"Young master, handa ka na pumasok sa Pamantasan ng Ulap?" tanong ng isa sa disciple ng pamilya ni Sean, dahilan para lumingon naman siya.
"Ikaw ba, handa na?" baling niya sa disciple nila, napakamot naman ito sa ulo pagkatapos.
Inasar tuloy ito ng mga kasama nilang disciples na nag-ensayo ng kanilang qi at babaylan powers.
Natawa naman siya, "Kailangang maging handa kahit saan tayo magpunta, dahil hindi natin alam ang haharapin natin sa University of the Cloud."
"Eh?"
"Eh? Eh? 2NE1?" biro niya sa kausap.
Lahat sila tumawa.
"Grabe ka naman, young master!"
Nag-ensayo na sila ng martial arts, qi, at salamangka ng pagiging babaylan nila, at sumagi naman sa isip niya ang kakambal na si Lulu.
Nasa mundo na sila ng modernong panahon, hindi sila nagtatago sa mga tao at nakikisalamuha pa sila rito.
"Kailan ulit tayo babalik sa labas?" tanong ng disciple na kasama niya na nag-eensayo sa Golden Lotus Hall.
"Kapag natapos na tayo sa University of the Cloud," sagot niya sa kasamahan niya.
Walang nakakaalam na mas bihasa na siya sa paggamit ng salamangka at ng qi niya, at mas gumaling pa siya sa paggamit nito, habang ang galing niya sa martial arts ay mas lumakas lalo, iniisip pa rin niya ang kakambal kung saan ito mas lumakas.
Pagkatapos ng kanilang ensayo, nagpahinga sila at nagpunta sa lake para mag-relax.
Nagpunta si Sean sa kanilang Lily Manor kung saan nandoon ang babaylan niyang ama.
"Pa, handa na akong pumasok sa Pamantasan ng Ulap," lapit niya sa kanyang ama at nakita niya itong gumagawa ng bagong salamangka.
Tumingin naman ito sa kanya at huminto sa ginagawa; hiwalay na ito sa Mama niya noong bata pa siya, at sinama nito ang kakambal niya.
"Huwag mong ipapakita sa iba ang natutunan mong salamangka mula sa lahi natin," bilin ng Papa niya sa kanya, dahilan para mapagtaka siya.
"Legal naman ang paggamit nito sa ating bansa, Pa, hindi ba?" sagot niya sa Papa niya, dahil legal ito sa kanila at hindi ipinagbabawal.
"Hindi nga, Sean, pero malakas ang kapangyarihan natin at pwede tayong patayin para makuha ito sa ating katawan; pwede mong ilabas, pero hindi katulad ng ginagawa natin na buong lakas," sagot ng Papa niya sa kanya.
Mula pagkabata niya, tinuro na sa kanya ang lahat na nalalaman ng Papa niya sa paggamit ng salamangka, lalo na malakas ang dugong babaylan niya at dugong cultivator niya na malakas rin, pero hindi kasing-lakas ng pagiging babaylan niya.
"Si Lulu, magkikita kaya kami sa Pamantasan ng Ulap?" sagot niya sa sarili, nang tatalikod na siya ay nagsalita ang Papa niya.
"Kung magkikita kayo ng kakambal mo, anak, sabihin mong miss ko na siya at gusto ko siyang makita," narinig niyang sagot ng Papa niya sa kanya.
Naghiwalay ang magulang niya dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kanilang angkan, kaya nagdesisyon na lamang ang mga ito na maghiwalay kaysa magsama ng panghabangbuhay.
Naiwan siya sa pangangalaga ng Papa niya, habang ang kakambal niya ay sinama ng Mama niya sa Timog Puting Rosas.
Hindi na siya sinama dahil sa utos ng kanilang angkan, kahit gusto siyang isama ng Mama niya sa pag-alis sa Timog Lily.
Naglakbay siya gamit ang sasakyan niya at hindi na siya gumamit ng powers para magpunta sa Pamantasan ng Ulap o University of the Cloud, at kasama niya sa paglalakbay ang mga disciple ng kanilang angkan na inimbitahan rin pumasok doon.
Nabaling sa rearview mirror si Sean nang magsalita ang isa sa disciple.
"Young master Sean, sana marami tayong matutunan at makilala sa University of the Cloud, sabi-sabi ay masyado raw istrikto sa rules ang University of the Cloud, at kapag sumuway sa pinagbabawal ay paparusahan," sagot nito sa kanya.
Kilala siya ng mga disciple na pasaway, kaya nasabi ito sa kanya.
Nang makarating sila sa University of the Cloud, marami na ring mga katulad nila ang dumadating, nakapila at may dalang invitation letters.
