Chapter 3

1630 Words
Pia's POV Isang buwan na ang nakalilipas noong huli kong makita si Wage kasabay din nito ang pag-alis ko sa bar na pinag-tatrabahuhan ko. Nagpakalayo layo muna ako at minabuting manahimik na lamang sa isang tabi para naman kahit papaano ay may matira pa din sa aking kakarampot ng pride. Lalo pa ngayon na wala akong matatakbuhan dahil bigla na lang nawala si Xiara. Buong buhay ko ay nakadepende na lang ako sa matalik kong kaibigan pero alam ko din namang may problema iyon ngayon kaya kung sakali din na magparamdam siya ay hindi na lang ako iimik pa. Kasalukuyan akong nandito sa may paradahan ng tricycle sa may Pasig para sana makahanap ng murang matitirhan. Pinalayas na kasi ako kagabi sa tinutuluyan ko dahil ilang buwan na pala akong hindi nakakabayad rito. Idagdag mo pa ang pagbalik ko ng pera sa hudas na lalaking iyon. Ayokong isipin niya na mababa lang talaga ako dahil kinuha ko pa ang pera niya. Sapat na iyong natabi kong pera para mabuhay ng panandalian. Kailangan ko pa ding kumayod lalo pa at bigla na lang naglaho ang magaling kong kapatid. Hindi man lang inisip na mayroon pa kaming pinoproblema sa ibang bansa. Gago talaga. " Magandang araw po, kuya. Magtatanong lang ho sana ako kung may alam kayong mga murang paupahan malapit dito." tanong ko sa isang drayber doon. "Ayy, oo ineng! Doon sa may dulo ng eskinita. Hanapin mo lang si Cholita dahil alam kong naghahanap iyon ngayon ng tenant." sabi nito ng nakangiti. "Maraming salamat po." sabi ko rito kaya't agad na akong sumibad upang puntahan ang sinasabi nitong eskinita. Sa bungad pa lamang ay makikita mo na agad ang mga mag-aasawang nagbabangayan, mga batang nag-hahabulan at mga lalaking nag-iinuman. Napailing na lamang ako. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena. Bata pa lamang ako ay ganito na ang kinalakihan ko. Naranasan nga namin ang magutom sa kalsada noong mga panahong naglaho na parang bula ang ama ko. Hindi ba't isa siyang duwag? Tumakas sa isang responsibilidad labing pitong taon na ang nakakalipas. Buntis pa noon si Mama sa bunso kong kapatid noong mga panahong iyon at dahil na rin sa kahirapan ay hindi namin mabigyan ng maayos na pag-papagamot si Irma. Kung hindi niya sana kami iniwan. Tang ina bakit ko nga ba siya iniisip? Matagal ko na siyang ibinaon sa limot at dapat na manatili na lamang iyon sa ganoong paraan. Pareho sila ni Kuya Ivan na walang silbi. "Magandang araw po, mag-tatanong lang po sana ako kung nasaan si Aling Cholita? Iyong nag-papaupa ng bahay?" tanong ko sa isang aleng may hawak na bilao. Tinignan lamang ako nito at binigyan ng isang tipid na ngiti. "Iyong bahay na may mga tarpaulin sa may kanan." sabi nito at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad. Pag-punta ko roon ay nakita ko iyong sinasabi nilang Cholita na nakikipag-kwentuhan sa mga kabaro niya. Hindi ko maiwasang mapakamot ng batok nang makitang mga nasa 30s pa lamang ito. "Magandang umaga po sa inyo." bati ko sa kanila at nakita kong tinaasan akong kilay noong Cholita at sinuri ako simula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil ganoon din ang ginawa ng mga kausap nito. "Anong kailangan mo?" tanong nito at sinenyasan akong pumasok sa loob ng kanyang bahay. Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya. "Nagtanong-tanong ho kasi ako sa may paradahan kung may alam po silang paupahan dito at tinuro nga po nila sa akin na dito nga daw po ay merong bakante." sabi ko rito at tinignan ang kabuuan ng bahay. "Ah, oo nga. Umalis na kasi iyong mag-iina noong nakaraang linggo rito at hanggang ngayon naman ay wala pa din naghahanap ng malilipatan. Bakit interesado ka ba?" tanong nito at pinaupo ako sa may kahoy na silya. "Opo sana. Magkano po ba ang upa?" tanong ko rito. "900 lang naman ang isang buwan. Di pa kasama ang kuryente at tubig roon. 3 months advance ang payment." sabi nito. Napatango-tango ako. Ayos na din ito kaysa naman wala akong matutuluyan. Binuksan ko ang wallet ko at nakitang nasa apat na libo na lamang ang laman nito. Ibinigay ko rito ang bayad at iginaya naman na niya ako papunta sa may maliit na bahay roon. Ayos na rin ito kung tutuusin. Mas maliit nga lang kung ikukumpara sa dati kong tinutuluyan. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito sa akin. "Pia na lang po ang itawag niyo sa akin." nakangiti kong wika rito. "Ah. Siguro naman alam mo na ang pangalan ko. Ako si Cholita. 32 lang ako kaya huwag ka ng mahiya sa akin." sabi nito at nginitian ako. "O siya at mauuna na ako. Hinihintay na ako ng anak ko sa eskwelahan eh. Kung may kailangan ka ay lumapit ka lang sa akin. Wala naman tayong magiging problema kung magiging maayos ka lang sa pakikisama dito sa looban. Isa pa at huwag kang matakot kasi halos lahat naman sila mababait eh." sabi nito na agad ko namang sinang-ayunan. Naupo ako sa kobre kama at iginala ang paningin sa paligid. Hindi na rin masama. Mayroong maliit na ref sa gilid na nakapatong lang sa kahoy na lamesa at dalawang upuan na gawa sa plastic. Mayroong din isang maliit na electric fan na katapat nitong kama. Wala nga lang tv. Napabutong hininga ako. Hanggang kailan ko kaya mararanasan ang ganitong buhay? Nakakapagod na. Nakakasawa. Namomroblema pa ako dahil tumawag si Mama. Lumapit na daw kasi siya sa embassy pero aabutin pa daw ito ng hindi pa siguradong buwan bago sila makauwi. Bukod kasi sa makikipag-negosasyon ang mga ito sa dati niyang amo ay kinakailangan din gawin ang iba't ibang proseso para lang makabalik sila rito sa Pilipinas. Iyon nga lang ay hindi nila sagutin ang kalusugan ng kapatid ko kaya't kinakailangan ko pa dim mag-padala para sa maintenance niya. "Nagugutom na ako." binuksan ko ang wallet ko at mayroon na lamang akong 1,300 roon. Kung bibili pa ako ng pagkain ay baka hindi ito abutin ng ilang linggo. Napatingala na lang ako at iniwasang maiyak. Mas minabuti ko na lamang mag-bihis para makahanap ng trabaho. Siguro ay bibili na lamang ako ng noodles sa isang tindahan para makakain man lang ako kahit papaano. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Buendia ay mayroon akong nakitang signboard na nakapaskil sa isang restaurany kung saan nag-hahanap sila ng waiter. Dali-dali akong pumasok rito at hindi ko maiwasang panliitan sa nasaksihan. Puro mayayaman ang mga narito at nakasuot ng magagarang damit. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Tang ina. Nakasuot lang ako ng itim na palda na pinaresan ng puting t-shirt at madungis na sandals. "Good Morning, Ma'am." mapanuring bati ng isang receptionist roon. "Mag-tatanong lang sana ako tungkol sa nakapaskil sa labas. May nakita kasi ako roon na nag-hahanap kayo ng waiter/waitress." sabi ko rito at nakita ko ang pag-taas ng kilay nito. Peste. napaka-maldita ng dating niya at ayoko sa taong to. Nakakapanggigil! "Sumunod ka sa akin." supladang wika nito at gusto ko na siyang tirisin kung hindi ko lamang gusto sanang makahanap agad ng trabaho. "Good Morning, Ma'am Yell. Someone inquired about the hiring po." sabi nito at doon ko nasilayan ang isang sopistikadang babae na hindi mapagkakailang maganda. "Let her in, Gera. Hindi naman ako ganoon ka-busy so mae-entertain ko naman siya." sabi nito. Pinapasok na naman ako ng babaeng mahadera at naupo naman ako sa tapat noong table niya. "Hi, I'm Yell San Pueblo. What is your name?" nakangiti nitong tanong kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Paloma Ivanna Accosi po, Ma'am." sagot ko rito at iniabot sa kanya ang resume ko. "Sure ka ba na mag-aapply ka for being a waitress? As a matter of fact, papasa ka bilang isang model girl. Mas bagay pa nga na maging waitress ang Gera na iyon kaysa sa iyo." natatawang wika nito at hindi ko maiwasang panlakihan ng mata. "Oh come on, hindi naman sa nang-aaway ako ng employee ko. I just really don't like that b***h dahil nasa loob ang kulo. If it's not just for my mom, I'll never hire her. Oops! I am being so madaldal na I'm sorry." sabi nito na ikinatawa ko. "No, it's okay Ma'am. I just didn't expect na we have commonalities pala." sabi ko rito habang napapailing. "Drop that Ma'am thingy! I'm not used to it kasi eh. By the way, you're hired na because I like you. Feeling ko kasi kilala na kita eh." sabi nito nang nakangiti. "Thank you po, Ma'am! Salamat po talaga!" masayang wika ko dito at kinamayan siya. Tumango lamang siya habang nakangiti. Bigla namang bumukas ang pintuan at may pumasok na isang napaka-gwapong lalaki na nakasuot ng business suit. Napalabi ako at mas pinili na lamang manahimik. "What the f**k are you doing here, Mr. Valleja? Can't you see that I'm doing my own business here? Get lost!" namumula na ang mukha ni Ma'am Yell at hindi ko maiwasang mapakunot ng noo. "I don't care." sumulyap ito sa akin at tinignan ako ng mataman. "Get out." matalim na wika nito kaya nairita ako. Aba putaragis ng lalaking ito! Walang manners! "No, Paloma. You stay here. At ikaw na gunggong na lalaki! Lumayas ka sa boundaries kung nasaan ako! I'm so sick of you!" sigaw nito kaya mas pinili ko na lamang mag-paalam. "Ma'am, babalik na lang po ako bukas dito ng umaga. I should go now." magalang kong wika dito at nagmamadaling umalis. Paglabas ko ng restaurant na iyon ay nag-abang na lamang ako ng masasakyan pauwi. Ayaw ko na mag-lakad dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Ang sakit sakit na ng paa ko at nagugutom pa din ako. Napakunot ang noo ko ng may biglang humintong itim na kotse sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kabahan ng dahil doon. Posible bang 'siya' ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD