Chapter 17 Ngunit ang pusong umiibig ay hindi kailanman napipigilan. Naghanap ng dahilan si Alfha upang madalaw ng palihim si Diego sa bahay nito. Nagbalat-kayo siya upang hindi makilala ni Basyang kung sakaling makita siya nito. Masaya na siya sa panakaw-nakaw lang na tingin kay Diego. Ilang minutong paghihintay sa labas ay natanaw na rin ni Alfha ang isang lalaking naka wheelchair. Matagal bago niya nakilala si Diego. Nasasaktan siya sa nakikitang kalagayan nito. Awang-awa siya sa itsura nito ngayon. Ang laki talaga ng ibinagsak ng katawan nito. Nakita siya ng katulong na nagtutulak sa wheelchair nito at ilang sandali lang ay lumapit ito sa kanya. "Bakit po, Ma'am? May kailangan po ba kayo?" tanong nito sa kanya na nakasilip lang sa rehas. "Puwede bang paki-bigay nito kay Diego?" s

