***THE UNTOLD STORY*** ***Year 2014*** Ang mga nangyayare sa mundo ay hindi lamang likha ng isip ng tao kung hindi isa itong makatotohanan na dala ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mga tao. Habang naglalakad ako papuntang school ay naiisip ko ang kung ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng isang tahimik at payapang lugar o mundo? Iyon bang wala kang kaaway pagkagising mo sa umaga o kaya naman ay kinamumuhiang tao. Iyon bang masaya lang at hindi nagkakaroon ng mga tampuhan o ano mang problema. “Hoy tulala ka naman,” sita ni Rena sa ‘kin. “Anong iniisip mo?” tanong naman ni Anie. “Wala naman,” sagot ko at saka ako tumingala sa kaulapan. “Iniisip ko kung totoo ang mga anghel,” saad ko na syang ikinakunot nila ng noo. “Totoo ang mga anghel. Sa bib

