Biyernes ng umaga ay hindi na kami magkandaugaga sa pagtapos ng mga project na deadline sa araw ding ito. At ang nakakainis ay hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko at bukas ay isasama pa ako ni sir Jack sa Davao para sa convention na dapat niyang puntahan. Kung hindi ko lang isasagawa ang plano ko ay baka hindi pa ako sumama sa kaniya dahil sa napakaraming gawain. Sana naman ay bigyan niya ako ng time para tapusin itong trabaho ko dahil hindi ko kakayaning tapusin sa araw na 'to. "Wag kayong tutunga-tunganga!" Sigaw ni mamang nang mahuling may nagpahinga lang saglit sa team namin. Napailing na lang ako dahil sa sobrang kaistriktuhan niya. Mukhang nagpapaimpress ang bakla kay sir Jack. "Atupagin niyo ang mga importanteng bagay hindi kung anu-ano. Dapat natin-" bago pa matapos ni m

