Nagtataka si Vanessa dahil matamlay si Marcos, at nakitang nitong malalim ang iniisip. "Babe, anong meron? Bakit parang pagod na pagod ang itsura mo?" tanong nito. "Vanessa, meron lang akong iniisip. Huwag mo na lang akong pansinin. Saka masakit ang ulo ko." "Sino, ang iniisip mo Marcos? Mukhang mahalaga yata sa iyo dahil parang stress ang itsura mo ngayon. Sana lang hindi si Savanna ang laman diyan sa utak mo!" "Vanessa, hindi totoo 'yan, at bakit ko naman siya iisipin, mag-focus ka nga sa relasyon natin, huwag sa mga duda mo sa akin. Saka, ang kasal natin hindi ko alam kung matutuloy pa ba, dahil ayaw pirmahan ni Savanna ang annulment namin 'di ba?" "Hindi ko na nagustuhan ang ginagawa ni Savanna sa atin Marcos, sa nakikita ko ay pinapahirapan niya ako. Mahal na mahal ka pa r

