Chapter 8 Paroo't-parito si Diego habang naghihintay sa waiting area ng ospital. para siyang isang asawa na hindi mapakali habang naghihintay sa manganganak na asawa. Matapos isugod si Alfha sa ospital ay hindi siya natuloy sa dapat na meeting niya kay Mister Bascon, dahil hindi niya kayang iwan si Alfha sa delikadong sitwasyon nito. Hindi niya alam kung bakit labis siyang nag-aalala sa kalagayan nito. "Mister! Kayo po ba ang asawa ni Misis Fidistrano?" tanong ng Doktor sa kanya ng lumabas ito mula sa delivery room. "H-Hindi po. N-ninong po ako ng magiging anak niya," napapakamot sa ulong saad niya. Sa dinami-daming puwede niyang sabihin bakit ninong pa. "Kailangan po nating matawagan ang asawa niya, dahil hindi po maganda ang lagay ng mag-iina. Kailangan po nating i-injuse si Misis

