ANGEL’S POV Nagising ako at naramdaman ko na parang may dumidila sa ‘kin kaya naman ng tignan ko ay nakita ko si Demi na no’n ay nasa tabi ko na pala. Tumingin ako sa buong paligid at saka ako tumayo at umalis na ng secret room. Napahawak ako sa ulo ko at saka ako napatingin sa sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung anong nangare kanina at wala akong maalala bukod sa balahibo na nakita ko. “Masyado lang ata akong pagod?” takang sambit ko sa sarili ko. Tumingin ako sa labas at gabi na rin pala. Lumabas ako ng k’warto at naisipan kong bumaba para kumain sana pero napahinto ako ng makita ko ang isang lalakeng hindi ko alam na kabilang sa pamilya namin. Nangunot ang noo ko sa kanya at saka ako tumingin sa buog paligid at nakita ko si Mommy at Daddy na no’n ay nakangiti sa ‘min

