CHAPTER 59 Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo rito sa labas ng balkonahe. Hindi ko maiwan-iwan ‘tong unit ni Alec. Nagbabakasakali kasi akong baka makaisipan niya pang bumalik... baka magbago pa ang ihip ng hangin. Baka kahit sa huling pagkakataon mahawakan o makita ko manlang muli siya. Ilang oras na ang lumilipas simula nang umalis si Alec. Narito pa rin ako, hindi pa rin umaalis sa puwesto kung saan niya ako eksaktong iniwan. Hindi ko inaalintana ang init na tumatama sa aking balat dahil kumpara naman doon, wala pa ring kapantay ‘yong sakit at hapdi ng nararamdaman ko ng mga oras na ‘to. My mind was still clouded with thoughts. I can’t name exactly what I’m feeling right now. A mix of emotions, feeling of pain, betrayal, and hostility is slowly occupying my system a

