Ang plano kong puntahan ng hapon ang kumpanya kung saan nagt-trabaho 'yung mga lalake na tumulong sa akin ay nabago. Nandito na ako ngayon sa harap ng malaking kumpanya umaga pa lang dahil may kailangan kaming puntahang event ni Thadron mamaya. He said he needs me to meet some of his business partners. Mukhang okay na sakanyang ilabas ako sa publiko, ha? Nakasuot lang ako ng simpleng romper dress at boots. Naka-bun ang buhok at nakasuot lang ako ng anti-radiation glass. Wala lang, trip ko lang magsuot nito ngayon. Ang ganda kase, bagay sa outfit ko. Dala ang isang shoulder bag, calling card na binigay sa akin at isang paper bag ay naglakad na ako papasok ng kumpanya. I baked some cupcakes and cookies last night, wala na ako ibang maisip na ibigay as a token of appreciation, e

