Pagkatapos kumain nila Chino ay agad niyang inalalayan ang kaniyang anak na maglakad pabalik sa sala. Pasimple siyang sumisilip sa labas ng bahay nila Georgina upang tingnan kung anong ginagawa nina Zaki at Althea. Ayaw man niyang aminin, pero nagseselos talaga siya kay Zaki. “Daddy, anong sinisilip mo riyan?” kunot-noong tanong ng kaniyang anak. Sinulyapan naman niya ito saka sinenyasang huwag itong maingay. “Anak, dito ka lang ha? Pupuntahan ko lang ang Mommy mo,” sabi pa niya rito saka naglakad patungong pintuan. Kaaalis lang ng sasakyan ni Zaki, kung kaya’t hindi na niya ito naabutan pa. Nakapamaywang siyang nakatayo sa likuran ni Althea, kaya nang pumihit ito ay bumangga ito sa kaniyang hubad na dibdib. Tila nagulat pa ito nang makita siya nitong nakatayo roon. Sinubukan siyang pa

