Chapter 3- Encounter

1630 Words
Lanie's Pov: "Come here, Ms. Inocencio. Introduce yourself." Marahang tawag sa akin ni Sir Liam. Kagat-kagat ang labing pumasok ako sa classroom at lumapit sa kanya. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang foreign policy na umiiral dito. I released a sigh. "Good Morning. I'm Maelanie Inocenio. I came from Vienna Academy." "Oh!" Chorus na sabi ng mga bagong kaklase ko. Ito ang magiging classroom ko sa buong semester pero ang ilan sa mga nandito ngayon ay hindi ko magiging kaklase sa ilang subjects ko. Ganundin sina Rona, sa unang subject ko lang sila kaklase. Nasabi din kasi sa akin nina Rona na dito sa Saint Augustine ay pinapayagan ang mga estudyante na mag-explore. Ganundin sa pagkuha ng mga subjects, academics man iyon o iba. Pero naka-fixed na iyon sa schedule ng mga estudyante na inaayos bago magsimula ang bawat semester. "Sir!" Napatingin kaming lahat sa lalaking nagtaas ng kamay. "Yes, Mr. Sevilla?" Sir Liam asked. "Her rank?" "Oo nga! Magiging dahilan ba s'ya ng pagbaba o pagtaas ng rank namin?" Segunda ng babaeng may makurbang kilay. Pinigilan kong mapangiwi sa narinig. Well, policy lang ang kakaiba dito. Dahil meron pa ding competition sa grades and rank. Kahit paano ay normal naman pala ang school na 'to. "She's on top of her class in Vienna." Nang-aasar ang ngiting sabi ni Sir Liam. "Ay!" Kulang na lang ay magwala ang iba. Ang iba naman ay parang iisang taong tumingin sa may bintana. "Whoa! Interesting!" "Two number one." Nang sundan ko ang tinitingnan nila ay nakita ko si Yshmael. Naka-crossed arm lang s'ya habang nakatingin sa labas ng bintana. Walang pakialam sa mga nangyayari. "Maupo ka na Maelanie." Tinanguan ako ni Sir Liam at itinuro ang bakanteng upuan na nasa tabi din ng bintana. Okay na sana dahil gusto ko talaga ang pwesto, iyon nga lang, nasa unahan 'yon ni Yshmael. At ayoko mang aminin ay may kakaiba sa lalaki na pinangingilagan ko. Tahimik na umupo ako at ni hindi ko na s'ya tiningnan. Nagsimula na ding magklase si Sir Liam. Nakinig na lang ako sa sinasabi n'yo tungkol sa Conspiracy Theory. May kalahating oras din na nagpapaliwanag si Sir tungkol doon bago may muling kumatok sa pintuan. Bumungad doon ang isang babaeng propesor. Lumapit sa kanya si Sir at may sinabi sa kanya ang babae bago iyon umalis. "Class..." Sir Liam tapped the table. "May biglaang meeting ang faculty. Mag-self study kayo. Malapit na ang mock exam n'yo. Kinakailangang mataas ang makuha n'yo doon para maipasa n'yo ang semester na ito. Ayoko din ng pakalat-kalat kayo sa hallway sa oras ng klase. You can stay here or in library." Iyon lang at lumabas na s'ya. Naiwang nagrereklamo ang iba, ang iba naman ay kanya-kanyang buklat ng aklat. Agad namang lumapit sa akin sina Jasleene pagkaalis ni Sir. "Girl, punta lang kaming library." Sabi pa n'ya at itinuro si Lovely. "Magbuburo naman ako sa laboratory." Nakangusong sabi naman ni Rona at nagsuot ng salamin. Tinanguan ko na lang sila at muli kong hinarap ang aklat. Ilan pang kaklase namin ang nagdesisyong lumabas ng classroom. Lahat sila ay may dalang makakapal na aklat at iilan lang kaming natira dito. Tough competition. Napatingin ako sa whiteboard. Sa gilid niyon ay may nakasulat na date which is sa katapusan na at sa ibaba noon ay ang Mock Exam. "Mock Exam? Hays..." Wala sa sariling napasandal ako sa upuan ko. Kaka-transfer ko pa lang pero exam na agad. Mukhang wala akong magagawa kundi maghabol sa mga lessons nila. Lalo na't baka iba ang pinag-aaralan nila dito o baka mas advance. Okay sana kung late, pero malaking problema kung advance na sila sa mga lessons dito. Napahawak ako sa sentido ko. Sa ngayon, lalayo muna ako sa Deep diving. Lalo na't patapos na ang semester. Wala ng isang buwan kaya maghahabol talaga ako kung ayaw kong pulutin sa kangkungan. Kumilos ako para tumayo nang bigla na lang may marinig akong parang nag-c***k. Napahigpit ang kapit ko sa upuan ko. Nakatagilid ako kaya kitang-kita ko kung paanong mula sa binabasang aklat ay nagtaas ng tingin si Yshmael. Nagkatinginan kami kasabay ng muling pag-ingit ng upuan ko. "Don't." Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin n'ya nang bigla na lang bumigay ang upuan ko. Napatili na lang ako nang bumagsak ako sa sahig kasama ang upuan. Dadagan din sana sa akin ang desk na nahawakan ko kundi lang mabilis na nahawakan iyon ni Yshmael. "Ouch!" Daing ko nang hindi ko maikilos ang paa ko. Mukhang na-sprain iyon dahil sa masamang pagkakabagsak ko. "Hey! Okay ka lang?" Kalvin approached me. Pinulot din n'ya ang mga gamit kong nahulog at inilagay iyon sa bag ko. Marahang tumango ako sa lalaki at sinubukan kong tumayo ulit pero di ko talaga kaya. Kumikirot ang paa ko na bahagyang namumula na. "Klutz." Rinig kong sabi ni Yshmael bago lumuhod sa harapan ko. Ininspeksyon n'ya ang paa ko bago ipinaikot doon ang puting panyo. "What?" Asik nya sa akin nang makitang nakatitig ako sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita at itinuon ang atensyon ko sa ibang bagay. Muli s'yang kumilos at akala ko nga ay aalis na s'ya pero mas lumapit s'ya sa akin at bago pa ako makapagtanong ay binuhat na n'ya ako. "Whoa!" Kunwaring shock na sabi pa ni Kalvin. Exaggerated din ang pagkakanganga n'ya. Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko lalo na nang pagtinginan din kami ng ilan pa naming kaklase. "P-Put me down.." Hindi makatinging sabi ko kay Yshmael. Tiningnan n'ya lang ako bago bumaling sa kaibigan. "Ikaw na ang bahala sa gamit nya Kal." Agad na tumango si Kalvin at sumaludo pa kay Yshmael habang nakangisi. Iyon lang at walang pakialam na lumabas ang lalaki habang buhat- buhat ako. "Yshmael..." Muling kuha ko sa atensyon n'ya. Kunot-noong tumitig naman s'ya sa akin kaya muli akong napaiwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang tingnan ng matagal ang mga mata n'ya. Kasing-itim at kasinglalim iyon ng gabi. Nakaka-hipnotismo. "Put me down." Muling sabi ko. Kulang na lang ay isubsob ko ang mukha ko sa dibdib n'ya dahil sa hiya. May pailan-ilang kasing estudyante ang nakakalat sa hallway at pinagtitinginan kami. Ni hindi s'ya sumagot bagkus ay nagpatuloy kamang sa paglalakad hanggang makalabas kami ng building. Ni hindi ko din s'ya narinig na nagreklamo sa bigat ko hanggang sa makarating kami sa clinic. "Yshmael!" Gulat na bati sa kanya ng school nurse na mukhang lalabas pa lang. Yumukod lang s'ya sa nurse at iniupo ako sa pinakamalapit na kama. "Na-sprain ang paa n'ya, Ms. Lia. Namamaga na din." Sabi pa n'ya at tinanggal ang panyong nakabalot sa paa ko. Agad na lumapit sa akin si Ms. Lia at tiningnan ang paa ko. Muli s'yang tumayo at may kinuha bago bumalik sa amin. "Pasensya na Yshmael, pero kailangan kong um-attend ng faculty meeting." Problemadong sabi n'ya at iniabot kay Yshmael ang hawak na ice pack. Tipid na ngumiti ang lalaki at inabot iyon. "It's okay Ms. Lia. Kasalanan naman n'ya kaya s'ya nasaktan." Tiningnan n'ya pa ako at tinaasan ng kilay. Inirapan ko na lang s'ya. Kundi lang talaga kumikirot ang paa ko ay nasipa ko na s'ya. "Lagyan mo na lang ng ice pack ang paa n'ya para mabawasan ang pamamaga. Pero huwag lalampas ng labinlimang minuto. Then, lagyan mo ng bandage ang area na na-sprain." Bilin ni Ms. Lia at hinarap ako. "Huwag kang masyadong magkikilos para hindi lumala ang injury mo. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sir Liam sa nangyari para i-excuse ka n'ya sa klase. After this, manatili ka na lang muna sa dorm n'yo." Tumango na lang ako. Tinapik pa n'ya ang balikat ko bago lumabas. I sighed. First day of school pero minalas na agad ako. Unang-una, may mock exam agad. Pangalawa, na-injured ako. Partida, hindi pa ako nagtatagal ng kalahating araw sa klase. Napapangusong inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng clinic."Hindi 'ata to napa-bless-an eh!" Nakita ko pa ang pag-iling-iling ni Yshmael bago umupo. Itinaas n'ya ang paa ko at sinimulang dampian ng ice pack. Pinigilan kong mapangiwi nang maramdaman ang kirot sa tuwing lalapat sa paa ko ang malamig na bagay na iyon. Ilang minuto din n'yang ginawa iyon at gusto ko na ngang maniwala sa sinasabi nina Rona. Taong yelo nga yata ang lalaki dahil hindi man lang nagsasalita. Pinindot n'ya ang relo n'ya nang tumunog iyon. Binitiwan din n'ya ang hawak na ice pack at sinimulang balutin ng bandage ang paa ko. "Thank you." Sinserong sabi ko. Katulad kanina ay tiningnan n'ya lang ako. Napakunot pa ang noo ko nang muli s'yang lumapit sa akin. "Uy teka... Bakit?" Kabadong napausog ako palayo. I heard him chuckle. "Wheelchair o ako?" Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. "Ano?" Nakukunsuming tiningnan n'ya ako. "Look here, Miss. Narinig mo naman yata ang sinabi ng nurse na manatili ka muna sa dorm at huwag mong pwe-pwersahin ang paa mo para hindi lumala. Alam ko ding hindi mo kayang maglakad pabalik sa dorm. So mamili ka. Bubuhatin kita pabalik sa dorm o kaya naman ay ikukuha kita ng wheel chair at ikaw na mismo ang magpagulong doon pabalik sa dorm. Choose." Hindi ko napigilang hindi s'ya tingnan ng masama. "Asshole." Muntik na akong matulala nang gumuhit sa labi n'ya ang matipid na ngiti. Bago walang babalang binuhat ulit ako. Napatili na lang ako sa pagkabigla. "Wag kang sumigaw. Bukod sa masakit sa tenga, akalain pa nilang may ginagawa akong masama sa'yo. Hindi kita type." Supladong sabi n'ya na ikinairita ko. Damn this jerk heir! ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD