Chapter 5

3106 Words
Nagising ako na nasa malaking kama na'ko. Nilingon ko ang paligid at katabi ko 'yung lalaking naka-s*x ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakakita ako ng orasan. 4:02am ang nakalagay sa orasan kaya kaagad akong napabangon at kaagad ding sumakit ang ulo ko dahil sa alak na ininom ko kagabi. Kahit na nakainom ako kagabi ay tandang tanda ko pa ang nangyari kagabi since hindi naman ako lasing na lasing. Natatandaan ko na after naming maligo kagabi ay pinatuyo namin ang buhok namin at kaagad na nakatulog. Hindi na kami kumain dahil busog na kami sa nangyari sa'min at isa pa ay pagod kami kaya nang matuyo ang buhok namin ay kaagad kaming natulog. Magkatabi kaming natulog dito sa kwarto niya sa master's bedroom. Suot ko pa ngayon ang boxer niya na pinahiram niya sa'kin. Pinahiram niya rin ako ng t-shirt and shorts niya na suot-suot ko ngayon. Muli kong naalala na kailangan ko nang magmadaling umalis dito since may pasok pa'ko ng 7:00 kaya kailangan ko nang umuwi. Dahan-dahan akong bumaba nitong kama para hindi magising at maistorbo itong lalaking 'to. Hindi man lang namin nalaman ang pangalan ng isa't isa. Nang makababa ako sa kama niya ay kaagad akong lumabas nitong kwarto. Nang makalabas ako ay bumungad sa'kin ang malaking hallway at sa dulo nito ay ang hagdan pababa sa first floor dahil nasa 2nd floor itong kwarto na ito. Grabe naman ang laki ng bahay niya tapos siya lang mag-isa ang nakatira. Hindi ba siya nalulungkot dito? Kaagad akong tumakbo at bumaba ng hagdan. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa sala kung saan may nangyari sa'min. Nang makarating sa sala ay bumungad sa'kin ang damit naming nakakalat pa. Kaagad kong hinubad ang t-shirt at shorts ng lalaki na suot ko ngayon at dinampot ko ang bra ko at sinuot ito. Sinuot ko na rin ang damit ko at hinanap ko ang panty ko ngunit hindi ko ito mahanap kaya hindi na'ko nagsayang ng oras na hanapin pa dahil nga nagmamadali na'ko. Kaagad ko nang sinuot ang skirt ko since suot ko naman 'yung boxer ng lalaki. Bahala na. Basta kailangan kong makauwi ngayon. Minadali kong tinupi ang t-shirt at shorts ng lalaki na pinahiram niya sa'kin at tinupi ko na rin ang suot niya kahapon na hinubad niya nung nag-s*x kami. Perfectionist kasi ako kaya ayoko ng makalat kaya niligpit ko na. Pagkatapos ay kaagad akong pumunta sa pinto palabas ng garage niya since ito ang kabisado ko palabas dahil dito rin ako pumasok kahapon. Akmang tatakbo na sana ako ngunit tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin ng kotse na nandito. Magulo ang buhok ko kaya sinuklay ko ito gamit ang kamay ko at inayos ko rin ang suot ko at kaagad nang dumiretso ng gate. Hindi ko alam kung paano ito buksan kaya pumunta ako sa kotse ng lalaki na sinakyan namin ng lalaki kagabi papunta rito. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto ng kotse niya at napahinga ako nang maluwag dahil hindi ito naka-lock. Pumasok ako sa kotse at hinanap 'yung remote na ginamit ng lalaki kahapon pangbukas ng gate. Napangiti ako nang makita ang remote. Buti na lang nandito ito. Napatingin din ako sa shotgun seat at nakita ko ang bag ko kaya nanlaki ang mga mata ko at kaagad itong kinuha. Niyakap ko ang bag ko nang makuha ko ito. Muntik na kitang makalimutan! Nandito pa naman sa bag 'yung susi ng bahay at yung iba ko pang gamit. Kinuha ko na ang remote at ang bag ko and lumabas na nitong sasakyan. Tinapat ko sa gate itong remote na hawak ko at pinindot ang button na green dahil iyon ang pinindot nung lalaki kagabi para mabuksan itong gate. Halos mapatalon ako sa tuwa nang bumukas ang gate kaya binalik ko ang remote sa loob ng sasakyan at sinarado na ang pinto ng sasakyan and then lumabas na. Nang makalabas ako ng gate ay napapalakpak pa'ko sa tuwa kaso na-realize ko na paano ko pala ito maisasarado. Kapag hindi ko ito sinarado ay baka mapasukan 'yung lalaki ng magnanakaw o hindi kaya ng killer! Grabe ang pag-ooverthink ko! Naghanap ako ng button sa gilid nitong gate dahil baka may button dito para magsarado ang gate. Kaso wala akong makitang button kaya nataranta na'ko. Natigil ang pagkataranta ko nang may maalala ako. Nung makalayo na 'yung sasakyan ng lalaki sa gate ay kusang nagsara itong gate kaya baka kapag lumayo ako ay baka kusa rin itong magsara. Unti-unti akong umatras palayo sa gate at nang medyo makalayo na'ko ay sumarado ito kaya hindi na'ko nagsayang pa ng oras at tumakbo na'ko palayo rito habang nakapaa. Yung sandals na suot ko ay naiwan ko rin at hindi ko na hinanap pa dahil nagmamadali na nga ako. Buti na lang mabilis lang ako makakabisado kaya kahit na malaki itong village ay alam ko ang dinaanan namin kagabi kaya alam ko ang palabas. Nang makalabas ako ay hingal na hingal ako kakatakbo. "Okay ka lang po ba Maam?" tanong ng guard na nagbabantay sa gate nitong village. Sinenyasan ko siya ng okay lang ako habang hingal na hingal. Para tuloy akong nag-exercise. Tatlong beses lang akong huminga nang malalim at kaagad din akong tumayo at tinanong si kuyang guard. "S-saan po ang sakayan ng taxi rito?" tanong ko kay kuyang Guard. "Diretso lang po kayo diyan Maam sa daan na 'yan tapos po pagdating niyo sa may kalsada ay marami pong taxi ang nag-aabang diyan Maam," sabi ni kuyang Guard habang nakaturo sa diretsong daan sa tapat nitong village. Pagkalabas mo kasi ng gate nitong village ay may tatlo kang pwedeng daanan. Sa kaliwa, kanan, at diretsong way ang mga pwede mong daanan. "Salamat po Kuya," hinihingal pa rin na sabi ko at nag-umpisa nang maglakad kahit na hinihingal pa rin ako. "Okay lang po ba kayo Maam? Bakit po wala po kayong suot sa paa niyo? May tsinelas po ako rito sa inyo na lang po," mabait na sabi ni kuyang Guard. "Maraming salamat po pero okay lang po ako," nakangiting sabi ko sa kaniya. Mukhang hindi pa siya kumbinsido sa sagot ko pero nagmamadali na'ko kaya binilisan ko na ang lakad ko palayo ro'n. Buti na lang at madaling araw pa dahil kung umaga na at marami nang tao, na'ko siguro pagtitinginan na'ko ngayon. 'Yan malandi ka kasi kaya tiisin mo ang magpaa.' pakikipag-away ko sa sarili ko. Nang medyo feel ko ay kaya ko nang tumakbo ay tumakbo na'ko. Tama nga ang sinabi ni kuyang guard dahil nang makarating ako sa may kalsada ay maraming taxi kaagad ang naghihintay kaya kaagad akong sumakay sa isang taxi at sinabi kay kuyang taxi driver ang address ko. Mukhang familiar si kuyang taxi driver sa daan papuntang bahay ko kaya kaagad nang pinaandar ni kuya ang taxi kaya napahinga ako nang maluwag. Nakiusap din ako sa kaniya na pakibilisan ang pagda-drive dahil nga naghahabol ako ng oras. Bibigyan ko na lang siguro siya ng tip mamaya. Wala akong perang dala ngayon kaya mamaya na lang ako magbabayad pagdating sa bahay dahil doon din ako sa bahay kukuha ng pera pambayad ko rito sa taxi. Halos lumipad na kami ni kuya dahil sa bilis nang pagmamaneho niya dahil nga sa pakiusap ko sa kaniya na kung pwede niyang bilisan ang pagda-drive. Masunurin si kuya eh no. Makalipas ang halos isang oras ay nakarating kami sa bahay ko kaya tiningnan ko ang babayaran ko at 1,345 ito. Nagmadali akong bumaba. "Wait lang po kuya ha, kukunin ko lang po sa loob ng bahay 'yung bayad ko po," wika ko. "Sige po Maam," sabi ni kuyang taxi driver kaya kaagad akong nagpasalamat dahil sa kabaitan niya. Sinarado ko na ang pinto nitong taxi at kinuha ko na sa bag ko ang susi ng gate at ng bahay and after that ay binuksan ko na ang gate at pagkatapos ay binuksan ko na rin ang bahay. Nang ma-unlock ko ang pinto ng bahay ay kaagad ko itong binuksan at kaagad akong pumasok at sinarado itong pinto and then nagmadali akong umakyat sa second floor at pumuntang kwarto ko. Kumuha ako sa isa kong bag kung saan ko nilalagay ang pera ko at kumuha ako ng 2k para iyon ang ipambayad kay kuyang taxi driver. Kasama na rito ang tip ko sa kaniya dahil binilisan niya ang pagda-drive. Dahan-dahan akong bumaba dahil tulog pa ang mga kasama ko sa bahay at kaagad akong lumabas at binigay kay kuyang taxi driver ang 2k. Susuklian niya pa sana ako kaso pinigilan ko kaagad siya. "Keep the change po, salamat po sa mabilis na pagda-drive and ingat po kayo!" sabi ko kay kuyang driver. Kaagad namang lumaki ang ngiti niya dahil sa tuwa. "M-maraming salamat po Maam! Hulog po kayo ng langit," tuwang-tuwa na sabi ni kuyang taxi driver. "Walang anuman po, salamat din po sa inyo," nakangiting sabi ko sa kaniya. Lumayo na'ko sa taxi para makaalis na siya. Nang makaalis na siya ay kaagad akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. 5:30am na! May 30 minutes na lang ako para makapag-ready at makapasok sa office! Kailangan kong makaalis dito sa bahay ng 6am para 7am ay nandoon na'ko sa office since 1 hour ang byahe ko mula rito hanggang sa office. Nagbihis na lang ako ng uniform ko at nag-ayos ng sarili ko dahil after nung may mangyari sa'min nung lalaking naka-meet ko kagabi ay sabay kaming naligo bago kami matulog. Kahit na nagmamadali ako ay inayos ko pa rin ang pag-aayos ko sa sarili ko since kailangan ay maayos ang hitsura namin. Nang maayos ko na ang sarili ko ay nilagay ko na sa bag ko ang mga kailangan ko. Iba-iba ang bag ko. May bag akong pang-alis at may bag ako na pangtrabaho. Kinuha ko na ang bag ko na pangtrabaho at lumabas na nitong kwarto ko. Tiningnan ko ang relo ko at 6:02 na. Natataranta na'ko dahil kapag ganitong oras ay traffic na kaya mali-late na talaga ako. Baka mamaya ay sabihin nila Ate Jennifer at ng mga katrabaho ko na inaabuso ko 'yung pagli-leave ko sa office. Although alam kong hindi naman sila gano'n ay nakaka-overthink lang. Nang makababa ako sa first floor ay naabutan ko si Sheila na gising na. "Oh ate 6:02 na ah, bakit ngayon ka pa lang aalis?" tanong ni Sheila. Alam kasi nila na umaalis ako ng mga 5:00 or 5:30 papuntang work kaya siguro nagulat siya na makitang nandito pa'ko. "W-wala may nangyari lang, pwede bang ihatid mo'ko papuntang office ko? Diba may lisensya ka naman na? Sige na pahatid lang ako para mabilis lang since mas mabilis kapag motor dahil nakakasingit," pakiusap ko sa kaniya. "Ano ba naman 'yan Ate kakagising ko lang eh!" reklamo ni Sheila at napakamot pa sa ulo niya habang nakasimangot. "Sige na, ngayon lang," pakiusap ko. Padabog niyang kinamot ang ulo niya at kinuha ang susi ng motor niya at lumabas ng bahay kaya napangiti ako. Kinuha ko ang dalawang helmet para tig-isa kami. Nang makalabas ako ng bahay ay nakabukas na ang gate at nilalabas na ni Sheila ang motor niya. Sinarado ko muna ang pinto nitong bahay. Nang mailabas na niya ang motor niya ay lumabas na rin ako ng gate at pagkalabas ko ay sinarado ko na ang gate. Hinihintay na niya ako habang nakasimangot. Inabot ko sa kaniya ang isang helmet nang makalapit ako sa kaniya. Yung isang helmet naman ay sinuot ko na at sumakay na sa likod nitong motor. Kahit na babae si Shiela ay marunong siyang mag-motor dahil gusto niyang mag-motor papuntang school para hindi na siya mamasahe. Ako ang bumili nitong motor niya at siyempre 'yung mamahaling motor ang binili ko dahil nakakahiya raw dalhin sa school niya kapag mumurahing motor lang. Masyado ko lang ata silang na-spoiled kaya ganito sila sa'kin. Atsaka naiintindihan ko naman siya kaya siya galit dahil kakagising niya pa lang tapos magpapahatid na'ko kaagad sa trabaho ko. Siyempre sino ba namang hindi mababadtrip doon diba. Kasalanan ko naman na mali-late ako kaya naiintindihan ko na galit siya sa'kin. Hayst lumandi pa kasi ako eh. Pero mas maganda kasi ang motor kaysa mag-commute since 'yung motor ay nakakasingit-singit sa kalsada kaya mabilis lang. Nagsimula na siyang paandarin ang motor niya at pinagtitinginan kami ng mga madadaanan namin dahil sa ganda ng motor na sinasakyan namin ngayon. Talagang pinag-ipunan ko talaga ang pambili nitong motor niya para lang magkaroon siya ng magandang motor. Sa'ming magkakapatid, si Sheila ang pangalawa habang ako ang panganay. Lagi kaming magkasama noon kaya nakaranas din siya ng hirap noon kagaya ko kaya ginagawa ko ang best ko para ibigay sa kaniya ang mga want niya. Kaso nga lang katulad ng panahon ay nagbabago rin ang tao kaya hindi na katulad noon ang pagka-close naming dalawa. Pero okay lang iyon, ate ako kaya dapat ay intindihin ko na lang dahil hindi naman mapipigilan ang pagbabago ng isang tao. Makalipas ang halos isang oras ay nakarating kami sa company na pinagtatrabahunan ko. Nagmadali akong bumaba at hinubad ang suot kong helmet. Binigay ko kay Sheila ang helmet na hinubad ko at kaagad na ngumiti. "Salamat sa paghatid, huwag kang mag-alala, sa susunod na sahod ko ay bibigyan kita ng pera panggala mo," nakangiting sabi ko sa kaniya. Umiwas lang siya ng tingin sa'kin at pinaandar na ang motor niya at umalis na. Mapait na lang akong ngumiti habang pinapanood siyang umalis. Bad trip na bad trip siguro siya dahil sa pagpapahatid ko sa kaniya. Huminga na lang ako nang malalim at napatingin sa relo ko. 7:06 na! 6 minutes na'kong late! Kaagad akong tumakbo papasok ng company at kaagad na dumiretso sa elevator. Buti nga pagkarating ko ay may elevator na kaagad na bumukas kaya kaagad akong pumasok don at nakisiksik sa ibang empleyado. Pipindutin ko na sana ang 26th floor dahil nandoon ang office namin kaso may pumindot na no'n kaya napahinga ako nang maluwag. Hinintay ko na lang na makarating itong elevator sa 26th floor and nang makarating ito sa 26th floor ay kaagad akong tumakbo papuntang office namin and nang makarating ako ay kahit na hinihingal pa'ko ay kaagad akong nag-sorry kay Ate Jennifer. "S-sorry po Miss Jennifer k-kung late na po ako--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kaagad akong hinila ni Ate Jennifer. "No need to say sorry, ayusin mo na lang ang sarili mo dahil bibisitahin ng C.E.O. itong floor natin dahil may nagnakaw raw sa company and gusto mismo ng C.E.O. na harapin mismo ang taong iyon," kinakabahang sabi ni Ate Jennifer. Kaya Miss Jennifer ang tawag ko sa kaniya kanina dahil kaharap din namin ang iba ko pang katrabaho kanina at gaya nga nang sinabi ko noon ay kailangan Miss Jennifer ang tawag ko sa kaniya kapag may ibang tao sa paligid dahil kapag Ate Jennifer lang ang tinawag ko sa kaniya ay baka gayahin ako ng iba kong katrabaho at baka hindi na siya galangin ng mga ito. Nakaramdam din ako ng kaba dahil sa sinabi ni Ate Jennifer. Kinabahan ako hindi dahil ako 'yung magnanakaw, kinakabahan ako dahil ngayon ko lang makikita ang C.E.O. ng kumpanya namin! And take note! Hindi nagpapakita sa kahit sinong empleyado lang ang C.E.O. nitong company dahil may rumor na ayaw nito sa mga tao kaya naman hindi ito nagpapakita sa'ming mga empleyado. Ngayon lang siya magpapakita para lang harapin ang nagnakaw sa company niya?! Siguro galit na galit ito sa taong iyon. Hayst sana naman wala rito sa office namin 'yung nagnakaw. Baka mamaya ay magalit din siya sa'min tapos lahat kaming nandito sa office namin ay tanggalin sa trabaho. Malaki pa naman na ang sahod namin at mahirap nang humanap ng ganitong posisyon sa ibang company. "Ayusin mo na ang table mo, maya-maya lang ay darating na rito ang C.E.O.," bulong ni Ate Jennifer. Pupuntahan ko na sana 'yung table ko kaso pinigilan niya ako at muling bumulong. "Parang nag-enjoy ka sa vacation mo kaya ka late ngayon ah," bulong ni Ate Jennifer habang nakangiti nang nakakaloko. "N-nagkaproblema lang po sa bahay kaya po lumabas ako para mag-inom at d-dahil sa kalasingan ay late na'kong nagising," pagsisinungaling ko. Totoo namang nagkaproblema sa bahay kaya naglasing ako kaso nga lang may kulang. Nawala naman ang ngiti ni Ate Jennifer dahil doon. "Haysts hindi na matapos-tapos ang problema diyan sa bahay niyo," wika niya at naglakad na palayo kaya kaagad akong pumunta sa table ko at nilapag na ang bag ko. Inayos ko na ang mga papers na nakakalat dito at habang nag-aayos ay nagulat ako dahil biglang pumadyak nang malakas si Ate Jennifer kaya napalingon kami sa kaniya. Tinuro niya ang labas at nakita namin ang tatlong anino ng tao na naglalakad sa labas ng office namin. Glass lang ang naghaharang sa labas at sa office namin pero kahit na glass ito ay blurry ito kaya makikita mo lang ang anino nang naglalakad sa labas pero hindi mo makikita kung sino ito. Feel ko ay inassume ni Ate Jennifer na iyon na ang C.E.O. kasama ang mga tauhan nito. Kaagad akong nagmadali sa pag-aayos ng table ko. Narinig ko ang pagpasok ng kung sino at nalaman ko lang na ang C.E.O. ang pumasok dahil binati siya ni Ate Jennifer at ng mga katrabaho ko. Ako naman ay pinagpatuloy lang ang pagliligpit sa table ko dahil nasa bandang likod naman ako kaya hindi ako makikita. Buti nga nasa likod ako eh. "Good Morning, this is Mister Theo Rilmz, the C.E.O. of this company and I know na alam niyo na kung bakit siya nandito. Don't worry kung wala naman kayong kasalanan ay wala kayong dapat na ikatakot, gusto niya lamang bumisita," sabi ng boses lalaki. Hindi pa rin ako tumigil sa pagliligpit dahil malapit na'kong matapos. "You," wika ng boses lalaki. Hindi pa rin ako humihinto sa ginagawa ko kaya hindi ko alam ang nangyayari. Pero kalaunan ay napahinto rin ako nang maalala ko ang boses nang nagsalita kaya kaagad akong napalingon kila Ate Jennifer at nakita ko sila na nakatingin sa'kin pero ang nagpakabog nang mabilis ng puso ko at ang nagpalaki ng mata ko ay ang lalaking nakausot ng suit at nakatayo sa harap ni Ate Jennifer. Napalunok ako habang tumitibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ako kinakabahan kaya tumibok nang mabilis ang puso ko. Kaya tumibok nang mabilis ang puso ko dahil ang lalaking nakasuot ng suit at nakatayo sa harap ni Ate Jennifer ay ang lalaking naka-s*x ko kagabi. Naglakad siya papalapit sa'kin. "I know you," he said at ngumisi. "Belle this is Mr. Theo Rilmz, he's our C.E.O.," wika ni Ate Jennifer kaya halos mahimatay na'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD