Nanatili mabilis ang t***k ng kanyang puso kahit nag-iisa na lamang siya roon. Napaigtad pa siya ng magring ang phone niya nagmamadali na dinukot niya iyun sa shoulderbag niya. Si Alvin. Tumikhim muna siya bago niya sinagot iyun. "Oh bakit?"tugon niya. " Nasaan ka?" Inilibot niya ang mga mata sa buong paligid. Nasa paraiso. "Uhm,kumakain ako sa labas,bakit?" pagsagot niya. "Kaya pala wala ka dito sa bahay niyo,nandito ako eh," anito. "Ganun ba,di ka kasi nagsabi ng maaga na pupuntahan mo ako ngayon," sita niya rito. "Tinanghali ako ng gising eh," anito. Bumuga siya ng hangin. "Bakit ba?" "Wala naman,ayain lang sana kita magmovie marathon sa bahay," anito. Napakamot siya sa pagitan ng mga kilay niya. "Sige,mamaya punta ako sa bahay mo," sagot. "Okay,sige.." Bigla nagtaasan

