It's Monday and I woke up feeling so energetic because finally! Makikita ko na ulit siya mamaya sa school, it's been three days since I last saw him. Yung excitement ko ngayon kumpara sa mga nakaraang araw ay tila naging triple. Pakanta kanta ako rito sa loob ng walk-in-closet ko habang hinahanda ang mga gamit na dadalhin. Ngayon na rin kase ang pictorial ng first batch mamaya, after class. Nagdala lang ako ng corporate attire dahil nasa campus na lahat ng toga. "Gosh, Esra! You woke up so early!" Napalingon ako sa likod ko at nakitang kakabangon lang ni Pia. Pupungay pungay pa ang mata dahil halatang inaantok pa. "You can still sleep, medyo maaga pa naman. Gigisingin nalang kita ulit," sambit ko sakanya. Kahapon kase ay hindi ko siya maiwan sa condo niya kaya sinama ko nalang

