IVLER could feel how heavy the atmosphere is around their house when he and Linus went in. Nakatayo ang kanyang ama habang nakatiklop ang mga braso, ang mukha ang halos hindi na talaga maipinta dala ng nakarating sa mga itong balita.
He wasn't surprise, though. He just... expected them to be at least more open-minded because he's family and he did everything he can to make them proud.
Hindi pa sila kaagad napansin ni Azul kung hindi ito tinapik ng asawang si Zaskia. Nang mabaling ang tingin ng kanyang daddy sa direksyon nila ni Linus, nakita niya kung papaano itong humugot ng matalim na hininga bago nagsalita sa tila hirap na tinig.
"I-Is it true that... you're in a... relationship?"
Ivler readied himself before he simply nodded. Iyon pa lamang ang nagiging tugon niya ay nawalan na ng lakas ang mga tuhod ng kanyang daddy. Muntik na itong matumba kung hindi naalalayan ng asawa na impit pang napatili sa gulat.
Sinubukang tumulong ni Ivler sa pag-alalay sa daddy niya ngunit hinawi siya nito na tila ba nandidiri sa kanya. Sumikip ang dibdib niya sa ginawa nito ngunit sa totoo lang ay matagal naman nang inaasahan ni Ivler na hindi magiging madali para sa pamilya niya ang lahat, lalo na para sa daddy niya.
Napahagod ito ng palad sa dibdib nang tuluyang makaupo kaya lalong ninerboys ang mommy niya.
"Manang! Pahingi ng tubig!"
Ivler's eyes soften when his dad dodged his gaze and looked at Linus as if he's disgusted with the both of them. Masakit para sa kanya bilang anak, ngunit mas masasaktan siya kung si Linus ang mas pandidirian ng pamilya niya.
Napatanong tuloy si Ivler sa kanyang isip. Bakit ang sarili pang mga kadugo ang madalas na hindi makatanggap sa mga tulad nila? Hindi ba ay kapag mahal mo ang isang tao, susuportahan mo siya sa kung anong makapagpapasaya sa kanya? Then why are there people like his own dad who seemed to hate his son's choices?
His mother looked at him and Linus before she sighed. "Sige na umupo muna kayo at mag-uusap tayo. Diyos ko, anak saan ba kami nagkulang ng daddy mo?"
Kumirot ang puso ni Ivler lalo nang makita kung papaanong yumuko si Linus sa hiya sa mommy niya. He knows Linus doesn't really care about himself, but Linus is clearly worried their relationship will affect his bond with his family. Lalo na ngayong ganito ang reaksyon ng parents niya.
He took in a sharp sigh then told Linus to sit. Nang makaupo sila sa sofa at nagtabi, napaigting ng panga ang kanyang ama na katatapos lamang uminom ng tubig.
"Kumalma ka, Azul. Hayaan mong magpaliwanag bago ka magalit," paalala ng kanyang ina.
His dad sighed. Hinagod nito ang mga palad sa magkabilang hita bago pinagsalikop ang mga palad, ang magkabilang siko ay sumangkal sa mga tuhod nito. "How did this happened?" Lumamig ang titig nito sa kanya. "Pinalaki ka namin nang maayos tapos ito ang igaganti mo, Ivler? Saan ako nagkulang sayo?"
Napalunok siya nang may namuong bara sa kanyang lalamunan. Nang ibubuka niya na ang bibig niya ay naunahan siya ni Linus.
"It's my fault, Sir."
Napabaling siya sa nobyo na matalim ding tinitigan ng kanyang ama, ngunit sa kabila ng galit na nakapinta sa mukha ng daddy niya ay hindi umiwas ng tingin si Linus.
His dad's eyes sharpened. "I'm not asking you."
"Daddy, please." He sighed. "Huwag niyo naman hong bastusin-"
"Why, Ivler? Did you even respect me when you decided to be..." His dad's teeth gritted. "I couldn't even say the f*****g word!"
"Azul!" sita ng kanyang mommy.
"Hindi ba totoo, Zaskia?! Nirespeto man lang ba nila ako bago nila pinili ito?" Nabaling sa kanya ang tingin nito saka siya dinuro. "What got inside your head, hmm? Ang ganda ng career mo, ang daming babaeng halos lumuhod at sambahin ka tapos ganito lang ang gagawin mo sa buhay mo?!" Tumingin ito kay Linus. "At ikaw? Wala ka man lang bang kahihiyan?!"
"Daddy, I swear we'll just leave if you will keep disrespecting Linus in front of me-"
"Really now, Ivler?" Inis na ngumisi ang kanyang daddy saka nito inigting ang panga. "Anong nangyari sa anak ko, hmm? 'Yan ba ang epekto ng pagiging bakla sayo?"
"Azul naman!" His mom tried to rub his dad's back. Mayamaya ay tumingin ito sa kanilang dalawa ni Linus. "Paano ba kasi nangyari 'to, Ivler? Bakit bigla na lang magugulat kami na lalake na ang karelasyon mo, anak? Hindi ka naman ganyan noon."
He tried to flash a slight smile at his mother. "I... found what you have, mommy... That's how it happened."
"Tanginang dahilan 'yan, Ivler. Hindi kita pinalaki para lang sayangin ang pagkakataon mong magkaroon ng maayos na kinabukasan, ng pamilya na makakasama mo oras na mawala na kami ng mommy mo!"
Lumamlam ang kanyang mga mata at ang dibdib niya ay sumikip nang husto. "I understand your frustration, dad. You raised me to the best that you can, and one of the most important principles you told me when kuya and I were younger, ay ang piliin namin ang taong alam naming araw-araw rin kaming pipiliin kahit na marami mang humadlang. I chose Linus... and I will keep choosing him, dad."
"You don't understand, Ivler." Kumuyom nang tuluyan ang mga kamao nito. "Alam mo ba kung anong mangyayari sa career mo, hmm? Your coach will kick you out of the team if you won't fix this mess. Paano kung temporary lang pala 'yang nararamdaman mo? Paano kung magising kayo isang araw na ayaw niyo na? Do you think it's gonna be easy for you to bounce back? No!"
Lumandas ang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi. "Did you... ever doubt your feelings with mom, dad? Did you ever worry that someday, you might wake up and realize that you don't want to be with her anymore?"
"Huwag mo kaming itulad ng mommy mo sayo, dahil kami ng mommy mo, babae at lalake."
His chest tightened as he laughed, a painful one. "So love is only valid when it's shared with the opposite s*x? Is that what you're trying to tell me, daddy?"
Mariing umigting ang panga ng kanyang ama. "Huwag mo kong pilosopohin. Sa mata ng madla at lalong-lalo ng Diyos, mali ang namamagitan sa inyo."
Ivler took in a sharp breath to ease the heaviness in his chest. "It may be wrong, but at least I know it's unconditional, dad."
Tuluyan itong napapikit at hinilamos ang mga palad sa mukha dala ng galit at frustration. Mayamaya ay humugot ito ng malalim na hininga.
"Fine. You wanna be stubborn? Sige, pagbibigyan kita, Ivler at hahayaan kitang madapa nang mag-isa nang matutunan mo ang leksyon mo." Tinuro nito si Linus. "You wanna keep this man? Then go ahead, but I don't wanna see your face as long as you're with him."
"A-Azul! Ano bang sinasabi mo sa anak mo?!"
"For once, let me decide by my own, Zaskia. Baka kaya nagkakaganito 'to dahil masyado akong maluwag bilang ama kaya sige, pagbibigyan ko nang matuto. Leave my property and don't ever come back unless you're back to your senses. I'll tell your coach that you refused to listen. Tignan natin kung hanggang saan ang itatagal ng tigas ng ulo mo, Ivler."
Linus drew in a sharp breath. "Please don't do this to your son, Sir." Malamlam ang mga mata nitong sinalubong ang tingin ng kanyang daddy. "You are his family. The first people who showed him what love is. You set the example for Ivler, so if you will do this to him, para niyo na rin hong ipinaramdam sa kanya na ang pag-ibig ay may limitasyon. Love shouldn't be this way, Sir. Mahal ho kayo ng anak ninyo at hindi ko intensyong masira kayo nang dahil sa relasyon namin... but if only you will give us a chance, I will prove to you that my love for your son is genuine and real..."
Napatitig ang kanyang daddy kay Linus habang nakaigting ang panga. "Is that your way of saying that you wouldn't break up with my son despite hearing everything he's gonna face once he will choose you, hmm?"
Linus' eyes soften. "I made an oath to Ivler, and I will never break that, Sir. I'll stand by him no matter what but I hope you will consider your decisions."
Dumilim lamang lalo ang ekspresyon ng kanyang ama. "That's it. Get the f**k out of my house. Both of you."
Humapdi ang mga mata ni Ivler, ngunit bago pa man siya maubusan ng lakas, niyaya niya na si Linus na umalis. Ramdam niya ang lalong pagtindi ng galit ng daddy niya sa ginawa niya dahil hindi nito inasahang papanindigan pa rin niya ang kanyang desisyon.
"Ivler!" singhal nito nang tuluyan nilang narating ni Linus ang pinto.
Tumigil sa paghakbang si Ivler at nilingon ang ama na namumula na ang mga mata habang malinaw na nakaguhit sa mukha ang tuminding galit.
"Huwag mo kong subukan. Oras na lumabas ka ng pintong 'yan at magmatigas, pasensyahan na tayo."
Ivler's eyes watered as he forced a broken smile at his parents. "I love you, dad. Thank you for raising a son who knows what unconditional love really means..." He entwined his fingers with Linus' before he took in a sharp breath. "This... I can't trade this for a good career and people's acceptance..."
Pumungay ang mga mata ni Linus at ang mga mata ay namula dahil sa kanyang sinabi kaya bago pa sila matalo ng kanilang mga emosyon, tuluyan na niyang ginawa ang kinatatakutan ng kanyang ama.
He chose Linus over his career and his dad's approval without second thoughts... and Ivler knew that it's the best decision he could ever make.