Hinatid ako ni kuyang bodyguard hanggang sa tapat lang ng company and kaagad din kaming may nahanap na taxi nang makalabas kami ng company kaya nagpasalamat kaagad ako kay kuyang bodyguard at sumakay na nitong taxi. Nang makasakay ako ay binigay ni kuyang bodyguard sa'kin ang paper bag at nagpaalam na rin siya and then sinara niya na rin ang pintuan nitong taxi. "Saan po tayo Maam?" tanong ni kuyang taxi driver. Sinabi ko ang address ng bahay namin kaya kaagad na pinaandar ni kuyang driver itong taxi. Mabilis din naman kami kaagad na nakarating sa bahay dahil wala nang masyadong traffic since 11pm na nung bumyahe kami. Kaagad akong nagbayad at bumaba na ng taxi. Nang makaalis na ang taxi ay pumasok na'ko sa loob ng bahay at dumiretso na sa laundry area namin para labhan itong mga unifo

