XIV

2220 Words
Maaga akong pumasok ngayon kasi gusto ko sanang pumunta sa faculty. Nalala ko na naman tuloy ang nangyari nung gabing 'yon. Ilang araw din akong hindi nakapasok dahil sa napilay pala ako at siyempre ang memorable moment ay 'yong pagsabi niya sa parents ko na boyfriend ko siya hihihihi. I'm sure maaga si sir Jack ngayon kasi may long quiz kami tsaka ang balita ko siya ang facilitator namin. Pagbaba ko ng bag ko sa upuan ko ay nagpunta na ako agad sa faculty at hinanap si sir. "Good morning po ma'am, nandyan na po ba si sir Jack?" i asked our fil. professor. "Uh, nasa table niya. Come on in." I immediately went to sir's table. Medyo nahirapan pa akong hanapin kasi nasa pinakagilid siya at medyo tambak pa ng folder kaya halos matakpan na siya doon. Nang makalapit ako ay nagulat pa siya kung bakit ako nandoon. I smiled at him and brought out the breakfast I made. You know, tutal magsyota na kami ay dapat ginagawan ko siya ng pagkain. Kahit na hindi ako sure kung talagang kami ba o gawa-gawa niya lang 'yon ay kakareerin ko na para naman maranasan ko ang magkaroon ng boyfriend noh. Pero, paano naman si ma'am Cindy? Hay naku, wag ko na lang isipin 'yon tutal sa akin naman talaga si sir Jack. "What do you think you're doing Ms. Pascua?" sir asked me while I'm busy putting out my home-made foods. "A-ahm baka ka-asi di pa kayo nagbebreakfast sir?!" I have no choice kundi ayun ang idahilan alangan namang sabihin kong it's my responsibility tutal girlfriend niya ako. "Kahit di pa ako kumakain Ms. Pascua, you don't need to give me foods. I can make my own breakfast." Napasimangot naman ako sa sinabi niya. So, hindi niya naappreciate ganon? Ang ouchy ha! "E-eh sir k-kasi. About sa nangyari.." Hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sabihin nang padabog niyang ipinatong ang hawak niyang ballpen at attendance sheet sa table. "Kass. I think you misunderstood it" sa sinabi niya ay, hindi ako agad nakahuma. Medyo, nasaktan naman ako doon. "I just said it to your parents para hindi sila" I cut him. Hindi ko na siya pinatapos pa dahil ayoko nang marinig pa kung anuman ang gusto niyang sabihin. Ayokong ipamukha niya pa sa akin na gawa-gawa lang kung anuman ang sinabi niya kila mama. I smiled at him and walked away. Walang kibo akong umalis doon. Iniwanan ko na lang ang mga pagkaing dala kung sakaling magbago ang isip niya at kainin niya 'yon. Sa buong klase ay hindi ako natahimik. Pati nga ang long quiz namin sa Research ay hindi ako nakapagconcentrate dahil Ang daming gumugulo sa isipan ko. I thought, nabawi ko na siya. Mukhang nagkamali ako! Nung time naman namin sa klase niya ay wala siya. Nagpaseat work lang siya habang hindi niya kami sinipot. I don't know why, hindi ko alam kung anong drama niya. Kahit na curious na ako kung ano bang nangyari, ay pinigilan ko ang sarili kong tanungin ang proctor namin. Matapos ang mahaba-habang solve-an ay nagpunta muna akong library para sana gawin ang research papers namin. Pagkadating ko ay unang bumungad sa paningin ko si sir Jack kasama si ma'am Cindy. Nakaupo lang sila sa isang tabi habang may kaniya-kaniyang hawak ng libro. Gustuhin ko mang lumapit sa kanila ay hindi ko ginawa. Napatingin naman siya sa akin nang mapadaan ako sa kanila pero hindi ko na lang siya pinansin. Nasaktan ang ego ko. Ang pride ko. Kailangan ko rin namang alagaan. Hindi porket seducing my hot professor ang title ay kailangan ako na lang lagi ang gumawa ng paraan para mapasaakin siya. Nakakasawa rin kasi lalo na kung wala naman talaga akong pag-asa. Sa tuwing mapapatingin ako sa pwesto nila ay nakikita ko kung gaano kasweet si ma'am Cindy. Nakita ko pa ngang nakahawak ang kamay ni sir sa bewang ni ma'am. Ang PDA nila, eh library ito. Ang bitter mo lang. Bulong ng isip ko. Tss. Edi ako na bitter. Kayo kaya sa posisyon ko. Asar!!! Niligpit ko na lang lahat ng gamit ko kasi hindi naman ako makapagconcentrate sa nakikita kong paglalandian kaya naisipan ko na lang na sa bahay na ito gawin. Tumingin ulit ako sa pwesto nila at nabigla ako ng nakatingin pala dito sa akin si sir. Hindi ko na lang siya pinansin. Inilibot ko ang tingin ko sa library. Naghahanap ako ng