SUMINGHOT si Percy at pinunasan ang mga luha gamit ang laylayan ng damit nito. Hindi talaga napigilan ng alaga ni Ivler ang umiyak dahil sa nalamang pagkakatanggal niya sa Azkals. Palibhasa ay mahiyaing bata at sa kanila lamang ni Keison hindi natatakot, heto ito ngayon at panay ang pagpatak ng luha.
Alam naman niyang may halong personal na dahilan ang coach niya kaya siya pinapili. Siguradong nagalit din ito dahil nagwawala si Macey kaya lang ay buo na ang desisyon niya. Kung ang relasyon na nila ni Linus ang maisasangkalan, buong puso niyang tatanggapin ang desisyon ng mga itong alisin siya.
Tinapik niya ang balikat ni Percy. "Listen to me, Percy. I want you to take my place. Ikaw ang maging kadikit ni Keison."
Muli itong humikbi habang nakatitig sa kanya ang namumula nitong mga mata. "Paano ko gagawin 'yon, kuya Ivler kung wala ka na sa team? Ang dami ko pang kailangang matutunan sayo bago ko maabot ang lebel mo."
He tried to fake a smile. "I'm going to train you without them knowing. Hindi kita pababayaan. Hindi naman porke't wala na ako sa Azkals hindi na kita pwedeng tulungan."
"Pero iba pa rin kung isa ka sa players, kuya. Kausapin mo na lang si coach. Makiusap ka na lang."
Ivler gently squeezed Percy's shoulder. "Magtiwala ka lang sa'kin. Kahit wala ako sa field, kaya ninyo. Malaki ang paniniwala ko sayo kaya magtiwala ka rin sa kakayanan mo."
"Bakit ka ba kasi basta na lang tinanggal, kuya?"
Nagpakawala ng malalim na hininga si Ivler. "They uh... found out that I'm not straight. Ex ko ang anak ni coach at kung hindi ko hihiwalayan ang partner ko, hindi nila ako papayagang manatili sa team. Besides, the team is in so much trouble already. Kung puputok sa media ang tungkol sa current relationship ko habang nasa team pa ako, siguradong lalo lang malalagay sa alanganin ang team. Lahat kayo madadamay and I don't want that."
Percy sniffed. "Ang totoo matagal ko nang alam ang tungkol sayo, kuya. Ibig kong sabihin ay, ang hindi mo pagiging straight na lalake pero hindi naman ibig sabihin na hindi ka tunay na lalake ay hindi na ikaw ang kilalang Ivler Beckham na mahusay na manlalaro. Ikaw ang naging inspirasyon ko kaya lumakas lalo ang loob ko, kuya kasi kung ikaw ay kaya mo, kaya ko rin siguro."
Ivler's heart throbbed, his lips formed a genuine smile. "Of course you can. Our gender cannot define what we are capable of. It takes passion and motivation to become who we truly want to be in life. After all, this isn't the end of my journey, Percy. This is just a detour where I have to reassess how I want things to be in my life."
Malungkot itong ngumiti. "Gagawin ko lahat para maging proud ka sa'kin, kuya Ivler."
"I know you will, Percy."
Napatingin sila sa pinto ng locker nang pumasok ang ilan sa mga bagong player na imported ng kanilag coach. Nang makita sila ng mga ito ay kaagad na nagsingisi.
"Hey, Beckham. Wanna suck my d**k before you leave? Just a... little remembrance."
Nagtawanan ang mga kasamahan nito. Nang marinig ni Keison ang sinabi ng mga kasamahan ay ito pa ang naunang nag-amok kaya muntik nang mauwi sa suntukan kung hindi napigilan ni Ivler ang kaibigan.
"Tangina nitong mga 'to!" asik ni Keison.
Ivler looked at the guy who teased him before he smirked. "Little remembrance you said?" His lips stretched wider. "I'm proud of you for having the guts to admit that your wiener is little."
Ito naman ang tinawanan ng mga kasamahan kaya nang ang mga ito na ang nagtalo ay niyaya na niya sina Percy at Keison na umalis ng locker area.
NAGING mahirap para kina Ivler at Linus ang mga sumunod na buwan lalo na at kinailangan siyang muli para magpanggap na si Linel sa kampo ng mga kalaban. Kapag nabibigyan siya ng pagkakataong makauwi, sinisiguro niyang nakakagawa siya ng paraan upang suyuin ang mga magulang ni Ivler.
After picking up the ring his twin brother asked him to pick up for the proposal, Linus went to the sports center to visit Ivler's dad.
Dumiretso siya sa opisina nito at hinintay ang kausap na makaalis. Nang ito na lang ang maiwan sa loob ng opisina, tuluyang nagpakawala ng malalim na hininga si Linus saka siya pumasok.
Bitbit ang paboritong alak ng daddy ni Ivler, ngumiti si Linus at bahagyang tinungo ang ulo upang magbigay-galang. Matalim naman siyang tinitigan ni Azul Beckham habang nakaigting ang panga nito.
"Good afternoon, Sir. I brought you a little something from my last trip. Ivler mentioned you like this scotch—"
"Take your shitty ass out of my office. Ilang beses ko na bang sinabing huwag na huwag ka nang magpapakita pa?" galit nitong putol sa kanyang sinasabi ngunit ngumiti lamang nang matipid si Linus at inilapag pa rin ang bote ng alak sa mesa nito saka niya ibinulsa ang kanyang mga palad.
Sanay na sanay na siya sa masasakit na salita at paulit-ulit na pagsasabi nito sa kanyang kahit kailan ay hindi siya matatanggap para kay Ivler
"Ivler is doing fine but he misses you, Sir. He misses his mother's cooking."
"Then do my son a favor and break up with him. Kung talagang mahal mo ang anak ko, hinding-hindi mo hahayaang mawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan niya lalo na ang career na dugo't pawis niya ang pinuhunan niya para lang makuha."
Linus took in a sharp breath as he bowed his head. "I respect you a lot, Sir... but I could never break up with Ivler. He's the love of my life, Sir Azul and I made a promise to him that no matter what might come our way, mananatili kami sa tabi ng isa't isa. Hinding-hindi po ako mapapagod na kunin ang approval ninyo at ipakita na higit pa sa kahit ano ang pagmamahal ko para sa anak ninyo."
He flashed a smile and took out the polaroid shot of Ivler who's laughing while showing him the big fish they caught together. Iniwan niya iyon sa tabi ng bote ng alak bago siya muling humugot ng hininga.
"Take care of yourself, Sir. Ivler is worried about your health. Babalik na lang po ako sa susunod na araw."
Mariing lumapat ang mga labi nito sa isa't isa habang nanatili ang titig sa larawan ni Ivler. Hindi niya na ito hinintay pang magsalita. Lumabas siya ng opisina at umuwi na sa kanyang condo kung saan naabutan niya si Ivler na pinanonood ang replay ng laro ng Azkals. Sa kandungan nito ay ang bowl ng nachos.
Lumapit siya kay Ivler at hinalikan ito sa mga labi bago siya nakiagaw sa nachos nito.
Ivler looked at him with furrowed brows. "Where'd you go?"
Matipid siyang ngumiti saka ito sinubuan ng nachos. "Diyan lang." Tumingin siya sa screen ng malaking telebisyon nang ipakita ang close up shot ng player na si Percy matapos itong maka-goal. "You really did a great job. Look at him?"
Ivler flashed a proud smile. "That's what happens when perseverance and passion meet talent. He's a born contender. He's conquering the football world."
Linus slouched and leaned his head on Ivler. Inakbayan naman siya nito at hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo. "Look at his pink headband?" Natawa ito nang mahina. "People keep cheering the name his bullies used to call him."
Ngumisi si Linus saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Mayamaya ay pinatakan niya ng halik ang likod ng palad nito. "You changed that kid's life the moment you gave him a chance, Ivler. I will always be proud of you for that. Pag-uwi nila galing Brazil, isama natin mag-mountain climbing. Let's visit the falls you've been telling me last month."
"I'll tell Percy, love." Inalis nito ang bowl na kandong at nilapag sa coffee table. Kinuha niya naman ang pagkakataon upang mayakap ito nang mahigpit at malambing kaya ngumisi si Ivler.
"You've been acting like a baby these past few days, Linus. Are you gonna leave for another assignment?"
Umiling siya habang magkalapat ang nakakurbang mga labi at titig na titig sa asul na mga mata ni Ivler. "Wala naman. Gusto lang kitang lambingin." Dinampian niya ito ng magaang halik sa mga labi saka siya nagpakawala ng malalim na hininga. "I'm so blessed, Ivler. I'm so blessed that you're in my life."
Napakunot ito ng noo kahit nakangisi nang matipid. "You sound like you're about to leave me."
"Nah. I will never do that, love. You're stuck with me." Hinagod niya ang kanyang palad sa dibdib nito pababa sa tiyan at hita. "Let's make love before we go to Monte Costa. Baka mainggit lang ako kapag napanood ko ang proposal ni Linel kay Eline, maitakas kita ng bansa at pakasalan bago pa sila mauna."
Napansin niyang napawi ang kislap sa mga mata ni Ivler. Mayamaya ay napabuntong hininga ito.
"I don't know why the f**k do I have a bad feeling about this trip to Monte Costa, Linus. Ilang araw ko nang nararamdaman 'to kaya lang hindi naman pwedeng wala tayo sa proposal."
"You're probably just worried, Ivler. Wala naman sigurong masamang mangyayari mamaya dahil mahal naman nila ang isa't isa."
Lumunok ito at sandaling binasa ang ibabang labi, ang pangamba ay malinaw pa ring nakaukit sa asul nitong mga mata. "Siguro nga."
"Huwag ka nang mag-alala. Everything's going to be alright." He cupped Ivler's face and kissed him on his lips tenderly before he spoke again. "Mahal na mahal kita, Ivler. I can't wait to spend my whole life with you..."
Ivler drew in a sharp breath. "Me, too love so don't ever leave me."
His thumb gently caressed Ivler's jaw. "Never..."