka-katali no'n sa may puno at agad sumakay at ilahad sa akin ang kanyang kamay.
"T-teka,-- What the f*****g s**t!" malakas na sigaw ko ng higitin niya ako pataas upang ma-isakay sa kabayo.
Malakas niyang pinatakbo ang kabayo kaya naman hindi ko maiwasang mapasubsob sa likuran niya. Dahil ito ang unang beses na makakasakay ako sa kabayo ay wala na rin akong nagawa kundi ang kumapit sa bewang niya upang hindi ako mahulog.
Nang sandaling makakapit ako sa bewang niya ay hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang kanyang amoy.
He smells nice.
Nakaka-addict ang amoy niya.
Y, naman ganon?
Napahigpit ang kapit ko sa kanya ng mas bumilis ang takbo ng kabayo, naramdaman ko tuloy ang tigas ng kanyang katawan.
What's happening to me?
Bakit pinagnanasaan ko ang taong 'to?
Umiling na lamang ako at tumingin sa kapaligiran at nakitang nakalabas na kami sa kagubatan. Maraming mga taong nasa daan at tumatabi sila tuwing daraan kami at mag bubulungan.
Kilala kaya nila ang kasama ko ngayon? Sikat ba siya dito?
"Kilala ka ba dito? Kaka-iba kasi tingin nila sa'kin," sambit ko at hindi naman niya ako sinagot. Napanguso ako at muling tumahimik hanggang sa makarating kami sa dapat niyang pag-dalhan sa akin kung saan man yon!
My eyes widened. My jaw dropped. Like what the hell is this?!
It's a castle! A very huge castle!
Napakataas nito to the point na hindi 'to ma re-reach katulad ng taong gusto mo. Yung tipong nakatingala ka lang at papangarapin mong makuha ang tuktok dahil may mga ginto sa taas!
Totoo kaya yon?
Huminto ang kabayo at bumaba ang lalaking kasama ko. Hinawakan niya ako sa kamay at basta na lamang hinigit pababa.
Lumapit ang mga taong naka suot ng armor at may dala silang espada. Siguro ay mga warrior sila? Ano bang klaseng lugar ito?
"Sumunod ka sa akin at huwag mo ng tangkaing tumakas dahil hindi ka na makaka-alis dito ng buhay," sambit ng lalaking kasama ko gamit ang malamig na tono. Maging ang mga mata niya ay matalim na nakatingin sa akin na para bang kayang-kaya niya akong patayin ngayon kung hindi ako susunod sa kanya.
Sumunod ako sa kanya papasok sa loob. My eyes wondered around. Parang anytime malalaglag ata ang mata ko sa ganda ng loob ng palasyong ito.
May pa red carpet pa!
Chandeliers!
Paintings!
Golds!
Yaman no? Bongga.
Pwede ba akong kumuha dito kahit maliit na gold lang at kapag nakabalik na ako sa amin malaking value na yun diba?
Sige, mamaya mag pupuslit ako.
Napangiti ako sa iniisip at napatingin sa lalaking kasama ko ng huminto ito at sinalubong siya ng babae.
"Lawson! Saan ka nanaman ba nag-punta? Nag-hihintay na si kuya sa'yo," ani ng babae.
Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya. Napakaputi niya at namumula ang labi niya. Mahaba ang kanyang pilik-mata at kahit nagagalit lamang siya kanina ay napakalambing parin ng boses niya.
"Sino ang iyong kasama kuya Lawson?" tanong muli ng babae kaya naman tinignan ako ng lalaking kasama ko na nag-ngangalang Lawson.
Napaka-batas naman ng name niya.
"Uh, Euphie. Ako si Euphie," sagot ko sa tanong ng babae at nahihiyang ngumiti sa kanya. The girl looked at me with her eyes and smiled.
"Nakita ko siya sa gubat, ipaghanda mo siya ng kwarto Selene," sambit ni Lawson na ikinaliki ng mata ko.
"Kwarto? Teka--" sambit ko at tumingin kay Lawson. "Kailangan kitang makausap, kailangan kong maka-uwi sa amin--"
"Kwarto o kulungan?" sambit niya na nagpatigil sa akin.
"Sabi ko nga, kwarto tayo." nakasimangot na sabi ko.
Nakita ko ang pag-tawa ng babaeng si Selene at lumapit siya sa akin at sumenyas na sumunod ako sa kanya. I followed her.
"Saang bayan ka ba galing? Napakaganda mo. Kita rin sa suot mong kasuotan na mula ka sa maharlikang pamilya," sambit niya using her angelic voice. Para tuloy siyang umaawit habang kinakausap ako.
Saglit akong napaisip sa tanong niya at sumagot.
"San miguel, Manila." sagot ko sa kanya at nakita ko ang pag-tataka sa kanyang mukha.
"San miguel Manila?" takang tanong niya na tila hindi alam ang lugar na iyon.
"Ngayon ko lamang narinig ang lugar na yan... Anong ginagawa mo rito? Mukhang galing ka sa malayong lugar," muling tanong niya.
"Uh, naligaw ako. Tama naligaw ako sa gubat at nakita niya ako at isinama rito," sagot ko sa kanya.
"Marahil ay ngayon ka lamang napunta dito sa aming bayan kaya naligaw ka, mag-pahinga ka muna sa silid na nakahanda para sa'yo, mag-papadala na lang ako ng makakain mo sa iyong silid."
Tumango ako sa kanya at nakita ko ang kwarto. Sa pintuan pa lamang ay kita ko ng malaki ito sa loob at nang sandaling buksan na nga ni Selene ang pintuan ng kwarto ay muli akong namangha sa nakikita.
The room has a king size bed with the black linings in the white paintings in the wall. The bed has a curtain to design the bed neatly. Meron ding malaking mat na fury ang design.
It looks elegant.
"Pag pasensyahan mo na. Ito ang lumang kwarto ko," sambit niya at nahihiyang tumingin sa akin. I smiled because she looks cute. Mas lalong lumitaw ang dimple sa pisngi niya ng ngumiti siya sa akin.
"Hindi, ayos na ayos lang ito sobra-sobra pa!" sambit ko sa kanya.
"Sige, maiwan na kita rito."
Pumasok ako sa loob ng old room niya ng maka alis na ito. Napa upo ako sa malaking higaan niya at dinama ang lambot no'n.
Grabe!
Ang lambot lambot naman nito!
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Napatingin ako sa may bintana at sikat na sikat na ang araw, mayroon ring pagkain sa side table na hindi ko nagalaw kagabi ng ibigay ito sa akin ng isang katulong.
Nag ayos ako ng aking mukha sa isang malaking salamin. I saw my reflection in the mirror.
Ang mahaba kong buhok ay inihampas ng hangin na nag mu-mula sa binta. My skin is natural white pero hindi kasing puti ni Selene. My eyelashes is long and curly. My nose is pointed and I have a small mole in my left browned eyes.
Nang matapos kong suriin ang aking sarili at nakitang handang-handa na ako sa araw na ito upang tanungin ng tanungin si Lawson. Gusto ko na rin kasing umuwi sa bahay. Nag a-alala na rin ako kay Daphne at sayang rin ang isang araw na hindi ako makakapasok sa school.
"Euphie, gising ka na. Halika at saluhan mo kami," bungad sa akin ni Selene.
Woah!
She looks more stunning today!
Napatingin ako sa mga kasama ni Selene. Lawson was sitting perfectly habang kumakain he looks handsome and manly with his suit. I gulped.
Ang gwapo niya.
Katabi niya rin ang dalawang lalaking ngayon ko lamang nakita. They are handsome too!
Ang isa ay naka-upo sa pinaka gitna. Habang tinitignan at sinusuri ko siya ay alam kong magkapatid silang lahat. May mga pagkakahawig sila.
Nahihiyang umupo ako sa tabi ni Selene. Binigyan naman ako ng katulong ng pagkain at inilagay sa plato ko.
"Kumain ka lang Euphie," nakangiting sambit ni Selene sa akin. I smiled akwardly and nodded.
Kinakabahan ako! This is the truth. Yung presensyang meron kasi sila ay kakaiba. Para bang ang taas-taas nila? Something like that, it's hard to explained but I can really feel superiority about them.
"You are Hera Constance from Osses, hmm?" tanong ng lalaking nasa gitna.
Osses?
At saan naman ang lugar na 'yon?!
"Ho?" na usal ko na lamang.
"Mali ba ako?" tanong niya sa akin at agad akong tumango. Nakita ko ang gulat sa mukha ng isa pang lalaking katabi ni Lawson maging si Selene na na sa tabi ko ay napatigil sa pag-kain.
"Galing ako sa Manila," sambit ko at nakita ko ang mariin niyang pagtitig sa akin at hindi naman ako nagpatinag.
"...At Euphrasia Constance Madrigal ang pangalan ko wala ng Hera," sagot ko sa kanya. He didn't reponse kaya naman kinabahan ako.
"Itinatama ko lang po kayo, wag niyo sanang masamin ang sinabi ko," sambit ko at narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa na nag echo sa buong palasyo nila.
What the heck is happening to him?
Baliw ba ang isang 'to?
Napatingin ako kay Selene na nasa igilid ko hindi ko tuloy maiwasang bumulong sa kanya dahil tawa parin ng tawa ang lalaki habang si Lawson at ang isa pang lalaki ay napapailing na lamang.
"Baliw ba siya?" tanong ko kay Selene at agad namang nasamid si Selene sa sinabi ko.
"Shh, ganyan lang talaga si kuya." sambit niya.
"Napakatagal na panahon rin simula ng makatawa ako ng ganito," sambit ng lalaki ng maka-recover na sa pagtawa kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko kanina.
"Kakaibang babae ka nga talaga, maaring dito ka muna tumuloy tutal ay ibinilin ka naman sa amin," aniya na ikinataas ng kilay ko.
"Hindi na rin po ako magtatagal dito, kailangan ko lang pong kausapin si Lawson dahil alam niya kung paano ako makakbalik sa amin at hindi 'yon sa Osses."
"Paano ko malalaman?" biglang singit ni Lawson.
"Sa Manila! Pupunta tayo sa manila, sigurado akong may masasakyan tayo papunta doon hindi ba?"
"Ngunit walang Manila sa Toril, Euphie." ani ni Selene.
"Toril?" takang tanong ko.
"Hindi mo alam? Iyon ang pangalan ng mundong kinatatayuan natin ngayon," sagot niya at sa pagkakataong ito napagtatanto at napagtagpi-tagpi kong wala ako sa mundong Earth ngayon.
Nasa ibang mundo ako na tinatawag nilang Toril.