Chapter 12.b

1008 Words
Marien Helca L. Arai's Pov   "Tell me, kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga nakakasalubong natin, right?" bulong ko kay Ciela na siyang kasama ko ngayon. Magkakaiba kasi kami ng course kaya magkakaiba din ang schedule namin at sa mga oras na ito, si Ciela palang ang walang klase. "Ganoon ba ako kaganda para pakatitigan nila ng ganyan?"   "Alam mo, Helca. Bilib din talaga ako sa taas ng self confidence mo eh." naiiling niyang sabi na ikinasimangot ko. Badtrip talaga itong pinsan ko kahit kailan. Bakit ba hindi nalang niya suportahan ang kagandahan ko. Tsk. "Anyway, as for your question. Tinitingnan ka nila dahil dyan kay Sharp na hindi mo maiwan-iwan."   Tiningnan ko naman si Sharp, ang alaga kong baby tiger, na nakalabas na pala ang ulo sa bag ko. "Aww. Naku-cute-an sila kay Baby Sharp ko?" Well, I know it is kind of weird but a baby tiger is really cute that's why I insist to my mom on getting one.   "Nah. Nawi-wirduhan sila sayo kasi bihira lang naman sa isang babae ang magkaroon ng ganyang alaga."   "Bakit? Anong masama kung mag-alaga ako ng ganito." Inirapan ko siya tsaka hinimas ang ulo ng baby ko. "Ang cute kaya nila lalo na kapag lumaki."   "Oo, tapos sila mismo ang kakain sayo." ismid pa niya na hindi ko na pinansin. Haters kasi ang babaeng iyan ng mga cute creatures kaya ganyan siya sa baby ko.   "Anyway. Hindi ko pa din maintindihan iyong limang class na pagpipilian natin as extra activity." aniya tsaka hinila ako at naupo kami sa isang bench na nandito sa gilid ng field.   "Iyang limang class na iyan ang tutulong sayo para ma-enhance ng particular ability mo when it comes on fighting." sabi ko. "Dyan ituturo ang mga fighting stance at iba't-ibang way sa paggamit ng weapon. Tulad ko, mas napagtuunan ko ang paghawak ng baril kaya Gunslinger Class ang pipiliin ko habang ikaw naman ay magaling sa mga kutsilyo kaya mas maganda kung Ninja Class ang pipiliin mo."   May limang class kasi ang RU para sa extra activities na required pag-aralan ng lahat ng estudyante pero malaya naman silang pipili sa kung anong gusto nilang class at ibabase nila iyon sa kung ano ba ang kakayahan nila.   Ang unang class ay ang Warrior Class kung saan ine-enhance ang fighting ability gamit ang sword at katana.   Second ay ang Hunter Class na ine-enhance ang ability para sa paggamit ng bow and arrow.   Third, ang Gunslinger Class na ine-enhance ang ability sa paggamit ng kahit anong klaseng baril.    Fourth, ang Ninja Class na ine-enhance ang speed ability at ang paggamit sa mga shurikens, dagger at iba pang maliliit na metal blades.   At ang huli ay ang Martial Arts Class kung saan ine-enhance ang fighting ability without using any kinds of weapon.   "So, kahit sa extra activities, hindi natin makakasama ang ibang barkada." aniya na tinanguan ko. "Anong class kaya ang pipiliin ni Jhem?"   "Bakit? Susundan mo siya sa kung anong class ang pipiliin niya?"   "Hindi ah!" mabilis niyang tanggi pero hindi naman makatingin sa akin ng diretso kaya inis kong hinila ang buhok niya. "Aray! Masakit iyon."   "At masasaktan ka pa lalo sa akin kapag hindi mo itinigil ang kahibangan mo!" singhal ko sa kanya. "Pumasok tayo dito para sa dalawang dahilan na huwag mong kakalimutan. Una, para hanapin at protektahan ang kapatid ni Rachelle. Pangalawa, para mag-aral kaya tigilan mo iyang kaharutan mo. Hindi kayo pwede ni Zhairy."   Napasimangot siya. "Ang sakit mo magsalita." Inirapan niya ako tsaka bumuntong hininga. "Alam ko namang hindi talaga kami pwede ni Jhem pero syempre, gusto ko pa din siyang makasama hanggang sa kusang mag-fade itong nararamdaman ko para sa kanya."   "At sino bang dahilan kaya iniiwasan ka na niya ngayon?" sarkastiko kong tanong sa kanya na ikinasama ng tingin niya sa akin. "Ay nako. Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo, Ciela Trishelle. Isusumubong kita kay Tito Tristan kapag hindi ka nagtino dito."   "Hindi ako pagagalitan ni Daddy noh."   "Oh? Eh 'di kay Tita Euren nalang para ipatapon ka niya sa Canada tulad ng ginawa sa kanya ni Tita Zaire noong siya ang pasaway." Tinawanan ko pa siya nang makita ang pagngiwi niya nang mabanggit ko ang Canada.   Noong bata pa kasi sila ni Cielo ay doon sila tumira at nabanggit niya kung gaano ka-boring kaya ipinangako niyang hindi na siya babalik doon. At iyon ang madalas ipanakot sa kanya ni Tita Euren kapag nagpapasaway siya.   "Oh siya. Maiwan na muna kita dito at kailangan ko munang ipasyal ang baby ko." Pinisil ko ang pisngi niya tsaka tumakbo palayo sa kanya. Aba, gumaganti ang lokang iyon kapag pisngi na niya ang pinagdidiskitahan.   Tinahak ko ang daan papunta sa likod ng gym since iyon ang pinakamalapit. May space kasi doon na pwedeng paglaruan ni Bay Sharp at malilim din doon dahil may matataas na puno.   Sakto din namang hindi iyon pinupuntahan ng ibang estudyante kaya nang makarating ako dito ay agad kong ibinaba ang alaga ko.   Isinuot ko sa kanya ang isang black collar tsaka inilabas ang whistle. Well trained din naman ang baby ko at kapag naririnig niya ang tunog nito ay lumalapit siya sa akin kaya madalas ko siyang hinahayaang magpagala-gala ng mga ilang minuto.   "Baby, huwag kang masyadong lalayo, huh." bilin ko kay Shark habang hinihimas ang ulo nito. "Hindi pa natin kabisado ang buong school kaya huwag pasaway."   Tumingin ito sa akin tsaka dinilaan ang kamay ko.   "Sige na. Maglaro ka muna." Isinabit ko muna ang mga gamit ko sa isang hindi kataasang puno tsaka ako naupo sa damuhan habang si Shark ay nagsimula nang maglakad-lakad.   At ang plano ko sanang pagpapahinga ay naantala nang maramdaman ko ang paglapit ng isang matalim na bagay sa akin. Plano ko sana itong saluhin, tutal kaya ko naman pero bago pa ako makakilos ay may isang lalaki ang dumating at humarang sa harap ko tsaka nito walang hirap na sinalo ang kutsilyong tatama sana sa akin.   Akala ko kung sinong r-blood lang ito at akma ko na sanang pasasalamatan pero hindi ko na itinuloy nang makita ang mukha niya.   "Luci!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD