BEAUTIFUL END

1950 Words
CHAPTER 13 Pakiramdam ko Isa akong sikat na celebrity,, paano ba naman kasi maraming tumitingin sa amin ni Kyle.. Seguro minumukhaan Nila ako, may mga poster at malalaking picture frame or ADS ako sa mga ilang outlets sa malls. Dahil sa mga Brands at products ng Alegre company katulad ng mga damit, make-up,perfumes at Kong ano ano pa Marahil din dahil sa kasama ko Sa mahal ko na si Kyle.. Matangkad,Matipono,maputi,at gwapo mapagkakamalan mo syang isang artista.. Nakakapit ako sa kanyang braso habang naglalakad kami sa loob ng Airport dahil nag insist si Kyle na bumili ng pasalubong sa Dutyfree para Kela mama at sa brother ko.. Ako na halos hindi makatulog kagabi sa kakaisip anong pagpapaliwanag ang Sasabihin ko ke mama,, pero eto si Kyle relax na relax lang Nakarating kami sa Dutyfree at nagsimulang magikot ikot kumuha sya ng small Cart, kumuha ng ilang mamahaling chocolates,at tumungo naman sya sa mga perfumes at kumuha ng isang pambabae at isang pang lalaki na 750ml. Pinagmamasdan ko lamang sya sa kanyang ginagawa.. Hindi man Lang sya nagtatanong kong akong klaseng perfumes ba ang ginagamit o gusto ng mother at brother ko Pero ang mga kinukuha naman nya ay mga gusto ng pamilya ko.. Kaya OK lang sa akin...akala ko tapos na sya...nagulat ako ng tumungo naman sya sa tindahan ng mga relo at bumili din ng tig iisa. pang lalaki at pambabae.. Ang kanyang mga pinamili ay mamahalin. Hindi ko na tuloy mapigilan ang aking sarili na huwag magsalita Kyle mukhang bibilhin mo na yata ang pamilya ko ah.. OK na ba eto Babe, o kulang pa Ha! Anong kulang subra subra na nga Yan halika na nga, baka balak mo pang bilhin ang duty free ang reklamo ko sa kanya Alam mo Kyle kahit wala ang mga iyan, Alam Kong matatanggap ka ng family ko Mababait sila at Alam ko kong sino ang gusto ko o mahal ko ay mamahalin din Nila.. Akala ko ba hindi ka nenenerbyos ang tanong ko sa kanya. Na sinagot lamang nya ng matamis na ngiti Hindi naman talaga ako natatakot kasi kahit ayawan Nila ako Para sayo marami akong paraan Para makuha ka.. Oh! Talaga ano naman yon Kikidnapin kita...ikukulong kita sa lugar na ako Lang ang nakakaalam Siraulo,at kinurot ko sya sa tagiliran Baka kelangan mo pang bumili ng kadena Para ikadena ako. Ang suggestion ko sa kanya Hmmmm! Oo nga no, bakit nga ba hindi.. At sabay kaming na patawa...... Nasa peremeter na kami ng sunshine resort ang aming resort... Tanaw na tanaw na sa di kalayuan mula sa aming kinatatayuan ang Mala asul na dagat may mga nakaparadang mga sasakyan katulad ng jeeps,family vans, at tricycles..... Mukhang madami ang dumalaw sa aming resorts,, sabagay mula ng napaayos eto,.. Mula sa kita ng pagmomodelo ko malaki na ang ipinagbago nito... Ang dating cottages na sira sira, napaayos na Ang dating mga cabins na paayos na at medyo na upgrade nadin..... Ang dating dalawang katulong sa resorts, Nadagdagan ng tatlo naging lima na...marami pang dapat isaayos at idagdag wala pang budget.. Pero nakakasegurado ako paunti-unti matutupad ang pangarap namin dito... Habang papalapit kami, nakita ako ng Isa sa katulong namin tuwang tuwa naman etong lumapit sa amin... Maa'm Dana akin na po yang mga daladalahan nyo.. At sino etong gwapong katabi nyo po? Ang usisa ni cristy sa akin na nakatitig kay Kyle... Ah sya ba? Gwapo ba? Ang balik Kong tanong sa kanya Ayy! Opo mam napakagwapo parang artista, artista po ba sya mam? hmmm! Boyfriend nuo po? Ngumiti lamang ako at sinabing sya si Kyle,OO boyfriend ko nga Ayyy! Bagay na bagay po kayo mam sir!!... Salamat! Cristy,.. Sya nga Pala anong ginagawa nila mama hindi kasi Nila Alam na darating kami surprise ba Ah! Kaya Pala wala naman sinasabi sa akin si mam Lucy surprise Pala.. Nandun sa canteen oras na ng pananghalian ngayon Kaya maraming tao sa canteen OK,Cristy pakihatid na Lang mona ang mga dalang gamit namin sa bahay, at pupunta na mona kami sa canteen ng makakain na din gutom na din kasi kami e.. Opo! mam Dana,.. Agad naman umalis si Cristy Para ihatid ang mga gamit namin sa bahay at kami naman ni Kyle ay tumungo sa canteen,, tiyak masupresa talaga yon wala akong abiso na darating ako ngayon at may kasama Minabuti ko na lamang na huwag ng magsabi, mas mabuting makita nya ng personal si Kyle at mahusgahan.. Botong boto kasi si mama sa anak ng kaibigan nya sa nakabili ng bahagi ng resorts namin si doctor Harold, mabait, Mayaman din, may stable na trabaho, at gwapo din naman eto,.. At botong boto din sa akin ang mother nito... Pero anong magagawa ko Kong ang gusto ng puso ko ay ang lalaking nasa tabi ko ngayon.... Maraming tao sa aming canteen At mukhang satisfied naman ang mga customers sa mga pagkain na kanilang inorder... Si mama kasi ang nagluluto dito at maipagmamalaki Kong napaka sarap nyang magluto.... Dumeretso kami Kay mama,at gaya ng inaasahan nagulat sya ng makita ako at lalong nagulat sya ng makita na may kasama ako.... Bat hindi ka man lang tumawag na darating ka,at sino yang gwapong kasama mo? Kasamahan mo ba sa trabaho? Ang tanong sa akin ni mama MA! Sya si Kyle ang may ari ng company na pinagtratrabahuan ko Ay naku! Sir!!! Pasensya na po hindi ko inaasahan na darating kayo wala man lang ako naihanda Para sa pag bisita nyo dito.....ang natatarantang wika ni mama.. Natatawa ako na kinakabahan sa intro ko MA! Ako po si Kyle Alegre,.... Ang boss ni Dana kapag Nasa trabaho pero sya po ang Boss ko sa personal na buhay.... Ang sagot naman ni Kyle na ikinabigla ko din napatingin tuloy ako sa kanya Ha!! Anong ibig mong sabihin?.. At tinawag mo akong MA! Nalilitong tanong ni mama sa sinabi ni Kyle sa kanya MANO PO MAMA!!!kinuha ni Kyle ang kamay ni mama at nagmano Ay! Teka teka. Mama, Kyle, pwede duon na lang nyo ituloy ang pag-usap nyong dalawa sa bahay pinagtitinginan na tayo dito ng mga customers oh, ang agad na putol ko sa dalawa napansin ko kasing maraming mga Mata na ang nakatutok sa amin Ma,order kami ng inihaw na pusit,inihaw na bangus, sinigang na Hipon at ensaladang mangga pagkasabi ko nito kay mama ay kinuha ko na si Kyle upang ilayo Pagkatapos naming mananghalian ni Kyle,ay sabay sabay na kaming umuwi ng bahay Nila mama.... Wala ang Brother ko nasa Manila, umuuwi lang din yon kapag walang klase at bakasyon.. Kaya si mama lang ang makikita at makikilala ni Kyle sa family ko ngayon Nakaupo kaming tatlo sa sala katabi ko sa mahabang upuan si Kyle at si mama naman ay nasa tapat namin nakaupo Ipagpatuloy natin ang naputol na usapan kanina, ang seryosong sabi ni mama Tumayo si Kyle sa harapan ni mama at pormal na nagpakilala MA! Ako po si Kyle Alegre,ang boss ni Dana sa work, at ako din po ang kanyang boyfriend at magiging ama ng aming anak, MA! pasensya na po at ngayon lang po ako naka dalaw... Hindi makapagsalita si mama sa sinabi ni Kyle kaya.lumapit ako sa kanya upang alalayan sya.. Ang totoo nyan sa canteen pa lang tanggap ko ng may boyfriend na ang anak ko,Kaya dapat OK n ako, hindi na ako mabibigla pero,...... Buntis ka Dana? Opo MA! Sorry po! MA! Nandirito po ako sa harapan Nyo upang ipaalam sa inyo na mahal na mahal ko po ang inyong anak, at pinaplano ko na po ang kasal namin... Nagulat ako sa sinabi ni Kyle ano, kasal.... Never nya kasi nababanggit ang tungkol sa kasal... Para sa akin hindi naman na mahalaga ang kasal basta masaya at magkapiling kami ni Kyle ay ayos na sa akin.... Kyle, Dana anak, hindi naman ako tumututol sa inyong dalawa Nakikita ko naman na mahal nyo ang isat-isa.. Pero Kyle Sana huwag mong sasaktan si Dana yon lang ang tanging hiling ko.. Kasi napakabait na Bata nyan si Dana at kelan man hindi namin sya sinaktan ng yumao nyang ama Opo! naman MA, makakaasa po kayo at hindi ko po magagawa ang saktan si Dana mahal na mahal ko po sya pinakamamahal Mabuti naman,.. Ang wika ni mama kay Kyle Sya nga Pala ilang buwan na yang ipinagbubuntis mo, Dana Mahigit two months na po ma, Pitong buwan na lang Pala ang hahantayin ko magiging Lola na ako ang masayang Sabi nya.. ang kaninang makulimlim na aura sa mukha nya ay napalitan na ng kagalakan O sya Dana umakyat na kayo sa taas ng makapagpahinga na kayo.... Masama sa buntis ang napapagod Opo MA, aakyat na po kami, Wait! Babe hindi ko pa naiabot Kay mama ang munti kong regalo. Sandali lang MA, Pagpasensyahan nyo na po eto.. Wala po kasi sa Plano ang pagpunta ko dito ngayon biglaan Lang po kaya eto lang po ang nabili ko Para sa inyo Ah! E salamat nagabala- ka pa... Kinuha ni mama ang dalawang paper bag na naglalaman ng perfumes at wrist watch.. Paniguradong masusupresa sya first time nya makatanggap ng mamahaling regalo.. Hindi ko na hinantay na buksan ni mama ang bigay ni Kyle sa kanya agad agad ko ng hinila si Kyle sa taas sa kwarto ko.. Babe,payag ka bang dito na Lang natin ganapin ang wedding natin Beach wedding,napansin ko maganda Pala dito Ha! Seryoso hindi ka pa nga nag propropose sa akin, wedding agad ang nakangiti kong reklamo sa kanya Niyakap nya ako sa likuran, nagsasalansan ako ng mga damit namin sa bag ng mga oras na iyon.... Hindi mo pa nga alam kong papayag si Grandma mo sa relasyon natin... Babes, ang totoo kasi wala na tayong problema Kay Grandma nakausap ko na sya at sinabi ang lahat lahat sa kanya pati ang pagbubuntis mo, Alam MO bang tuwang tuwa sya kasi magkakaapo na sya Pupunta ako ng London upang sunduin sya.. Excited na din syang ma meet ka E paano naman Yong fiancee mo Ang hindi ko mapigilan tanong sa kanya She's not a big deal....nong ako'y pangit pa ni minsan hindi sya nag care sa akin... At Alam ko ang mga pinag-gagawa nya. May boyfriend sya sa kabila ng may fiancee sya at Alam ko ding may kinakaharap na financial problem ang company Nila, nakausap ko na si Uncle about dito at maayos naman namin na settled Inalok ko silang tutulungan, hindi ko rin naman sila pwedeng pabayaaan dahil kaibigan sila ng nasira kong mga magulang Hindi ko kayo pababayaan ng magiging anak natin As I promise to you gagawin ko ang lahat Para sayo..IKAW lang ang babaeng mamahalin ko habang akoy nabubuhay because I kno'w hindi ko kayang mabuhay Kong wala ka... I LOVE YOU SO MUCH DANA ALFONSO!!!! Iniharap ako ni Kyle sa kanya at biglang lumuhod WILL YOU MARRY ME? Inilabas nya sa bulsa nya ang isang small red box at ng kanyang buksan may magandang Diamond Ring na bumulaga sa mga Mata ko WILL YOU STAY IN MY LIFE, LOVE ME WITH YOUR ALL OF YOUR HEART, ENDURE ME HOW FOOLISH THIS MAN WILL BE AND TAKE GOOD CARE OF ME AS YOUR HUSBAND WILL YOU MY LOVE!!? YES! YES! YES! YES! YES Sinong magaakalang ang isang pagkakamali ay magiging isang magandang the End... Hindi lahat ng pangit ay pangit Hindi lahat ng maganda ay maganda Sabi nga Nila THE BEAUTY IS IN THE EYE OF THE HOLDER At hindi rin nakikita ang kapangitan sa panlabas na anyo.. Lahat tayo ay may UGLY SECRET na tinatago sa ating mga sarili.... TIME TO CHANGES, BE PROUD OF WHO YOU ARE!!! "END" ....................................................... Thank you for reading my works!!! Please do a vote and any comments It's give me more encouragements to continue?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD