Pia's POV Tahimik lang naming tinatahak ang madilim na kalye palabas ng kabihasnan. Madaling araw na pero hindi man lang ako makaramdam kahit kaunting antok dahil sa mga nangyari ngayong araw. Ni hindi nga kami nag-iimikan ni Wage at basta na lamang siyang nagmaneho paalis doon. Kahit papaano din ay nabawasan ang galit sa mukha nito at kung minsan pa ay nahuhuli ko ang sandaling pagsulyap niya sa akin. Bigla kaming huminto sa isang malaking kulay beige na may halong brown na townhouse. Nag-iisa lang iyon sa lugar na iyon ngunit napapalibutan ng mga magagandang bulaklak. Namamanghang napatingin ako dito lalo pa at kitang-kita rito ang buwan at ang mga bituin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakapikit lamang itong nakasandal sa kanyang upuan. Hindi ko maiwasang titigan siyang mab

