Chapter 11.a

1117 Words
Zhairy Jhem X. Mirchovich's Pov   "Mag-transfer kayo sa Royal University." sabi ni Daddy na pareho naming ikinagulat ni Mommy.   "Dad? Seryoso? Hahayaan mo kaming mag-transfer sa school na iyon?"   Tumango siya. "Kilala ko kayong lahat at nasisiguro kong hindi kayo titigil hangga't hindi nyo nagagawa ang gusto nyo kaya kaysa pumuslit ay hahayaan ko kayong mag-enroll doon. Royal blood kayong lahat kaya walang sinuman ang magtatangkang manakit sa inyo pagpasok doon. At kapag nasa loob na kayo, magagawa nyong maprotektahan ang kapatid ni Rachelle."   "Kapag nag-transfer ang isa, siguradong susunod ang buong barkada nila." sabi ni Mommy.   "Mas mabuti na din iyon nang maiiwas natin sina Kheina at Aquary sa gulong nangyari sa Hanley Academy." ani Daddy tsaka tumingin kay Mommy. "You know that, right? Kaya sila nasaktan dahil hindi nila magawang lumaban kahit gusto nila. Pinahahalagahan nila ang pangalan ng eskwelahan ni Maize kaya hindi sila gumagawa ng gulong ito at sinasamantala naman iyon ng iba kaya sila ang nasasaktan. Kung lilipat sila sa Royal University at may magtatangkang manakit sa kanila, malaya nilang maipagtatanggol ang sarili nila dahil normal na iyon doon. Hindi naman iyon tulad ng Hellion Academy kaya mapapanatag pa din tayong magiging maayos lang sila sa loob nito."   "Hindi ka ba nag-aalala sa mga iyan?"   "Malalaki na sila, Gem. At kung may mangyari mang masama habang nasa loob sila, hindi naman natin sila pababayaan." paliwanag pa nito. "Oo, hindi tayo pwedeng makialam sa rules ng RU pero oras na sila mismo ang lumabag sa rules nila then, mabibigyan tayo ng karapatan para makialam."   Tumangu-tango si Mommy tsaka tumingin sa akin. "What do you think?"   "I agree on Dad." mabilis kong sagot. Aba, iyon lang ang nag-iisang paraan para hayaan kami ni Daddy na gawin ang gusto namin kaya bakit pa ako tatanggi. "Isa pa, Mom. Hindi ba, ang Royal University ay may mga subject na syang mag-eenhance sa specific ability namin? At mas advance ang learning system nila doon kaya malaking advantage na din sa amin ang pagpasok doon."   "You're right pero aaminin kong kinakabahan ako sa ideyang iyan." aniya tsaka bumuntong hininga. "O baka dahil boarding school iyon at ito ang unang beses na mapapalayo kayo sa amin."   "Aww." Lumapit ako kay Mommy at niyakap sya. "Mom, malalaki na kami kaya hindi mo na kailangang mag-alala. Isa pa, hindi ba't kailangan din naming matutong tumayo sa sarili naming paa. Hindi iyong lagi kaming umaasa sa inyo."   "Kung magsalita ka dyan, para kang mag-aasawa na." natatawa nyang sabi.   Mabilis akong kumalas ng yakap sa kanya at niyakap sa sarili ko. "Mom! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Bente anyos palang ako at wala pa sa plano ko ang pag-aasawa." Aba, wala pa nga akong nagiging girlfriend dahil-- ahm, alam nyo na kung bakit, right?   Natawa sila sa reaksyon ko. "Fine. Payag na ako at ako na ang magpapaliwanag sa mga Tito at Tita mo." sabi ni Mommy. "Ikaw na ang magsabi sa barkada mo."   "Oh yes." Napatalon ako sa tuwa tsaka hinalikan sa pisngi si Mommy. Kahit kailan talaga, hindi nila kami binibigo. "Thanks, Dad." Niyakap ko din si Daddy.   "Mag-iingat lang kayo doon."   "Yes, Dad." I tapped their shoulder tsaka ako tumakbo paakyat para ibalita kina Kuya Zhaiken at Zhairell ang napag-usapan namin nila Mommy at Daddy.   Wait for us, Royal University.   **********   Jino Sun Shiraishi's Pov (Royal University's Director)   "I didn't expect na problema ang unang sasalubong sa akin pagbalik ko mula sa dalawang buwag bakasyon." dismayado kong sabi sa mga taong pinag-iwanan ko ng eskwelahan ko. "Iisang estudyante lang ang nakatakas, hindi nyo pa naasikaso nang hindi nagdadagdag ng panibagong problema?"   "I'm sorry, Jin." sambit ni Xemalyn Mirc, ang Commander ng Royal Guards at kanang kamay ko dito sa loob ng Royal University. "Alam mo naman na kapag wala ka dito, may isa sa quadrupltes na iyan ang hindi matahimik kaya mag-isang nagdedesisyon." Binigyan niya ng masamang tingin si North na hindi magawang makatingin sa akin tsaka muling bumaling sa akin. "Tsaka nagawan ko na naman ng paraan kaya mananatiling safe ang RU mula sa kanila."   "Are you sure?" tanong ko. "Alam mong hindi madaling kalaban ang Chess kaya kung sila mismo ang susugod sa atin ay hindi na nakakapagtakang mawasak nga ang buong school."   "Yeah, I'm sure. Hindi sila gagawa ng kahit anong ikasisira ng school." sigurado nyang sabi.   Tumangu-tango ako. "Good. Ako nang bahala sa iba at asikasuhin nyo nalang ang mga parating na shipments."   "Okay." Lumabas na sila ng opisina ko.   Tsk. Hindi mapagkakailang mga bata pa din sila mag-isip kaya hindi na dapat ako magtaka sa mga ganitong pangyayari kung saan papalpak sila habang wala ako.   "I don't know if it's bad news or good news for you pero mukhang may nangangahas makialam sa pamamalakad ng school." sambit ng isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Kasalukuyan siyang nakasandal sa pader na 'di kalayuan sa bintana kung saan natatanaw niya ang maliwanag na buwan sa kalangitan.   Tumitig ako sa basong hawak ko na may lamang alak. "Hindi na nakakapagtaka para sa mga tulad nila ang makialam sa mga bagay na wala namang kinalaman sa kanila. At isang malaking halimbawa na lamang ang nangyari sa Shiganshina City na ikinasawi ng buong angkan na pinanggalingan ng aking ama." Isa-isa kong binuklat ang mga folder na nakapatong sa mesa ko at pinakatitigan ang mga picture na naroon.   "Anong plano mo ngayon? Hahayaan mo bang makapasok ang mga iyon dito?" Ibinaling na nya nag tingin sa akin.   Inubos ko muna ang alak sa baso ko tsaka tumayo bitbit ang isang folder na naglalaman ng ilang impormasyon tungkol sa mga taong kinasusuklaman ko. Lumapit ako sa fire place at itinapon ang lahat ng ito sa naglalagablab na apoy. "Isang magandang pagkakataon ito para maisagawa ang plano kong paghihiganti. Sila na mismo ang lumapit sa akin at nakikialam sa eskwelahan ko. Kung kaya't makikialam din ako sa buhay nila.   Nakita ko ang pagsilay ng mala-demonyong ngiti sa kanyang labi. "Gusto ko iyang iniisip mo. Pwede ba akong makisali dyan."   "Do whatever you want. Siguraduhin mo lang na hindi ka makakasagabal sa mga plano ko."   Nag-inat sya. "Para namang magiging sagabal ako." aniya. "This will be the most exciting school year."   "Call them now. We need to finalize the whole plan."   Nag-salute siya sa akin tsaka lumabas ng office ko.   Bumalik naman ako sa mesa ko at naupo sa swivel chair tsaka ko kinuha ang maliliit na piyesa ng board game na chess na nakapatong sa mesa. "Hindi madaling kalabanin ang mga Chess pero mukhang nakatadhanang magtagpo ang landas namin ng mga anak nila. At dahil hindi ko kayang labanan ang mga magulang, sa mga anak ako gaganti."   Pahihirapan ko silang lahat at sisiguraduhin dadanak ang dugo nila sa lupain ng eskwelahang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD