Binuksan ko ang music dito sa car ko at napasigaw ako dahil sa sobrang saya. Hinayaan ko na rin ang sarili ko na bilisan ang pagda-drive dahil sa sobrang pagka-excite. Wala namang masyadong traffic dito at hindi rin naman ako lumagpas sa speed limit kaya naman ay okay lang kahit na bilisan ko ang pagda-drive. Sumabay lang ako sa beat ng music na naka-play rito sa car ko habang na-eexcite nang sobra na tila ba'y isa na ito sa pinakamasayang naging araw ko. Maya-maya lang habang nagsasaya ay naalala ko na nakasunod pala sa'kin si Adrian kaya naman ay kaagad akong tumingin sa side mirror nitong kotse ko para tingnan kung nakasunod ba ang kotse ni Adrian. Napahinga naman ako nang maluwag nang makitang nakasunod ang kotse niya. Binagalan ko na rin ang pagda-drive ko dahil sa hiya. Nadala l

