Chapter 8

1302 Words
Dahil nga sa ginawa kung cupcakes kaya naging suki ko na sila kuya ng mga cupcakes tuwing gusto ng mommy niya o wife niya. Isang araw may bisita ako sa shop.walang iba kundi ang hipag ko.niyaya niya akong sumama sa bahay nila,buntis kaya di ko matanggihan. Nagulat pa ako dahil nong dumating kami ang laki ang ganda ng bahay.hala baka andito si John kaya yong kaba ko di ko talaga mapigilan. “Halika Eloisa,sa pool area tayo dahil presko doon” hila niya sakin. “Grabi ang laki pala ng bahay mo sharon” ani ko na ginagala ang paningin. “Hindi ko ito bahay kundi bahay nila mommy, hi mommy siya po pala yong sinasabi ko na si Eloisa” sabi niya sa babaeng tinawag niyang mommy at halos di sila nagkakalayo ng edad ni mamai. Nagmano ako sa kanya na kinagulat niya pa pero napangiti naman agad. “Mano po tita,” ani ko “Oh, kaawaan ka ng dios iha, ikaw pala ang sinasabi nitong anak ko, kay gandang bata mo naman” ani niya at hinawakan pa ng mukha ko kaya medyo nailang ako ng kunti kasi ni polbo nga wala akong nilagay sa mukha ko. “Ay thank you po , pero kayo din po super ganda niyo” puri ko sa kanya. “Ay naku magkakasundo tayo diyan hahahha” biro niya kaya natawa na rin ako. Nag kwentuhan pa kami ng kung ano ano lang about sa baking at iba pa. Nag work out ako ng may narinig akong nagtatawanan sa may pool area, wala sa sariling napa dungaw ako mula dito sa gym sa taas ng bahay,damn she’s here !!! Para akong sinilaban sa tindi ng kaba sa dibdib ko.dali dali akong bumaba para puntahan sila sa pool area. “Hello ladies!!!”bati ko sa kanila.kitang kita ko na nagulat siya sa pag sulpot ko at nakabuka pa ang kanya bibig dahil siguro sa ayos ko.gumala ang mga mata niya sa katawan ko at ng bumalik ang mata niya sa mga mata ko bigla siyang nag iwas ng tingin na namumula ang pisngi.damn she’s blushing and she’s so cute. “Anak mag bihis ka muna may bisita tayo” si mommy talaga panira ng moment. “Naku!! andito ang pangit!” Biglang sabi ng hipag ko,nag lilihi ito at ako yata ang pinag lihian. “Tsk!!! Wala naman gwapo sayo kundi si kuya,pero mas gwapo ako sa kanya” pang aasar ko pa. “Saan banda?” Banat niya kaya napakamot ako sa ulo. “Grabi ka talaga sakin,lagi mo nalang akong inaapi” kunwari ko nasasaktan.medyo nalukot naman ang mukha niya sa sinabi ko. “Umm tita, sharon, uwi na ako kasi may gagawin pa pala ako” sabat ni Eloisa.medyo nataranta ako kasi aalis na siya. “Huwag muna iha at dito ka na mag dinner” pigil ni mommy kaya lihim akong nagpa salamat kay mommy. Mayamaya pa dumating na sila kuya at daddy.naligo muna ako at bumaba na rin para sumabay sa hapunan dahil may duty ako tonight sa hospital. Tuwang tuwa pa ako dahil katabi ko siya sa upuan. “Ito iha tikman mo,alam ko chef ka pero sana magustuhan mo ang timpla ko” abot ni mommy sa kare-kare niya.dahil ako ang malapit kay mommy kaya ako ang kumuha ng bowl na inaabot sa kanya at ako na rin ang nag lagay ng ulam sa plate niya. “Tikman mo masarap to luto ni mommy,ito pa kanin” ani ko. “Ahemm” tikhim ni daddy kaya napa angat ako ng mukha at lahat pala sila nakatingin samin.pulang pula naman si eloisa na napakagat pa sa labi. “Salamat” maiksi niyang pasasalamat sakin. “Your welcome” sabi ko nag umpisa na din akong lagyan ng pagkain ang plate ko,kaya kumain na ron sila mom,dad at kuya.pero si mom ayaw paawat at gustong malaman ang resulta kung nagustuhan ba ng sweetheart ko ang luto niya. “How is it iha? Masarap ba?” Tanong ni mommy “Opo super! Pahingi po ako ng recipe tita hehehhe” ani niya kaya napangiti ako.nahuli ko naman na nag tinginan sila daddy at kuya kaya napa iling nalang ako. Halos di ako makakain dahil ramdam ko ang katabi ko at nahihiya ako sa mga kasama ko sa lamesa dahil sa ginawa ni doc. “Iha kain ka lang,huwag kang mahiya” si tita na nakangiti. “Opo tita,”maiksi kung sagot.mayamaya may naramdaman akong kamay na naka hawak sa hita ko,dahil sa gulat kaya nabitawan ko ang kutsara ko na gumawa ng ingay sa sahig, kukunin ko na sana pero pinigilan ako ni doc at doon ko lang nalaman na siya pala yong humawak sakin kaya nainis ako. “Sorry po,” hingi kong paumanhin sa kanila. “No worries iha,Rosa paki dalhan ng bagong kotsara dito” tawag ni tita sa kasambahay na agad naman ginawa at binigay sakin.napatingin naman ako sa kanila tita pero nasa pagkain ang attention nila kaya kahit nahihiya sinubukan ko pa rin kumain. “Yaya, pahingi po ako ng cupcakes,"dinig kung sabi ng katabi ko.nakita ko sa gilid ng mata ko na minamadali niya ang pagkain. " ilan ang gusto mo dalhin anak?"tanong ni yaya. " mga tatlo po para sa kape ko po mamaya"ani niya at nakita ko na nagpunas na siya ng bibig. "aalis ka?"tanong ni tita. " yes mom, i have an operation at 10pm,wala si Doc Ramos kaya sinalo ko yong pasyente niya." sagot niya kay tita. "mag iingat ka sa pag drive"bilin pa ni mom sakin, uminom na ako ng tubig saka ako tumayo, "sorry guy's,but i really need to go,yaya yong baon ko po?"tawag ko kay yaya na dali dali naman lumabas galing kusina. "ito na anak baon mo, mag ingat ka"napatango ako saka nagpasalamat,.i grab my key and kiss my mom,saka ako naglakad palabas ng bahay pero bumalik ako at dali dali humalik sa gilid ng labi ni Eloisa.lahat sila ay nagulat sa ginawa ko pero di ko nalang pinansin at tinuloy na ang paglalakad palabas,na may ngiti sa labi, see you soon sweetheart. - Muntik na akong mabulunan sa ginawa ni John sakin,halos di ako nakagalaw sa bilis ng pangyayari. "ahem,kain ka pa iha,dont mind my son"si tita na ang bumasag sa katahimikan, ngumiti lang ako saka ko pilit sinubo ang pagkain ko,tiningnan ko sila kuya at sharon pero busy na sila sa pagkain ganon din si tito kaya kahit hirap akong lunukin ang pagkain na ubos ko naman yong nasa plate ko. nagyaya si tita na mag tea muna bago ako uuwi kaya pinag bigyan ko na, na kwento niya sakin na sabik siya sa anak na babae kaya laking pasalamat niya at napunta si sharon sa kanila. mga 10pm nagpa alam na ako na uuwi na dahil maaga pa ako bukas,hinatid nalang ako ng driver nila dahil ayaw naman ni tita na mag taxi ako, habang nakahiga ako di ako makatulog dahil sa nangyari kanina,haist humanda talaga sakin yon bwisit na yon,!! grrrr...naku nakakahiya kina tita at tito.. mayamaya pa may natanggap na naman akong text galing sa unknown number. " ikaw ay parang buwan sa gabi na lagi kung tinitingala,abot tanaw pero di ko mahawakan" sino namam kayang sira ulo ang nag send nito?nilapag ko na ang cellphone ko at pinilit kong makatulog. nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock,bumangon na ako para maligo, sa Resto nalang ako kakain dahil wala naman akong kasabay dito. 9am na ng makarating ako sa shop dahil sa traffic sa may makati, tiningnan ko lang kung ano ang mga naka line up na orders ngayon araw kaya pina ready ko na ang gagamitin.mag uumpisa na sana ako mag bake ng may pumasok na delivery boy,isang bouquet na red and white roses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD