Ilang oras ang lumipas at nahatid din ako ni Ate Jennifer sa bahay kaya kaagad na'kong bumaba ng sasakyan niya at nagpaalam na kaagad sa kaniya. Habang paalis siya ay pinangako ko talaga sa sarili ko na sa unang sahod ko ay bibili na'ko ng kotse para hindi siya naha-hassle sa paghahatid sundo sa'kin. Kahit yung mumurahin na kotse lang or yung second hand na kotse lang ang mabili ko basta magkaroon lang. Pumasok na'ko sa loob ng bahay at kaagad na umakyat sa kwarto ko para linisin ang sarili ko. After that ay binlower ko ang buhok ko para mabilis na matuyo. Nilagay ko lang dito sa table ko itong cellphone na binigay sa'kin ni Adrian dahil dito ko hihintayin ang text niya. Naghanap din ako nang susuotin ko. Napagpasyahan kong mag-pants na lang para hindi makita ni Theo ang sugat ko sa tuh

