01

1122 Words
Chapter 1 3rd Person's POV; "What the heck Stacy bakit bigla naman yang pag alis mo?" Tanong ng dalaga na napatayo sa kinauupuan. "Stacy pano na ang grupo at hindi din magandang idea ang biglaan mong pag alis." Sabat ng babaeng pretenteng nakaupo sa sofa. "I don't have any choice, thats my father's order at alam niyo na ang mangyayari pag hindi ako sumunod." Bored na sagot ng dalaga na kinatinginan ng mga babaeng nasa loob ng silid. "Kaya mo na bang bumalik dun Stacy?" Nag aalalang tanong ng isa sa mga dalagang nasa loob na kinatahimik ng ilang segundo ni Stacy. "Ito na siguro yung time para bumalik ako Khianne." Walang buhay na sa sagot ng dalaga. --- "Nakabalik na ako." Bulong ng dalaga ng makalabas ito ng airport at tanggalin ang suot ng shades bago tumingala at damahin ang sikat ng araw. Habang ang ilan namang naglalabas pasok ng airport ay hindi maiwasang matulala sa magandang nilalang na nadadaanan. She's look like a demi doll with fierce gaze. Napakaperpekto ng anyo ng dalaga na may nakakatakot na aura yan ang eksaktong maidedefined mo sa isang Stacy Vhaldirama. "Mrs.Knight." napatingin ang dalaga sa anim na black in men na nasa harapan niya na bahagyang yumukod. "Hayaan niyong iassist namin kayo pabalik sa palasyo." Ani ng lalaking nasa edad 40s habang nakayuko. "Sige." Walang emosyong sambit ng dalaga ng umikot ang isa sa mga ito para kunin ang maleta na hawak niya at ayain ito papunta sa kotseng hindi kalayuan sa pwesto nila. "How is he?" Tanong ng dalaga ng makapasok ito sa kotse ng pagbuksan siya ng isa sa mga sumundo sakanya. "He is still sleeping Mylady." Sagot ng lalaking nasa passanger seat ng kotse. "Binilin din ni Lord Knight na dalhin na namin kayo sa mansyon kung nasaan siya kaya wag na po kayo magtaka kung sa ibang ruta po tayo dumaan." Dagdag pa ng lalaki na kinataas ng gilid ng labi ng babae bago tumingin sa labas ng bintana. Buong byahe tahimik ang dalaga at nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana ng bigla na lang tumigil ang kotse at may mga hindi kilalang lalaki ang pumalibot sa sinasakyan na kotse. "Labas!" Sigaw ng lalaking humampas sa kotse na kinabuga ng hangin ng dalaga. "Ganito ba sila magwelcome sa bisita?" Bored na bulong ng dalaga bago buksan ang pintuan ng kotse at lumabas. "Ang galing talaga pumili ng putang inang Knight na yun." Nakangising sambit ng isa sa mga ito ng makita ang nakapokerface na dalaga na pinasasadahan sila ng tingin. "Anong kailangan niyo?" Walang emosyong tanong ng dalaga na kinangisi ng mukhang leader ng grupong tumambang sakanila. "Sa mga kasama mo wala ... pero sayo ... meron." Hindi nagreact ang dalaga ng hawakan siya sa panga ng lalaki at bahagyang itaas. Lalapit ang mga tauhan nito ng mag gesture ang dalaga bago----. "Ahhhh!!!!" Sigaw ng lalaking nasa harapan niya ng itapak niya ang takong ng killer heels niya sa paa ng binata at walang kaano anong ibaon yun. Susugurin ng iba ang dalaga ng harangan na ito ng mga tauhan at tutukan ng baril na kinaatras ng kalalakihan. "T-Tulong!" Sigaw ng pinakaleader ng grupo na nakahiga sa sahig habang hawak ang dumudugo na paa. "Sinasayang niyo ang oras ko mga pipitsuging gangster lang naman pala kayo." Bored na tanong ng dalaga bago buksan ang pinto ng kotse at pumasok sa loob. Stacy Vhaldirama's POV; "Welcome back Mylady." Yan ang bumungad saakin ng makalabas ako ng kotse na hindi ko na kinatakhan sa mga black in men na halos sakupin na ang malaking field sa labas ng mansyon sa dami nila. "After you mylady." Ani ng ng mukhang pinakahead butler bago ako ayain paloob. 'Masyadong formal at nakakairita.' Nang makarating kami sa pinakapinto ng mansyon kusa na yung bumukas at bumungad saakin ang maaliwalas na theme ng mansyon. "Welcome Lady Stacy." Sabay sabay na sambit ng apat na maid at isang mayordama na nakahanay at nakayuko. As expected walang kahit na sinong black in men na nandito maliban sa isang lalaki na nasa ibaba ng hagdan na nakapamulsahan at hindi man lang nag abala na yumuko. "I'm Rain Fuentabella Master Zian's Butler." Bored na sambit ng lalaki. "Pansamantala muna kitang iguguide at sasabihin ang recent situation ni Master Zian." Ani ng lalaki ng lampasan ko siya para pumunta sa itaas. "Hindi na kailangan sinabi na saakin lahat ni Tito Ziam." Walang ganang sagot ko ng maramdaman ko siya mula sa likuran. "Hindi ito ibibilin saakin ni Lord Knight kung alam mo na lahat." ani niya na kinapokerface ko. Ayaw ko magsayang ng laway sa mga tulad niya. Nang makarating kami sa ikalawang palapag naunang maglakad yung butler ni Zian at inigaya ako sa isang itim na pinto at dahan dahan yun binuksan. "This is look like a toy room than guy's room." Pokerface na sambit ko ng makita ang theme nito. Navy blue ang kwarto na may ibat ibang kulay at klase ng stufftoy na pusa. Pinalibot ko ang paningin ko sa kwarto hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang kamang nasa pinakagitna ng kwarto. "Simula ng aksidente at magising ito sa pagkakacoma once a week na lang ito nagigising na kinaalala ni Lord Knight ng sobra. Kahit na sinong doctor hindi alam kung bakit nagkakaganun ang lagay ni Master Zian dahil stable nanaman ang lagay nito." Out of the blue na explain ng butler ni Zian ng lumapit ako sa kama at bahagyang pagmasdan ang lalaking napapalibutan ng mga laruang pusa. May maamo itong mukha at itim na itim na buhok. Hindi ko iniexpect na babagay ang word na anghel sa isang lalaki at identify nun ang napakagwapong lalaki na mahimbing na natutulog sa kama. "Pang ilang araw na siyang tulog ngayon?" Tanong ko habang nakapako ang tingin ko kay Zian. "Pang anim na araw na ngayon at siguradong bukas na ang gising niya." Sagot ni Rain mula sa likuran ko. "Stacy." Napatingin ako sa pintuan ng bumukas yun at niluwa ang lalaking nasa 50s na sa kabila ng kanyang edad napakagwapo at napakatikas pa din nito na hindi na nakakapagtaka kung saan nagmana ang lalaking preteng nakahiga sa gitna ng kama. "Tito Ziam." Bulong ko bago yumuko bilang pag galang habang ang ilan naman nitong tauhan ay pinalabas. "Nice to see you here at salamat dahil pumayag ka na pansamantalang pangalagaan ang anak ko." Punong puno ng pag aalala na sambit ni Tito Ziam. "Alam kong mahirap ito para sayo dahil sa mangyari dati pero wala na akong ibang pwedeng pagkatiwalaan sa anak ko maliban sayo. Stacy ayoko ng mawalan pa ng isang anak ... si Zian na lang ang meron ako at ayoko ng pati siya mawala saakin." Dagdag ni Tito Ziam na kinabuga ko ng hangin. "Naiintindihan ko tito at pinapangako kong lahat gagawin ko para sa anak niyo." Casual na sambit ko bago tingnan si Zian. "Hindi ko alam na may Zian Knight na nageexist sa mundo ni Zandro." Bulong ko ng pagmasdan ko si Zian. "Mas pinili namin siyang itago sa maraming kadahilanan." Sagot ni Tito Ziam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD