Chapter 80 BEVERLY… “WHAT really happened to Calixtro?” Hindi kami nakapag-usap nang matino ni Calix. Kaya ang mabuti na makausap ko ngayon itong kapatid ni Calix. Si Cameron. Matapos Kong makausap si Calix, kinatagpo ko agad si Cameron na kasama ang anak at kapatid ko. Ngayon nasa isang restaurant kami, dito ko na sila nakita. My son looks so entertained while he’s with his two uncles. Hindi ko kababakasan na naiinip siya na kasama ang dalawa. “He’s crazy,” plain and simple na sagot ni Cameron. “Naiinis ako, hindi ganoon si Calix ko noon. He’s fine and mentally healthy, anong ginawa ninyo sa kaniya?” Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cameron. “He’s really not fine, bata pa lang siya pansin na namin na may iba sa kaniya. He’s kind a savage you know, I remember bini

