Pia's POV Nanlulumo akong umupo sa swing sa isang madilim na parke. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko dahil ang gusto ko lang ay ang mapag-isa ngayon. Nanunuot sa balat ko ang lamig ng hangin na humahalo sa damdamin kong unti-unti na rin namamanhid. Napaakap na lamang ako sa sarili ko at hinayaan ang sariling umiyak muli. "Baby, patawarin mo si Mommy kung napapabayaan ka niya ngayon ha. Patawarin mo ako kasi nagiging makasarili na naman ako." humihikbing wika ko at napahawak sa tiyan ko. Madilim ang paligid at ang poste malapit sa kinauupuan ko lamang ang nagsisilbing liwanag sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay nakasentro ang buhay ko sa kadiliman na walang matatakbuhan na maaaring makapawi ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakaup

