Tatawa-tawa si Chino habang inaalala ang itsura ni Althea kaninang pagbuksan siya nito ng pintuan ng CR. Totoo namang naiihi na siya kaya nga kinatok na niya ito sa CR na inabot na yata ng siyam-siyam ay hindi pa rin ito lumalabasa ng banyo. Pagbukas ng pintuan ni Althea, pinagbabayo siya nito sa kaniyang dibdib at nasabihan pang bastos. Paano naman kasing hindi, nakahawak siya sa harap ng kaniyang pantalon. Akala tuloy nito magbubukas siya ng zipper sa harapan nito. Ininda niya ang sakit nang panununtok nito sa kaniya dahil natutuwa siya sa reaksiyon ng dating kasintahan. Gustong-gusto niya na naglalapat ang kanilang mga balat kaya kahit bugbugin pa siya nito ay hindi niya ito pipigilan. Kung iyon lang ang tanging paraan para mahawakan niya ito ay papayag siyang magpabugbog dito. Ma