"Kami ang pamilyang Estacio mula sa Timog Lily," panimula niya sa nagbabantay sa labas ng University of the Cloud.
Kinuha nila ang invitation letter sa kamay niya at tumingin sa kanila bago sumenyas na pumasok, ngunit huminto sila bigla nang may maramdamang enerhiya.
"Second young master Lopez," bati ng dalawang bantay sa dumating na tao, at napatingin siya rito, natigilan naman ang tinawag na second young master.
Nakita nila ang dala nito at ng mga disciple ang isang tao na nakahiga sa stretcher bed.
"Nasa loob ba ang kuya ko?" tanong ng second young master sa dalawang bantay na nakausap niya.
"Ang Grandmaster Renzo Arlo ay nasa loob at naghihintay sa mga disciples ng iba't ibang angkan na mag-aaral sa University of the Cloud, second young master," paliwanag ng bantay.
Nagsalita ang mga kasama sa pila ni Sean at ramdam ang pagod sa paglalakbay.
"Maghihintay na lang ba kami dito maghapon?" sabat ng disciple na nasa likod niya.
Nandoon na ang lahat ng clans na papasok sa University of the Cloud.
Tahimik lang ang ibang clans na nakikinig, sasabat na sana siya nang may magsalita sa likod nilang lahat.
"Ano ba ang nakahigang 'yan, second young master?" boses ng taong hindi niya inaasahang makikita, at nang lumingon siya ay nakita niya ang kakambal na may ngiti sa labi nito.
Lumapit siya at nakasagi pa siya ng ibang disciples ng ibang clans, at niyakap niya ang kakambal, tumugon naman ito ng yakap sa kanya.
"Lulu, how are you?" tanong niya sa kakambal, hindi pinansin ang katabi nito.
"I'm fine, last week lang tayo nagkita, parang isang taon mo ako namiss, Sean, alam ko na magtatagpo tayo dito sa University of the Cloud dahil invited rin ang buong Wang clans dito," biro ni Lulu sa kanya.
"Uhm, Lulu, sana sinabi mo, sinundo kita sa White Rose Manor," sabi niya.
Pinapasok na silang lahat, magkakasama ang pamilyang Estacio at Wang, at inaasar naman niya ang stepbrother na si Marius na napipikon sa kanya.
Sinundan na lang nila ng tingin ang second young master na papunta sa Sanctuary of Thousand Petals o Healing Center.
"Hindi naman patay ang dala nila," sabi niya sa mga kasama, sinaway naman siya ni Marius.
Napatingin sa kanya ang mga kasamang disciples ng bawat clans.
"Paano mo naman nasabi, Sean?" sabat ng isa sa mahihirap na clan na inimbitahan ng Pamantasan ng Ulap para mag-aral.
Tumingin siya rito at nagsalita, "Na-obserbahan ko lang."
Nagpunta na silang lahat sa kanilang dormitory, at bawat clans ay may naka-laan na dorms, ang kaibahan lang ay magkakahiwalay ang mga clans.
"Lulu, ano ang mas malakas mong ginagamit, ang pagiging cultivator mo o pagiging babaylan mo?" tanong niya sa kakambal, at naiwan sila sa may tapat ng kwarto.
"Parehas, Sean, pero mas qi ang mas malakas sa akin at martial arts, doon ako tinuruan ni Mama at ng stepfather natin, kumpara sa salamangka ng babaylan, gustuhin ko man ayaw ako paturuan ni Mama sa elders ng babaylan," sagot nito sa kanya.
Sinabi naman niya sa kakambal na ang kanilang Papa ang nagturo kung paano sila mas lalakas gamit ang kanilang salamangka bilang babaylan.
"Miss ko na si Papa, Sean, huli ko siyang nakita noong sumama ako kay Mama, at hindi naman ako pinapunta sa Lily Palace para makita si Papa," sagot nito sa kanya, natahimik naman siya.
Hindi man alam ni Sean ang dahilan kung bakit ayaw ng kanilang Mama na pumunta ang kakambal niya sa Lily Palace, may hinala na siya.
"Sobrang lakas ng kapangyarihan natin bilang babaylan, hindi mo kakayanin, Lulu, pero kung gusto mo matuto pa rin, tuturuan kita ng basic para kung sakaling kakailanganin mo— magagamit mo nang walang tulong ko," sagot niya sa kakambal niya.
Dumating si Marius na seryoso ang mukha, kasunod ang disciple ng pamilyang Wang at palipat-lipat lang ang tingin nito sa magkapatid.
"Aalis na ako, Lulu, kitakits sa classroom—bye, Marius!" paalam niya sa dalawa nang palayo na siya.
"Bye, Sean—wait, Marius." awat ni Lulu sa kapatid niya.