CHAPTER 17

1069 Words

"Mateo, kilala mo naman si mommy. Wala siyang pakialam sa mararamdaman ng iba, ang mahalaga sa kaniya ay nasasabi niya ang gusto niyang sabihin. Saka ang problema kay Vanessa ay kinokontra niya lagi ang gusto ni mommy. Kaya ayon lumalayo ang loob nina mommy at daddy sa kaniya." seryosong wika ni Marcos. "Pero ipaglaban mo naman siya kay tita 'di ba? Kawawa naman siya kapag bitawan mo na lang ng basta-basta dahil lang ayaw ng mommy mo sa kaniya." "Mateo, magpapalamig muna kami kay mommy, darating ang araw na magiging maayos din ang lahat. Sa ngayon ay kailangang magpasensiya muna siya, kasi daugher in law lang siya. Samantalang si mommy ang ang masusunod hindi siya." turan nito habang nakatitig kay Mateo. "Dahil ba kay Savanna at sa anak mong si Enzo kaya nagkagulo ang mga plano ninyo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD