Mataman na pinakikinggan niya ang bawat galaw at ingay na ginagawa ni Nhovie sa kabilang bahay nito. Kitang-kita niya ang labis nitong pagkamangha kanina sa mga rosas. Bigyan mo kaya ng isang kumpon na rosas tutal naman binigyan mo na siya ng Rose Tea,sundan mo na agad ? Napahalukipkip siya sa sinabi iyun ng kanyang inner wolf. Remember,may dalawang araw ka na lang bago ang dinner ng mommy mo para sa kanya! Nakagat niya ang gilid ng kanyang pang-ibaba labi. Bukas dapat maipaalam na niya rito ang paanyaya iyun bago pa siya maunahan ng Alvin iyun. Tumango-tango siya sa naisip na planong iyun. "Inaantok ka pa ba?" untag sa kanya ni Alvin. Maaga siya nito pinagising para sa basketball session nila ngayon araw. "Bakit kasi hindi na lang next week? Ang sarap pa ng tulog ko eh," reklamo ni

