Pang labing-dalawa: Anonymous Shadow

1697 Words
Anonymous Shadow Isang madilim na kapaligiran, maitim na usok ang siyang bungad. Singkapal ng ulap ang usok ng pag-ibig Namumutawi ang ngiting nilason ng pag-ibig. Ito nga ba'y katotohanan? Katotohanang hindi malaman. Hanggang kailan ikukubli ang sandata Nang puso at isip ng kapalarang hindi mahasa. Hanggang kailan nga ba ibabaon sa limot ang lahat? Ito nga ba'y dapat pang buksan? Paano kung hatid nito'y pait ng kinabukasan? Handa ka bang mag sakripisyo para sa katotohanan? "Isa, dalawa, tatlo--" napahinto ako ng mapatingin kay Lawson na nag d-drawing gamit ang kahoy. Kanina pa siya ganyan. Hindi umiimik at nag susulat sa lupa at nag d-drawing sa kahoy at hindi ko naman maintindihan ang sinusulat at iginuguhit niya. Nakaupo lamang ako sa tapat niya. Ayoko namang maiwan mag-isa sa loob at mag stay sa underground, kaya kahit nakakasawa mukha niya dito nalang ako. Nakakasawa nga ba? Hay nako. Minsan talaga yung kabilang utak ko epal. Hindi niya ako kinakausap kaya hindi rin ako mag sasalita. Hindi kasi ako yung taong madaldal. If hindi ako kakausapin hindi ko rin kakausapin. Hindi ko alam kung anong plano niya o kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Alam ko na anytime darating dito si Selene dahil sa kwintas na nakasuot sa akin. Sana lamang ay bilisan niya dahil ang hirap pakisamahan ng kasama ko ngayon. We stayed longer. Pati ako ay nahawa narin sa pag d-drawing niya kaya nag drawing at nag sulat na lang din ako ng kung anu-ano sa lupa. "Ano 'yang sinusulat mo?" tanong niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Wow! Inabot kami ng gabi dito at ngayon lang siya nag salita. "Letra, ano pa ba?" sagot ko sa kanya. "Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at naging ma-amo ang itsura niya ngayon kaysa kahapon at kaninang umaga. "Hindi ko alam..." sagot niya at ngayon ko lamang narinig ang boses niya na ganito kalungkot. "Sabi mo ay ako ang dahilan kung bakit ka narito hindi ba?" tanong niya at napa awang ang labi ko. Why is he asking this? Naalala na ba niya?! "Naalala mo na?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Nag karoon ako ng panaginip kagabi tungkol sa'yo, nasa isa akong kakaibang lugar kasama ka," aniya na nag pa-laki sa mga mata ko. Agad akong lumapit sa kanya. "Lawson! Totoong nangyari 'yan! Mag kasama nga tayo at dinala mo ako dito sa mundo niyo!" sambit ko. "Kung gano'n, sino ka?" aniya at tumitig sa akin. Sa titig niya ay napansin kong kakaiba at may pagdududa sa tingin niya. "Euphrasia Constance ang pangalan ko, ganoon pa rin sa kung anong tawag niyo sa akin ngayon. Naguguluhan din ako katulad mo Lawson, kaya kailangan ko ang tulong mo. Tulungan mo akong alamin ang lahat. Pwede ba?" tanong ko sa kanya. He looked at me. I placed my hand in my dress while waiting for his answer. "Bigyan mo ako ng rason kung bakit kailangan kitang tulungan at pag katiwalaan," tanong niya. "Pinagkakatiwalaan mo na ako, dahil kung hindi pinatay mo na ako, ganoong klaseng tao ka. Ang rason kung bakit kailangan mo akong tulungan dahil may kinalaman ang buhay ko at ang buhay natin sa isa't isa," His adams apple moved and he move slowly too, looking at the sky. "Hmm, ang hirap mong titigan." dinig kong bulong niya napakunot ang noo ko. "Huh?" tanong ko sa kanya. "Tara na sa loob pumasok na tayo," aniya at tumango ako sa kanya. Sumunod ako sa kanya sa loob, hindi pa pala kami nakain kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom. May pag kain na rin sa side table ng kama pag kapunta namin sa ground floor. "Saan ka kumuha ng mga karne at manok?" tanong ko sa kanya ng makita ang pag kain sa side table. Naamoy ko ang bango ng ulam na naroon kaya naman mas lalo akong natakam. Jusme! Food is life talaga ako mga sizmars. "Kain na," alok niya at masayang kumuha ng extrang paglalagyan ng ulam at ng prutas upang makakain na. Mabilis akong natapos sa pag-kain. Natapos rin ka agad si Lawson dahil kaunti lamang ang kinain niya. Parang baligtad no? Dapat mas marami siyang kumain kasi lalaki? -- The night passed and now I'm with Lawson. Balot na balot kami ngayong dalawa upang makapunta sa isang bayan na malapit sa Alaghon. Kailangan naming bumili ng mga gamit at ng makakain dahil hindi namin alam kung hanggang kailan kami mag s-stay sa Alaghon. Hindi pa rin kami nakakapag usap ni Lawson sa kung ano ang dapat naming gawin sa mga salitang iniwan ni Affianna. Bukas na ang paghahatol kay Affianna. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ni Lawson ngunit sa naman mamaya ay kausapin niya ako at may mabuo nang plano. We can't let Affianna die like that. Hindi makatarungan. Siguro ay may dahilan kung bakit niya pinagtangkahan patayin si Cliffton and we need to know that. Nagulat ako ng biglang hapitin ni Lawson ang bewang ko at ilapit sa kanya. I was shocked by that moment but sudenly I felt like the time stopped and all I can see was his face looking around. Natauhan lang ako ng bitawan niya ako. "Tumingin ka nga sa dinadananan mo lampa, " aniya. I smirked and laughed a bit. "Thank you ha," inis kong sambit at hindi naman siya sumagot kaya naman sinundan ko na lamang siya kung anu-anong bibilhin niya. Wala naman akong pera e! Hindi rin ako makakasakay ng kalesa kapag di siya kasama. Hindi naman dinala yung kabayong ginamit namin papunta dito aa Alaghon. Ewan ko ba sa kanya sabi niya mag ka-kalesa na lang na daw amp. I was boredly looked at him na namimili ng gulay, prutas at karne. Galing naman niya mamili talaga chine-check niynag mabuti ang mga gulay dinaig pa niya ako mamalengke ha! Nabitawan ko ang bitbit na basket nang mabunggo ako ng isang lalaki. Tumingin ako sa lalaki at sisigawan ko na sana ng makita ang itsura nito. "C-clyde?" "Pasensya na," ani ni Clyde at muling tumakbo. Si Clyde iyon! Hindi ako pwedeng mag kamali! Hindi ako nag aksaya ng oras at tumakbo rin ako habang tinatawag ang pangalan niya. "Clyde! Clyde!" sigaw ko ng paulit-ulit ngunit hindi siya lumilingon sa akin. Alam kong siya iyon! Iba ang pananamit niya! Hindi ako pwede magkamali narito si Clyde! He is f*****g here! Napatigil ako sa pag takbo dahil sa pagod, nakasunod pala sa akin si Lawson at hinawakan ako nito sa braso at ipinaharap sa kanya. "Nababaliw ka na ba? Diba sinabi ko sayo na huwag kang a-alis sa tabi ko?" aniya at hindi ako umimik. Inalis ako ang pag kakahawak niya sa akin at muling tumakbo at hinanap si Clyde ngunit hindi ko na alam kung saan siya ang punta. Nakatakas siya sa paningin ko! "Clyde!" muling sigaw ko habang habol-habol ang aking pag hinga. Napasapo ako sa aking noo at napahawak sa tuhod ko. Anong ginagawa ni Clyde dito? Bakit nandito siya? Bakit hindi siya tumigil noong tinatawag ko siya? Bakit?! Hindi kaya si Erin nga talaga si Gresya? At katulad ni Lawson ay hindi niya lamang maalala? Ngunit matagal na raw na mananahi ng prinsipe si Gresya diba? Kung ganoon ay, papano nakarating si Clyde dito? Sino ang sumundo sa kanya? Fvck this. Ang dami kong tanong! Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko. "Euphrasia!" ani ni Lawson. "Ano ba ang ginagawa mo, baka may makakilala sa'yo, halika na kailangan na nating umalis, hindi na ligtas kung mag tatagal pa tayo dito lalo at nakuha mo na ang atensyon ng mga tao dito," ani ni Lawson at wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya. I was tired to think and argue with Lawson ayoko na rin mag explain pa ngunit iyon ata ang mangyayari sa pag sakay namin sa kalesa. "Bakit ka tumakbo? Alam mo na pinag hahanap tayo," aniya and I refuses to talk. "Nakita kong hinabol mo ang lalaking nakabunggo sa'yo. Kilala mo ngunit hindi ka kilala?" tanong niya. I sighed. I heard his 'tsk' and he breath out heavily. "Bakit hindi ka nag sasalita? Kausapin mo ako," aniya and still I refuses to talk to him. Masyadong maramung bumabagabag sa isip ko, at iniisip ko na madadagdagan 'yon kapag nag paliwanag pa ako sa kanya. Hindi na rin siya nag salita after ko siyang hindi kausapin. Nakarating kami sa Alaghon at nanlaki ang mga mata ko ng patayin niya ang lalaking nag patakbo ng kalesa. "Wtf?! Lawson! Bakit mo pinatay?" tanong ko sa kanya. "Hindi siya dapat pagkatiwalaan. Wala dapat maka alam na may naninirahan dito," sagot niya. He's really something! Normal ba talaga ang pag patay sa mundong ito? Hindi ako sanay! My body still shivered with fear. "Isa ka ring halimaw," wala sa sariling sambit ko at nauna na sa pag pasok sa loob ngunit bago pa ako makapasok sa loob ay naramdaman ko ang paparating na dagger sa pwesto ko kaya naman agad akong umiwas. "Malakas ang pandama mo," aniya. Masama ko siyang tinitigan. "Ano bang ginagawa mo Lawson?! Nababaliw ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Ginagawa ko 'to para sa safety mo," sagot niya sa akin at inunahan na akong makapasok sa underground. Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko. Nag tatapang tapangan lang ako pero takot na takot na ako. Mula umpisa ay puro karahasan na ang naranasan ko sa lugar na ito. Natatakot na ako. Takot na takot na ako. "Kailangan namin ng tulong mo..." Napalingon ako sa paligid ng may narinig na kakaibang boses. Saan nangaling 'yon? "May tao bang nandito?" tanong ko ngunit walang sumagot sa akin. Dahan-dahan akong tumayo at pinakiramdaman ang paligid. Wala naman akong nararamdang tao sa paligid ngunit sino ang nag salita? Sino kaya iyon? "Ikaw lang at ang iyong tanyag ang siyang bunga ng pag asa, pag salamin sa katotohanan at ang ilaw ng pag ibig ang siyang bunga. Kilalanin ang taong siyang karapat-dopat na sa iyong supling ay aming makapiling sa lupa. Ikaw ang instrumento ng tagumpay at ang kalayaan, ang supling ang siyang pag asang aming kakapitan. Kaya't muling ibukas ang diwang nakakubli, iyong ala-ala't pag kalimot ay siyang manumbalik na sa katotohanang di mapapawi,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD