Lumipas ang ilang araw na di ko man lang siya pinapansin. Para rin naman to sa kanya eh. Ayokong isang araw sisihin niya ako kung matanggal man siya sa school.
Kinaumagahan nung araw na iniwan ko siya, sinuyo niya ako. Na para bang siya ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganon. Pero hindi, hindi siya ang may kasalanan. Kung sino mang hudas na yon, kapag nalaman ko kung sino siya, ako mismo ang magpapakulong sa kaniya.
Ilang araw siyang nasa harapan ng bahay namin, hinihintay ako sa pag-uwi. Madalas na nga siyang hindi pumapasok eh, baka sa ginagawa niyang yan ay tuluyan na siyang matanggal. Kaya nga ako lumalayo ay para mapanatili ang lisensya niya at trabaho niya pero sa ginagawa niyang pagliban lagi ay hindi malabong tanggalin siya. Mapupunta sa wala ang pagsasakripisyo ko.
Sa tuwing nasa harapan siya ng bahay at naghihintay ay hindi ko siya pinapansin pero kapag nasa kwarto na ako ay di ko na mapigilan ang sarili kong umiyak dahil alam kong pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon.
Kaya kahapon din, kinausap ko na siya at sinabi na ang gusto kong sabihin sa kaniya. Na kesyo ganito, ganiyan. Na ayaw kong sayangin niya ung pinaghirapan niya dahil lang sa akin. Sinabi ko sa kaniya na mas magandang wala nang mamagitan sa amin at may mas deserved sa kanya at hindi ako 'yon.
Lumalala na din kasi ang chismis tungkol sa akin. Mas dumarami ang nakakita sa picture ko na pati ang Dean ay nakita na. Minsan nga akong pinatawag at tinanong kung sino ang kasama ko at bakit sa school pa kami gumawa ng kabalbalan at tiyak na marurungisan ang pangalan ng school.
Hindi ko sinabi kung sino ba ang lalaking kasama ko dahil ayaw ko siyang masaktan kaya ang nangyari ay isang linggo akong suspended, buti nga't hindi ako naexpell pero nung pinatawag sila mama halos palayasin na ako dahil sa nangyari pero kinaumagahan nama'y hinayaan na lang nila ako ngunit gusto nilang makilala kung sino ba ang taong kasama ko.
Hindi ko inamin kaya hanggang ngayon di pa rin ako kinikibo nila mama.
Nang bumalik na ako sa school, lahat na lang ng madaanan ko ako ang laman ng usapan. Nakakarindi na rin. Sa bahay nga ako na ang pinag-uusapan pati mga kapitbahay namin tapos dito sa school rin. Minsan nga naisip kong magpakamatay na lang eh pero ayoko namang isipin nilang makasalanan na ako masyado. At ayokong sumuko nang ganon-ganon na lang.
Nagdaan pa ang ilang araw hanggang sa di ko na nakikita si Jack. Hindi na rin siya ang prof namin sa Statistics and Probability dahil ibang prof na ang sumisipot sa araw na 'yon.
Dala na rin ng kuryosidad ay tinanong ko na sila Micah.
"Micah, pansin ko, bakit iba na prof natin sa subject na 'to?"
She just shrugged and focused on what our prof's saying. I don't get it. My mind is busy wandering about one person. Isang tao lang ang laman ng isip ko ngayon. Kahit nga hindi ko na siya nakikita at wala na kaming komunnikasyon ay di ko pa rin maiwasang hindi mag-alala sa kaniya. Kung ano na bang nangyayari sa kaniya.
I went to the cafeteria once our professor dismissed us. Hindi ko na nahintay si Micah dahil sa gutom ko and then before I could enter the cafeteria, a person pulled me at isinama ako sa tabing cr.
I almost yell but before I could do that ay nakilala ko na kung sino ang humila sa akin. Si Apple.
"Best, I think you shouldn't come to the cafeteria at this moment." She said.
"Bakit?" She didn't answer me. She just looked at me intently.
"Apple, I'm hungry kaya kung ano man 'tong kalokohan mo ay sabihin mo na."
Lalabas na sana ako pero bago pa man 'yon mangyari ay sumigaw si Apple.
"KASS. I HAVE TO TELL YOU SOMETHING. IT'S ABOUT SIR JACK." And when I heard his name, my heart flipped. Sa simpleng pagbanggit lang sa pangalan niya ay nagcacart-wheel na ang puso ko.
I looked at her and I know my eyes look like I'm asking her what?
"The Dean knew about your relationship with sir Jack." She said almost pleading. My eyes widened because of shock. The f**k!
"W-what? What d-do you mean?" I am praying that I just heard her wrong. Na nabibingi lang ako but when she answered, my heart almost collapsed and my tears flow. I could not swallowed my own saliva dahil sa narinig ko.
"He was expelled Kass, he went to Dean last week and told them that he was the one responsible about what happened between the two of you. That's why dean decided to expel him." So, all this time, kaya wala siya ay dahil natanggal na siya. Kaya hindi ko man lang siya makita at macontact.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. I just cried there, in front of Apple. I almost break down dahil sa tindi ng pag-iyak ko. Hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ano pa't prinotektahan ko siya kung heto at umamin na siya. Ayoko na. Ayokong pati siya ay madamay pero nangyari na. Maapektuhan ang teaching skills niya or worst wala nang tumanggap pa sa kanya.
After I cried. I went home. Hindi ko na pinasukan pa ang ibang subjects ko dahil na rin sa hindi ako makakapagfocus kapag pinilit ko ang sarili ko.
My mama saw me crying but she did not ask me. She just looked at me and hugged me. Siguro, nararamdaman din ni mama ang sakit na nararamdaman ko. Sino pa bang ibang makakaramdam ng nararamdaman mo kung hindi ang pamilya mo?
Pinatahan ako ni mama at pinatulog. Parang bigla lang bumalik ang dati nung bata pa ako. Na kung saan walang problema. Na kung saan masaya lang lagi.
Pagkagising ko ay mag-aalas syete pa lang ng gabi. I checked my phone baka kasi may text siya sa akin kahit na ilang araw na kaming di nagkikita at nagkakausap ay umaasa pa rin ako. Kahit hi man lang ay umaasa ako.
As I opened the message, I was hoping that it will be good news from him but no. It made me cry again. It made my heart sank. I just couldn't afford to lose him. Pero nangyayari na ang kinatatakutan ko, ang umalis siya at iwan ako.
'Goodbye' is what I've read from the text he sent. I couldn't stop myself from crying. It was so painful that I couldn't feel anything. Parang naging bato na ako at namanhid na
Lang.
I tried calling him but to no avail. I couldn't reach him. What's happening? Really? I could not understand even a single letter from his text. Na para bang isang alien language ang salitang goodbye.
Para bang bumagsak lahat ng pag-asa kong maayos ang lahat. Na lilipas din itong sakit.
I don't understand what he's trying to say by the one word he sent to me. May naiisip ako pero ayokong paniwalaan. I tried calling him again a hundred times pero walang sumasagot hanggang sa hindi na talaga macontact.
Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak hanggang sa magising ako kinaumagahan na parang ang sakit ay hindi man lang nabawasan. I went to school like a zombie. Ni hindi ako makausap ng matino nila Micah at Apple. I was just staring at them habang patuloy sila sa pagkausap sa akin. I don't understand them at all. Basta ang alam ko nasasaktan ako. Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang nang-iwan.
Lumipas ang ilang buwan na halos di ako makausap ng maayos hanggang sa unti-unti ko na siyang nakakalimutan. Hanggang sa matapos ang finals at magbakasyon kami. Wala akong balita tungkol sa kanya. Kung nasaan man siya kaya Iniwasan kong isipin siya dahil gusto kong tumigil kahit ilang sandali lang ang sakit. He never showed his face kahit na wala ng pasok kaya I decided to not think about him anymore. Na baka infatuation lang lahat ng nararamdaman ko sa kanya at ganun din siya sa akin.
Hanggang sa naisipan kong magtransfer na lang ng school dahil gusto kong magsimula muli. 'Yong walang ibang nakakakilala sa akin. I transferred to St. Micheal's Academy to finish my fourth year.
The first day was fine. It's like I was free from the pain, from the past, from the people who hate me.
And then when tomorrow comes, I felt like my heart stopped from beating. Ito ang araw na kung saan magpapakilala na ang mga prof namin sa bawat subject. And I was not ready to see him again.
He was my Business Math Professor. Nung nakita ko siya, gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamiss. Ngunit, di ko magawa dahil hindi na siya ang Jack na minahal ko. Nagbago na siya. Ibang-iba na siya sa dati na makulit at masayahin. Hindi na siya ngumingiti at lagi na lang nakasimangot. Ni hindi niya ako matapunan ng tingin. Where is my Jack? Nasan na ang taong minahal ko?
When our last subject dismissed us, I tried to find him. Nagpunta ako sa faculty pero wala siya doon. And when I reached the cafeteria, nandoon siya, sa tabi ng isang magandang binibini. Sa tabi ng aming Oral Communication prof. Nandoon siya, masaya, nakangiti at tuwang-tuwa sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. I almost jumped when he looked at me.
Doon ko nakita sa kanyang mga mata ang tunay na nararamdaman niya. Malungkot. Sakit. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya ako na ang umiwas. Dali-dali akong umuwi at nag-isip kung paano ko maibabalik ang dating Jack. Ang Jack na minahal ko. Ang Jack na Napakasweet, ang Jack na minsan ay minahal din ako.
Kaya bago pa ako lamunin ng antok ay nakapagsulat pa ako sa papel ng operation: seducing my hot professor.
------