Prologue

297 Words
"Mukhang may nangangahas makialam sa pamamalakad ng school." Sambit ng isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Kasalukuyan syang nakasandal sa pader na 'di kalayuan sa bintana kung saan natatanaw nya ang maliwanag na buwan sa kalangitan.   Tumitig ako sa basong hawak ko na may lamang alak. "Hindi na nakakapagtaka para sa mga tulad nila ang makialam sa mga bagay na wala namang kinalaman sa kanila. At isang malaking halimbawa na lamang ang nangyari sa Shiganshina City na ikinasawi ng buong angkan na pinanggalingan ng aking ama."   "Anong plano mo ngayon? Hahayaan mo bang makapasok ang mga iyon dito?" Ibinaling na nya nag tingin sa akin.   Inubos ko muna ang alak sa baso ko tsaka tumayo bitbit ang isang folder na naglalaman ng ilang impormasyon tungkol sa mga taong kinasusuklaman ko. Lumapit ako sa fire place at itinapon ang lahat ng ito sa naglalagablab na apoy. "Isang magandang pagkakataon ito para maisagawa ang plano kong paghihiganti. Sila na mismo ang lumapit sa akin at nakikialam sa eskwelahan ko. Kung kaya't makikialam din ako sa buhay nila.   Nakita ko ang pagsilay ng mala-demonyong ngiti sa kanyang labi. "Gusto ko yang iniisip mo. Pwede ba akong makisali dyan."   "Do whatever you want. Siguraduhin mo lang na hindi ka makakasagabal sa mga plano ko."   Nag-inat siya. "Para namang magiging sagabal ako." Aniya. "This will be the most exciting school year."   "Call them now. We need to finalize the whole plan."   Nag-salute siya sa akin tsaka lumabas ng office ko.   Bumalik naman ako sa mesa ko at naupo sa swivel chair tsaka ko kinuha ang maliliit na piyesa ng board game na chess na nakapatong sa mesa. "Nakatadhana nga namang magtagpo ang landas namin ng mga anak nyo, Chess Members."   Sisiguraduhin kong dadanak ang dugo nilang lahat sa lupain ng eskwelahang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD