ANGEL’S POV Hindi ko maintindihan si Mommy at Daddy sa ginagawa nila. Minsan gusto ko nalang na tumakas at pumunta sa isang malayong lugar. Hindi ko nga alam na mero’n akong fiancé na gaya ng lalakeng ito. Ngayon ko lang nalaman at hindi ko alam kung may kawala pa ako. Habang abala silang nagkukuwentuhan ay hindi ko maiwasan ang hindi tumingin kay Calli dahil parang feeling ko kanina pa nya ako tinitignan. Paraang hindi nya inaalis ang tingin sa ‘kin at naiilang ako sa ginagawa nya. “Masyado ba akong maganda?” mataray na sabi ko at saka sya tumawa. “Oo,” sagot naman nito na syang ikinabilis ng t***k ng puso ko. Napakagat ako ng labi ko sa ginawa nya at hindi ako inaasahana iyon ang isasagot nya kaya naman hindi rin ako makatiis at nagpaalam na aalis muna at pupuntang bany

