CHAPTER 65 I stopped running when I reached the elevator door. Rinig na rinig ko ang yapak ng lalaking matagal ko ng sinusubukang kalimutan na papalapit sa aking gawi. Papasok na sana ako sa elevator ng bigla niya ‘yong hinarangan. I slightly pushed him to the side so I could enter but he quickly caught my hands. “Xia,” naroon ang kakaibang emosyon sa tono ng boses ni Alec at hindi ko ‘yon mapangalanan. Napabalikwas ako sa kasalukuyan dahil sa muling pagtawag niya sa’kin. Hindi ko inaasahang dahil sa naging pagtawag niya ay mabilis na nanumbalik ang lahat. Simula noong umpisa hanggang sa matapos at makarating sa dulo. It pains me to hear his voice again after so many years. It pains me to see him here in Casa Alta at the most unexpected time. Isa pa, ang totoo nga’y kinalimutan ko

