ANGELA’S POV Hindi ko alam bakit hindi magawang manahimik muna ni Sedit ng kahit na saglit lang, e. Ang hindi ko rin maintindihan ay talagang ako lang ang puntirya nya at hindi nya ako kayang tantanan man lang kahit na saglit lang. Hindi ba sya nagsasawa sa mukha ko ang laging nakikita? Alam naman nyang hindi nya ako p’wedeng patayin dahil kapag nangyare ‘yon mas mananagot sya kaysa sa anak nya. “May panauhin pala ako?” sambit nito at saka nya ako tinignan ng nakangisi at saka sya tumingin sa anak nya ng seryoso. Demonyo nga talaga sya. Tinignan ko si Callifer at saka ako tumingin sa bata na no’n ay tila takot na takot kay Sedit. Mula sa likuran nya ay may lumitaw na iba pang bata na syang ikinagulat ko at hindi ko inasahan. May mga bata pa siyang kinuha at alam nya talaga pa

