Pia's POV Madaling araw na pero ramdam kong gising pa din ang diwa namin pareho ng lalaking katabi ko ngayon. Nakahiga lang ako sa tabi ni Wage habang yakap niya ako sa aking beywang habang ako naman ay sumusulat sa kanyang dibdib gamit ang aking daliri. "Sleep now, Sweetie." malambing na wika nito at hinaplos niya ang buhok ko. Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay ano mang oras ay babalik muli sa dati ang turingan namin at alam kong magigising din naman ulit ako sa katotohanang walang kami. "It's already 3 am in the morning. Kailangan mong magpahinga." pamimilit nito kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Huwag kang namimilit. Kung inaantok ka naman eh pwede ka naman ng matulog atsaka bakit ba pinatutulog mo na ako? Ah, para makaalis ka na, hindi ba?"

