I missed the therapy session for one day. Naalala ko nalang siya nang makita ang text ng aking doctor kinabukasan. Napasapo nalang ako ng noo dahil sa dami ng makakalimutan ko ay iyon pa. Maaga akong nagising kahit puyat ako kagabi, hindi ko natupad ang alas dose na uwi dahil inabot kami ng hanggang alas dos doon kila Chio. Binantayan ko silang dalawa hanggang sa makatulog sila para sigurado akong nakapagpahinga sila. Sa sobrang tagal na naming magkaibigan ni Pia ay parang naging parte na rin namin si Chio. Kung worried ako sa kaibigan ko, dapat sa boyfriend niya rin. It's for the sake of both. Nakita kong nag-ring ang cellphone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni Thadron. Nanlaki agad ang mga mata ko at halos mabitawan ko pa ang cellphone nang kunin ko ito. "H-Hello? Goodm