pwedeng madaanan bukod sa pwesto nila. Ayokong makita sila ng malapitan at baka di ako makapagtimpi ay masabunutan ko si ma'am sa kalandian. Pero wala ng ibang pwedeng daanan. Marami kasing tao ngayon kaya masikip sa bawat daanan. No choice ako kundi doon ulit dumaan sa pwesto nila. Wag mo na lang silang pansinin Kass. Wala ka namang mapapala sa kanila. KAusap ko sa sarili ko. Kung may makakita sa akin ngayon ay baka masabihan pa ako ng baliw. Baliw na kung baliw kasi totoo naman. Pero baliw sa iisang tao. Dire-diretso na ako sa pagdaan at halos makahinga na ako nang maluwag dahil hindi naman nila ako napansin nang bigla akong tawagin ni ma'am Cindy. "Ms. Pascua." napakasweet ng tono nito. Na kahit ako'y muntik nang madala sa gandang boses. I looked at her. Sa kaniya lang nakadirekta ang tingin ko dahil ayokong makaeye-to-eye contact ang kasama niya. "Yes ma'am?" "Halika. May sasabihin lang ako regarding your grades sa subject natin." she gestured her hand on the chair saying na maupo ako sa harapan nila. Dahil ayoko namang maging bastos ay naupo ako sa upuan sa harapan kung saan ay katapat ko si ma'am. I smiled at her and glanced at sir Jack para naman hindi mahalatang bitter ako. He nodded at me kaya ibinalik ko na ang tingin ko kay ma'am. "Uhm. So, Ms. Pascua, as we know, medyo naglalie low ka sa grades mo. I think hindi ka masyadong nakakapagconcentrate." panimula niya. Nahiya naman ako bigla kasi dito pa talaga sa harapan ni sir Jack niya binobroadcast kung gaano ako kagaling sa oral com. Note the sarcasm please. "Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ganoon katataas ang nakukuha mo. DO you have any problems Ms. Pascua?" i don't know what to feel but I looked at sir Jack to see his reaction. HE's so serious. Ni hindi man lang makikitaan ng kahit na anong reaksyon. I cleared my throat to answer Ma'am. "A-ah, a-ano po kasi." Ni wala akong mahagilap na maisagot sa kaniya. Nagbaba na lang ako ng tingin kasi hindi ko kayang tignan si ma'am and at the same time si sir. Masyado siyang seryoso na para bang isang kahihiyan ang nagawa ko. "I think she just needs a tutor ma'am." sir Jack answered. "do you think so sir? Ang kaso, wala kasing ibang pwedeng magtutor. May kakilala ka ba?" silang dalawa na ang nag-usap. Nakaupo lang ako sa harapan nila habang nakayuko. Ni hindi ko na nga alam kung ano ba ang pinag-uusapan nila. NA para bang tinawag lang ako doon para mapanood ang diskusyon nila. I just want to disappear right now "Don't worry ma'am, ako na ang bahala. Hindi naman masyadong busy ang sked ko. I can be her tutor." napaangat naman ako ng tingin nang marinig ko ang suhestyon ni sir Jack. Ang galing. Napakabright idea sir. Gusto ko sanang sabihin yan ang kaso nakakahiya naman. Dahil hindi naman nila ako tinanong kung okay lang ba sa akin yon ay sila na lang ang nagdesisyon. At napagdesisyunan ngang si sir Jack na ang bahalang magtutor sa akin. MWF ang sked namin and every 6pm sa condo niya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa ganong set-up o hindi. Gusto kong magkaroon ng quality time with him pero baka kasi napipilitan lang siya na itutor ako. "Goodbye ma'am, sir." i bid my goodbye nang nafinalize na ang plano. Umuwi agad ako at nagpahinga bago kumain at natulog. Kinabukasan ay tamad na tamad akong gumalaw dahil biglang kumirot ang sugat na natamo ko sa bandang tiyan ko. Bwisit kasi ang mga babaeng 'yon. Pero masaya na ako kasi nalaman ko na kinaumagahan ng pangyayaring 'yon ay nasuspend sila at balita ko ay planong ibagsak pa ni sir Jack. Hindi naman sa masama akong tao para matuwa pa doon, pero kasi, sinaktan nila ako physically. Alangan namang bawian ko sila eh hindi nga ako makagalaw ng maayos nung time na yun tapos ayoko namang mabahidan ng dugo ang kamay ko. Kahit na hirap na hirap akong maligo ay tinapos ko na lang agad at pumasok na. Bago pa man ako makarating sa room ay may napansin akong lalaki sa labas ng room. Tinignan kong mabuti kasi mukhang pamilyar. Hindi naman ako nabigo nang tumingin ito sa gawi ko at kumaway pa. Si Hector pala. Ang drummer ng La Bandaes na sikat na sikat dito sa St. Michaels. 'yong pinanggalingan kong school naman ay University of St. John Bosco. Isa siya sa mga kabarkada ko noong nasa high school pa lang ako kaya close na close ko siya kahit na sikat na siya. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya at yumakap pa. Namiss ko siya ng sobra. Hindi na kasi kami nakakaroon ng time para magbonding. Kasi after ng high school, sa St. John Bosco ako nag-aral tapos siya naman ay dito na. Ngayon lang ulit kami nagkita simula ng lumipat ako dito. Nagtataka tuloy ako kung bakit siya napadpad dito sa building namin eh Engineering siya. "Anong ginagawa mo dito Hector?" i asked him at lumayo na sa pagkakayakap sa kaniya. Bago pa siya makasagot ay may tumikhim na sa likod namin. Paglingon ko ay si sir Jack pala. "Mga bata, wag kayong PDA sa daan." sabi nito at walang lingon-likod na naglakad na papasok sa room. Ang taray niya ha. Mukhang nireregla ang lolo niyo. Nagpaalam na lang ako kay Hector at sinabing magkita na lang ulit pagkatapos ng klase ko. Hinintay ko muna siya makaalis bago ako papasok. Hindi ko na namalayang nawala na siya sa tingin ko dahil sa mga iniisip ko gaya ng kung bakit ang taray ni sir ngayon. Narinig ko na lang na tinatawag na niya ako. "Ms. Pascua, ano, tutunganga ka na lang ba diyan hanggang mamaya?" doon lang ako nakabalik sa huwisyo nang sumigaw si sir. Napanguso na lang ako dahil galit na naman po siya ng walang dahilan. Alangan namang magalit to dahil lang sa nakatunganga ako sa labas? Ang liit na bagay naman. Nagsimula na siyang magturo. Ni wala ngang pumapasok sa utak ko eh. Basta nakatitig lang ako sa kaniya ng diretso. Bakit kaya parang gumagwapo siya lalo? Parang ang blooming eh. Siguro nakakadilig to araw-araw? s**t lang. Ang halay ng iniisip ko. Pero kumirot ang puso ko sa isiping baka totoo ang naiisip ko. Sino naman ang dinidiligan niya? Hays. Kung ako sana, ay baka magtatatalon pa ako sa tuwa kaso alam ko namang si ma'am cindy eh. "Ms. Pascua, what do you think?" nabalik na lang ako sa katinuan nang marinig ko ang pangalan ko. The f**k! Ilang araw na akong nagspace out. Baka may sakit na ako nito? Magpacheck-up na ata ako? Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si sir at napakalapit ng mukha sa mukha ko. Amoy na amoy ko na nga ang mabango niyang hininga eh. "Will you mind sharing what's on your mind?" I shivered when I felt his hot breath on my cheeks. Puta! Nag-init ako bigla. I felt my cheeks reddened nang mas lalo niya pang inilapit ang napakagwapo niyang mukha. Bigla naman akong napatingin sa paligid upang malaman ang pinaggagawa nila o kahit ang reaksyon man lang nila dahil sa lapit ng mukha namin ni sir sa isa't isa. Napamata na lang ako ng makitang wala na kaming kasama sa room. Kaya pala ang lakas ng loob ni sir na halos halikan na ako. Wala na pala mga kaklase ko. Umirap ako sa kaniya at tumayo. Niligpit ko muna ang gamit ko bago ko inayos ang sarili ko. Nang lingunin ko si sir ay nakatitig lang siya sa akin. "Ah sir. Mauna na ako" sabi ko na para bang hindi apektado sa presensya niya. Doon lang siya napakurap kurap nang magsalita ako. "Anong oras ang out mo? It's Wednesday. Tutor day right?" Napakamot na lang ako sa batok nang makalimutang may tutor session pa pala mamaya. SInabi ko na lang na hanggang 7 ako para hindi matuloy kasi di pa ako ready. Kailangan ko pang maghanda kung paano ba talaga siya mapapaibig! Hello, nasaktan ako pero kailangan ko pa rin ituloy ang nasimulan na lalo pa't love na love ko siya. Tsaka namahinga lang ako saglit. Ngayon ay sisiguraduhin ko ng hindi siya makakatanggi sa akin. "I'll wait for you. I'll just text you kung saan kita hihintayin mamaya." ni hindi na niya ako pinasagot dahil umalis na siya at di na lumingon pa. Putik! Sira tuloy plano ko. Eh, hanggang 4 lang ako ngayon. Ting! May bright idea ako Napangiti na lang ako nang mapagtantong pwede na akong magready sa tatlong oras na wala naman akong gagawin bago mag7. Ayiiieeehehhaaaaah! Sisiguraduhin kong mapapasaakin na siya. Masaktan man ako ng paulit-ulit ay hindi ako susuko dahil siya lang ang makakapagpasaya sa akin siya lang ang laman ng puso ko. I smiled wickedly before I went to my next class. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD