LOUIE’S POV Papunta ako ngayon sa angels dormitory para kamustahin si Janne sa lagay nya. Bilang isang kaibigan ay hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa kanya at alam kong inaalagaan naman sya ni Angelo. Hindi ako makapaniwala na mero’n pala syang gusto kay Janne at inaamin kong nagulat ako sa pangyayare. Ang totoo nyan ay wala naman akong ibang nararamdaman kay Janne pero mahal ko sya as a friend. Masyadong naging padalos-dalos si Death sa mga nangyare. Tuloy ay may trauma na ngayon si Janne lalo na minsan akala nya si Death ang haahawak sa kanya at bigla na lang syang uupo at nilalagay ang kamay sa kanyang kainga at yayakapin ang sarili. “Sa’n ang punta mo?” tanong ni Hazel ng makasalubong ko sya. “Kay Janne,” sagot ko naman at dumeretso na. “Wala sya d’yan,” sabi

