CHANGES

1787 Words
CHAPTER 3 Bumalik ako sa aking Dorm Para kunin ang natitira ko pang mga gamit, Ipinadala ko na kasi Kay mama ang iba kahapon at pinauna ko na syang bumalik ng Palawan, nagpaalam naman ako sa kanya kahapon na may kasiyahan kaming mag kaklase parang farewell party.. Kaya si mama pumayag naman........kong Alam Lang nya ang mangyayari sa akin kahapon Segurado isinama na nya ako pabalik ng Palawan.... Sa hallway Palang ng Dorm napapansin Kong nakatingin sila sa akin at nagbubulungan...... Bakit? may nakakita ba sa akin sa amin ni Kyle sa Hotel ang agad na pumasok sa aking isipan... Pagpasok ko sa mismong room ng dorm ko, agad agad akong hinila ng ka room mate ko na si cherry.... Totoo ba? Ha? Ang anong totoo Cherry? Gusto Kong Malaman mula sa kanya Kong totoo ang hinala ko na may nakakita sa amin sa Hotel... Totoo ba na may boyfriend Kang Beast? Ha? Nagulat parin ako, medyo nahimasmasan ako ng onti dahil wala naman Pala nakakita sa amin ni Kyle sa Hotel akala ko yon na yon.... Ahmm Cherry, OO boyfriend ko sya Yong Beast na tinatawag Nila.. Pagsisinungaling ko... Ha! Talaga gaano ba sya kapanget? Ayyy I mean.... Ganito yon, hindi naman ako sa nanghuhusga ano... Ahhmmm ganito na Lang, Ano ang nagustuhan mo sa kanya bat mo sya binoyfriend? Kasi maganda ka naman hindi ka Lang Pala ayos,pero Kong aayusan ka at dadamitan naku walang Panama sayo ang Ibang mga sikat na babae dito sa Campus.... Sya si Cherry Gallo ang aking room mate, taking designer and fine arts... Medyo may pagkamadaldal sya at may sariling mundo Lalo na kapag abala sya sa kanyang ginagawang Obra... Hindi kami masyadong nakakapagbonding kasi magkaiba kami ng course... At kapag nandito naman sa aming room parehas kaming abala sa harap ng aming personal computers,,, nagaaral nagreresearch at Kong ano ano ano PA, na may kinalaman sa aming mga kurso..... Cherry makinig ka, Tandaan mo hindi porke maganda o gwapo ang itsura ng isang tao.. Eto ay mabuti, maganda at dapat na silang hangaan... At hindi lahat ng panget ay panget talaga.... How can I explain this, nagiisip ako ng tamang explanation how to simplify for her ng magsalita sya.... Alam ko na ang ibig mong sabihin, katulad na lamang ng mga retaso at ibang items na patapon na sa Mata ng iba... Na madalas Kong gamitin sa aking mga Obra,,, sa Mata ko maganda sila at mas malaki ang silbi... Hindi ba Dana? Yes ganun na nga... Katulad na Lang ng boyfriend ko, hindi naman sya dating panget, ng dahil sa car accident Kaya nagkaganun ang mukha nya...pero mabait syang tao.....kaya nagustuhan ko sya at minahal............naku Dana gumagaling ka na sa Pagsisinungaling...... Kaya nga Tama ka Dyan Dana...well uuwi ka ba today? I invite Sana kita sa amin may maliit na party Para sa aking graduation at birthday ni Kuya Luke Brother ko.... Sige na Sama ka sa akin ha? And ako ang bahala sa dress mo.. May ginawa ako at ikaw ang aking kaunaunahang model... At duon ka na matulog sa amin ipahatid kita sa Airport bukas promise...... Ha? A e sige OK...mapilit ka e may magagawa pa ba ako.. At sabay kaming tumawa.... Sa totoo Lang medyo masama ang pakiramdam ko Lalo na ang lower part ko........ Pumunta ako ng CR Para mag shower at duon ko lalong naramdaman ang kirot Lalo na ng umihi ako....... Napagpasyahan ko na Lang na uminom ng paracetamol na gamot... At isinama na ako ni Cherry sa kanilang bahay may sarili etong car........ Napatulala ako sa nakita ko,,, pumasok kami sa isang eclussive na subdivision from the entrance gate naglalakihan at napakagaganda ng design ng mga bahay parang nagpapatalbugan ang mga pamilyang nakatira dito...... Pag tapat namin sa isang malaki at magandang bahay kusang bumukas ang gate, mas Lalo akong namangha sa loob ng bahay napakaganda ng interior designs, lahat ng makikita mong mga gamit mapapa wow ka talaga hindi ko sukat akalain ganito Pala Kayaman ang pamilya ni Cherry.....hindi kasi sya showy sa Kong anong meron sya unlike sa iba... Mom,,, meet Dana sya Yong sinasabi ko sayong room mate ko.. Hello po Mrs. Gallo at inabot ko ang aking kamay Para makipag shake hands... Laking gulat ko ng niyakap nya ako at sinabi nyang don't call me Mrs. Gallo just tita Grace na Lang OK... Ang Sabi nya sa akin habang nakangiti ng matamis.... OK maiwan ko mona kayo at marami PA akong aasikasuhin Para sa party mamaya.... Kumain kayo pinaready ko na ang mga foods... OK mom... Halika Dana let's eat first...... Ay wait, iwanan mo na Dyan ang mga gamit mo may Magdadala nyan sa room sa itaas..... Ganun ba OK.. At sumunod na Lang ako sa kanya.... Pagdating namin sa kitchen nakahanda na ang foods sa lamesa may apat na putahe ng ulam may dalawang klase ng salads,at mga desserts.... nag umpisa na kaming kumain ni Cherry......at ng makatapos umakyat na kami sa room nya sa second floor....... Napakalaki din ng kanyang kwarto mamahalin din ang mga gamit...... Anong gusto mo matulog o manuod mamaya PA naman ang party... Cherry pwede bang matulog na Lang ako medyo masama kasi ang pakiramdam ko.. Ha may sakit ka? Wala naman uminom na ako ng gamot...gisingin mo na Lang ako Kong need ng mag ready sa party........ Hindi ko masabi sa kanyang iniinda ko ang sakit sa lower part ko.. OK sige pahinga ka na Lang much better.... Tiyak magpupuyat tayo mamaya.... Ok maiwanan na mona kita may aasikasuhin Lang ako... Feel at home.. OK thanks Che!!.......... Dumating ang takdang oras sa party, bumababa kami ni cherry sa hagdan ang buong akala ko simpleng party aysus eto Pala ang simple sa kanya.... ang mga bisitang babae lahat naggagandahan sa kanilang suot na mga gown at nagkikinangan ang mga suot din nilang mga Alahas... Ang mga kalalakihan naman eleganteng elegante sa suot na mga suits at toxedo.... Para akong nanunuod Lang ng palabas sa TV ganitong ganito ang nakikita ko.... At kami naman ni cherry Para kaming mga actress na dadalo sa awards nights.. Bongga din ang aming suot na gown.. Ang suot ko na long gown may mahabang split sa side, Kaya kapag lumalakad ako bumubuka eto at nakikita ang bilugan Kong hita.... Naka expose din ang balikat at likod ko, pinahiram din ako ni Cherry ng jewelries Sabi nya ako ang kauna unahan nyang model na irarampa sa mga audience Kaya kailangan perfect... ... Akala ko nagbibiro Lang sya at wala sa isip ko kanina wala talaga akong Idea na ganito Pala ang tinutukoy nyang simpleng party, Kong Alam ko Lang hindi na ako sumama..... Hindi ako mapalagay sa suot ko Lalo na ng makita kami ng mga bisita nakatingin silang lahat sa aming dalawa.... Pagbaba namin agad agad naman kaming ipinakilala sa mga bisita ng kanyang mama at nasa tabi din nito ang kanyang papa Kaya ipinakilala din ako sa kanya.... Aba napakagandang Bata Pala nitong kaibigan mo ha Cherry, Pa, syempre naman maganda ako natural Lang na maganda din ang aking mga friends.... Nagsipagtawanan ang mama at papa ni Cherry Pati mga bisitang nakarinig... Sya nga Pala anong Oras daw darating si Luke Ma, parating na yon.. Nagtext na sya sakin...na traffic Lang.. Sa nakikita ko na buo ang pamilya ni Cherry at masaya,bigla akong nalungkot naalala ko ang papa ko... Tiyak may kaonting kasiyahan din sa bahay paguwi ko at masaya din seguro kami.. Kaso kulang na ang pamilya namin... Hey! Cherry my beautiful cousin,Lalo ka yatang gumaganda ah! Oh ikaw Pala Daniel,ikaw din naman lalong naging Acute, heheehe!!!! Heheheehe!!! At sino naman etong napakagandang binibining kasama mo ha cherry Her name is Dana, and she is not available anymore she's taken.. Kaya tsupiiii... Araay naman... Huli na Pala ako At nagtawanan kaming tatlo ni Cherry at Daniel... Nakakaaliw silang mag Pinsan.....talagang paniwalang paniwala si Cherry na may boyfriend talaga ako.... Dana mahiram ko mona etong maganda Kong pinsan ipapa kilala ko sya sa friends ko..malay natin sya ang makakuha ng boyfriend ngayong Gabi. OK sige Lang Daniel... Cherry good luck ang kantyaw ko sa kanya... At dumila Lang sya sa akin..... Natira akong magisa at may lumapit sa akin nagpakilala, hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nya may pagka bastos, pagkatapos nyang magpakilala sa akin alukin akong lumabas pumunta daw kami sa lugar na kami Lang dalawa... Sorry hindi ako interesado.. At tumalikod na ako, nang bigla nya akong pigilan sa braso at tangkaing hahalikan...pumiglas ako at sinampal ko sya... Nagulat sya sa aking ginawang pagsampal sa kanya at sa sampalin din nya Sana ako ng may mga kamay na pumigil sa kanyang braso... Nagtitigan Lang silang dalawa at umalis na Lang Yong lalaking Nambastos sa akin. Salamat! At tumalikod na ako sa kanya....umupo ako sa isang upuan Para duon na Lang intay in si Cherry at masakit na din ang aking mga paa dahil sa suot ko na high heels hinimas himas ko pa eto, ganito talaga yata kapag hindi ka sanay.... Napansin Kong sumunod Pala sya sa akin.. Umupo din sa tabi ko ang lalaking nagligtas sa akin kanina tumingin sya sa aking mga paa at ngumiti... Hindi ko sya pinansin patuloy Lang ako sa pag massages ng paa ko.... You need help miss? I'm OK thank you! Ohh Kuya andyan kalang Pala... Nagkakilala na Pala kayo ni Dana she's my room mate... Dana?.... Oh Dana, Pala ang pangalan nya, HI! Sorry! Hindi ko Alam na ikaw Pala ang Kuya ni Cherry. OK lang,, wait Dyan ka Lang. Cherry bantayan mo sya may kukunin Lang ako... Nagtataka kami ni cherry bat nagmamadaling umalis yon.. Alam mo ba Dana maraming nagtatanong sakin tungkol sayo. Ha! Sakin bakit daw? Hey, huwag Kang nerbyusin nagtatanong sila sa akin, kasi gusto nilang Malaman Kong sino stylist mo or Kong saang boutique mo nabili yang mga suot mo... At ang Ganda Ganda mo daw malakas ang appeal mo....Alam ko, Dana kahit nuon pa man napapansin ko iba ang beauty at napakaganda ng hubog ng katawan mo at ang height mo tamang tama Lang.... Alam mo Dana may narealize ako ngayong Gabi.. Ayan na Pala si Kuya Luke, ano yong dala nya tsinelas? Dana heto ang suutin mo. At isinuot nya sa mga paa ko ang tsinelas nakatingin Lang kami ni Cherry sa biglaang action nya.... Para tuloy akong si Cinderelang sinusuutan ng sapatos ng kanyang prince charming... Yes, mukha talaga syang prince matangkad, gwapo, may dimple pa sa pisngi,maganda din ang pangangatawan, at mukhang mabait....at mukha din syang gentlemen, Tumingala sya sa akin at kami ay Nagtitigan, Ngunit ako ang unang bumawi sa pagkakatitig nya.... Si cherry naman Tila na engkanto hindi na gumagalaw ang mga Mata nagniningning at halos mapunit ang labi sa pagkakangiti........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD