CHAPTER 2
“Ely! Ely! Wake-up!”
I already heard my cousin’s voice calling my name a lot of times but I’m still sleepy and I probably don’t have any plans to get out of the bed yet. I’m wondering why she’s bothering me this early. Napamasahe ako sa sentido ko, wala pa ‘kong maayos na tulog dahil naging hectic ang schedule ko sa school. Finals exam namin at bilang editor ng school paper, ako ang abala sa pag-a-asikaso nito.
“Ang aga mong nambubulabog! Ano bang mayroon? Sabado ngayon at araw ng pahinga ko, Sheena ha!” Hindi ko napigilang ipakitang sira na agad ang umaga ko.
“It’s not my intention to ruin your morning, okay? Sa totoo nga n’yan ay aayain kitang mag relax, you know chill-chill lang.” She excitedly smiled at me. Duda talaga ako sa sinasabi n’yang “chill-chill lang” dahil kadalasan she tends to do stupid things at ako lagi ang sumasalo ng mga ‘yon.
“Don’t look at me like that! Kala mong may kasalanan na naman akong ginawa. I promise you, we will have fun lang. Fix your things now and we’ll go to La Union.” Natawa nalang ako sa kaniya, normal na ‘to sa akin ‘yong bigla-bigla akong kakaladkarin kung saan-saan. Hindi ko rin s’ya matanggihan dahil higit sa lahat s’ya ang pinaka malapit kong pinsan. S’ya na ang naging kasama ko sa lahat. Mula noon hanggang ngayong makarating kaming kolehiyo. Bukod pa rito, ay kahit sa maikling oras ay nagkakaroon ako ng panahon para mag enjoy… not until Sheena get wasted and start to messed everything up dahil ako ang bantay n’ya at literal na ako ang mag-aalaga sa kanya.
“Okay, okay. Lumabas ka na sa kwarto ko. Mag-a-ayos na ‘ko.” Tumayo na ako at tinulak s’ya palabas ng kwarto. Maaga n’ya talaga ako ginising kahit na tanghali pa naman ang alis namin. Excited talaga ‘yon basta usapang gala. Hindi na rin ako nag-abalang tanungin pa kung sino-sino ang kasama dahil sigurado akong mga kaibigan n’ya.
Iginayak ko lang din ang mga gamit na dadalhin ko sa pagpuntang La Union. Hindi ko na dinamihan masyado ang dala kong damit dahil alam ko’y hanggang bukas lang kami roon.
Mabilis na lumipas ang oras at may sumundo na saaming black na van. Ito rin ang madalas kong nakikitang sumusundo kay Sheena tuwing umaalis ito. Hindi ko na rin naman siya inuusig kung sino ‘yon dahil kabisado ko naman na si Sheena, magsasabi ‘yon lalo na’t kung gusto n’ya at kung sigurado na s’ya.
Marami kami sa loob ng van. Sa dulo at pinakalikuran ako naupo since those seats are not yet occupied. Lahat ng mga kasama namin ay kaibigan at kaklase ni Sheena. Sa campus ko lang parati silang nakikita at ‘yong iba’y nakakasama ko na kapag sinasama ako ni Sheena gumala. Ganunpaman, kahit na nakakasama ko na rin yung iba sakanila, I’m still not comfortable around them. Masyado silang intimidating and they’re actually out of my league. They’re definitely the type of a high-key people.
They just greeted me with a small smile at ngayon ay magkakausap na silang magkakaibigan. Diretsong nakatingin lang ako sa harap at pansin ko ngang tama ang hinala ko. There’s really something is going on with Sheena and the owner of the van who named Zen. Hindi ko naman ugaling mang-himasok sa personal nyang pinag-gagawa sa buhay. Napagtanto ko lang talagang s’ya pala yung bagong kinalolokohan ng pinsan ko
Tahimik lang ang byahe papuntang La Union. Ang iba ay natutulog sa byahe at ang iba naman ay kumakain at nagkukwentuhan.
“Hey! Elyxia right? Do you want snacks? We have here, so if you want, just tell me. Just feel free and be comfortable.” Totoo ngang sa grupo ng magkakaibigan hindi talaga mawawalan ng guwapong matangkad na englishero at ‘nice’ ang pakikitungo sa lahat pero na mi-misunderstood at binabansagang ‘flirty’.
I suddenly stopped browsing my phone when I him hear talked. Nakikita ko na sya, pero hindi ko alam ang pangalan n’ya. Ang tanging alam ko lang ay isa s’ya sa mga officers ng organizations sa school. Kaya’t madalas ko s’yang makitang pa lakad-lakad sa campus. “Ah, uhm sure!” I just smiled at him, medyo awkward dahil ngayon lang din kami nagkaroon ng interaction.
Akala ko ay iaabot n’ya lang ang box ng pizza at can ng coke saakin pero nagulat ako ng lumipat pa s’ya ng upuan sa kanang bahagi ko. Umusog na lamang ako ng kaunti at medyo awkward na ngumiti.
“Here pizza and drinks. Kumain ka ng marami.” Napatingin s’ya sa akin ng natagalan akong kumuha sa inaalok n’yang pagkain. Bahagya s’yang natawa at napakunot naman ang noo ko, nagtataka kung bakit.
“I didn’t mean to make you uncomfortable. I’m sorry I forgot to introduce myself. I’m Alexander, just call me Xander for short. And here’s your food you can eat peacefully now.” Nakangiti at halatang pinipigilan ang tawa n’yang iniabot sa akin ang pagkain. Nawalan ako ng kibo sa pinagsasabi n’ya at ang naintindihan ko lang ay ang pangalan n’ya.
“Thank you, Xander!” Tipid akong ngumiti at iniabot ang pagkain. Bumalik na s’ya sa inuupuan n’ya kanina at saglit akong tinapunan nang tingin. Namalayan ko na lang din na huminto pala ang sinasakyan naming van sa isang convenient store, bibili lang daw ang iba naming kasama. Natagalan sila sa pagbabayad sa kadahilanang marami ang bumibili.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe at narinig ko na lamang na sinasabi ng iba naming kasama ay limang minuto na lang daw ay naroon na kami. Mahigit apat na oras ang byahe mula Manila papuntang La Union at sabihin mang nakaupo lang buong byahe ay tunay parin itong nakakapagod.
Alas kwatro na ng makarating kami sa Casa Alta sa La Union. Kahit hapon na ay maaliwalas at maliwanag pa rin. Sapat ito upang matanaw at masilayan ang nakakahalinang ganda ng lugar. Di maitago ng bawat isa ang excitement upang gawin ang ibat-ibang activities sa resort. Dumiretso muna kami sa hotel kung saan kami tutuloy. Hindi ko maiwasang mamangha sa lawak at laki ng aming pagtutuluyan. Iba’t- iba kami ng kwarto ngunit ito’y magkakalapit lang. Narinig ko silang nagpapaalamanan sa isa’t-isa upang magpalit ng kanilang damit pampaligo. Kinumusta lang din ako ni Sheena kung ayos lang ba ako at sinabing nasa kabilang kwarto lang s’ya kung may kailangan ako.
“I’m just beside your room in the left side, If you need anything call me, okay? Maikli n’yang sabi.
Tumango lang si Sheena at tumalikod na.Pumasok na ako sa kwarko ko at inilagay ang mga gamit na dala. Iginala ko ang paningin sa loob. Mayroong sapat na laki ng higaan, moderno ang mga kagamitan at ang mahabang sofa ay gawa sa rattan. Sa kanang bahagi ng higaan ay mayroong sliding door na kung saan pag binuksan mo’y naroon ang balkonahe na tanaw ang malawak na resort. Nakadagdag ganda at gaan pa sa pakiramdam ang kulay ng pader saaking kwarto dahil napalilibutan ito ng beige na pintura.
Sandali akong naligo upang gumaan ang pakiramdam dahil sa mahabang byahe. Nagsuot lang din ako ng puting sleeveless na maxi dress na hanggang tuhod ang haba. Matutulog muna ako at lalabas nalang mamaya. May oras pa naman din akong mag-enjoy kinabukasan dahil sa pagkakaalam ko’y gabi na kami uuwi.
Nagising ako sa mahihinang sunod-sunod na katok. Narinig ko ang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin.
Lumapit ako at bahagyang binuksan ang pinto. Nagulat pa s’ya sa akin. “Sheena told me to wake you up. And maybe you’re hungry so you can eat now.” As usual nakangiti lang s’ya saakin. Lalong umangat ang kakisigan niya tuwing s’ya ay ngumingiti at higit na nadedepina ang malalim n’yang gitla sa magkabilang pisnge.
“Salamat, Xander. May kukuhanin lang ako at maghihilamos sandali.” Iniwan kong bukas ang aking pintuan at s’ya ay sumunod. Nahiya naman akong hindi s’ya papasukin gayong napakabait n’ya sa akin. Nakita ko s’yang naupo sa sofa. Lalo lang ‘tong nagmukhang maliit sakanya dahil sa sobrang katangkaran n’ya. Nakita kong ginagala niya ang mata sa kabuuan ng kwarto habang kinukuha ko ang sabong panghilamos saking mukha.
Pumasok na ako sa comfort room ng marinig ko s’yang magsalita. “Your dress fits you well, Ely.” Hindi na ako kumibo, sinarado ko na ang pinto at naghilamos. ‘Di ko mapigilang pamulahan ng pisnge dahil sa sinabi n’ya. Tinitingnan ko tuloy ang sarili ko sa harap ng salamin at inayos ang itsura bago ako muling lumabas.
“Sorry, natagalan ako.” Ngumiti lang siya sa akin, binitbit ko lang din ang cellphone at purse ko.
“No problem, so, let’s go?” Binuksan niya ang pinto ng kwarto at pinauna akong lumabas. He’s really gentleman, kind and approachable. Hindi na ‘ko magtataka kung bakit siya binabansagang ‘flirty’.
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad palabas ng hotel na tinutuluyan namin. ‘Di ko mapigilang mamangha ng makalapit na kami sa cottage kung saan tanaw na tanaw ang beach. Alas-syete na ng gabi. Buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag upang makita ang naghahampasang mga alon.
Nagpasalamat lang ako kay sandali kay Xander bago ako naupo sa tabi ni Sheena. Hinintay nila talaga akong maka baba bago sila kumain.
Payapa naman ang naging pagkain ng sandaling ‘yon. Na-enjoy namin ng lubusan ang mga pagkaing nakahanda dahil lahat iyon ay seafoods at lahat ay gustong gusto ko. Masaya talaga ang puso ko dahil hindi ako allergic sa mga ganoong klase ng pagkain. Nag-u-usap lang din ang mag kakaibigan at paminsan minsa’y tinatanong nila ako.
Matapos kumain ay inihanda ng mga kaibigan ni Sheena ang mga drinks . Hindi iyon ganoon karami dahil wala rin silang planong maglasing para ma-enjoy ang mga activities bukas. Hindi rin naman ako umiinom kaya nagpaalam na muna ako sa kanila na mauupo at magpapalamig muna ako sa tabing dagat.
I just feel how the soft cold wind embraces me. Ang repleksyon ng buwan ang matatanaw sa gitna ng payapang dagat. Niyakap ko ang sarili . Sinamantala ko ang pagkakataon para mag isip. Tunay akong nababagabag kung ano nga ba ang kakahantungan ko sa hinaharap. Makukuha ko kayang propesyon ang pangarap ko? Ganunpaman, ang tanging choice na mayroon lang ako ay ang magpatuloy. Gaano man nakakatakot, gaano man ang mga hamon na dala ng bawat kinabukasan.
Ang bigat sa pakiramdam. Dahil mataas ang expectation ng mga magulang ko saakin. Hindi ako pwedeng bumagsak. HIndi ako puwedeng magkamali ng desisyon. Ang gusto nila ay sa una palang, alam mo na at sigurado ka na sa mga bagay na gusto mong makuha. Simula noong bata pa lang ako, matindi na ang pressure na ibinibigay nila. Naalala ko pa ng minsang sumali ako noon sa isang Spelling Quiz Bee. Announcement na ng mga nanalo. Nakaupo kami sa harapan kasama ang kani kaniyang mga magulang. Tinatawag na ang mga nanalo. Nang marinig ko ang pangalan kong tinawag bilang second place ay masayang masaya ako. Tumayo na kami at pumunta sa entabaldo. Hindi ko man lang nakitaan ng kasiyahan ang magulang ko.
Ngiting ngiti ko pang itinaas ang medalya ko at iniaabot sa kaniya ang maliit na sertipiko.
Narinig ko s’yang bumulong saakin. “Masaya ka na ba r’yan? Second place kalang? Hindi pa sapat yan. Tandaan mo, dapat lagi kang pang una. Lagi ka dapat nangunguna sakanila.” Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi n’ya. Kahit na maliit palang ako noon ay may nasasaktan na rin ako.
Nakita kong nakatingin sa amin ang batang lalaki, ang nanalo ng unang karangalan. Mukhang narinig n’ya yata ang sinabi ni Mommy kaya’t bahagya pa itong lumapit sa akin at sinabing “Congratulations, ang galing mo!” At matamis ako nitong nginitian. Tandang tanda ko parin na nakuhanan sa litrato habang nasa stage kami ang pag-iyak ko. Lalo pa ng makarinig ng pagbati mula sa ibang tao.
Simula nang pangyayari na ‘yon kung saan isa pa lamang akong puslit na walang malay kung bakit ganoon ang nangyayari, Tinatak ko na saaking isipan na lahat ng gagawin ko ay hindi sapat dahil kailangan ikaw ang mas magaling at angat sakanila. I doubted myself so much, to the point that I only studies hard just to make them proud. Hindi para matuto ako, o mag enjoy ako, kundi para pumasok manlang sa standards nila para masabing deserving akong ipagmalaki.
Tinuyo ko ang luhang pumapatak sa aking mata. Sabi ko ay mag-e-enjoy dapat ako ngayon. Hindi para umiyak at maging malungkot. Di ko maiwasang mapait na pamangiti dahil hanggang ngayon, dala ko pa rin pala ang dulot nila saakin. Pinipilit ko na lang maging masaya dahil kahit paano ay nagawa kong lumaya sa presensya nila dahil sa Manila na ako nag aaral at ang kasama ko nalang ay si Sheena. Ganunpaman, dalawang beses sa isang buwan ay nagkikita pa rin kami para sermunan ako sa nakuha kong grado. Monitor pa rin nila ang pag-aaral ko. Kailangan mataas, kailangan pasado, kailangan pasok sa honor list. Dahil kung hindi, hindi ako makakapagpatuloy sa pag-aaral ko.
Lumipas ang sandali at nakatunghay pa rin ako sa payapang dagat. Mayroon akong naramdamang yapak na papalapit sa akin at tila may presensya akong nararamdaman. Sa pagkakataong lilingon na ako ay biglang may yumakap sa akin at nagulat na lamang ako nang may panyo itong pinaamoy sa akin.
Ang huling narinig ko na lamang ay ang boses ng isang lalaking sumigaw.
“Saan mo s’ya dadalhin? Ibaba mo s’ya.”
Unti-unti na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Nahihilo na ako. At dahan-dahan na akong hinihila ng antok at wala na akong ibang makita kundi dilim.